Mahal, Ayaw na Kitang Makilala

42 1 0
                                    

Mahal, kung sino ka man
Kung ikaw man ang magpapagalak sa puso kong mapanglaw

Kung nasaan ka man
at kung ikaw man ang sasama sakin sa dunggot ng walang hanggan,

Maaari bang huwag ka nang magpakilala pa?
Mahal, ayaw na kitang makilala sapagkat inililok na sa puso ang pag-ibig sa kaniya at kailanma'y di adhikaing mabura.

Pakiusap ko sayo, kung ako man ang ipinagdarasal mo ay huwag na lang, masasaktan ka lang.
Sapagkat hindi ko dalanging magmahal ng iba.
Mahal, masasaktan ka lang sa pasumala kong bungad sayo.

Mahal, kung sino ka man
Kung ikaw man ang siyang magmamahal sakin
nang walang humpay

Kung nasaan ka man
at kung ikaw man ang sasama sakin sa magpakailanman,

Pakiusap ko sayo, diyan ka na lang.
Mahal, ayaw na kitang makatagpo pa sapagkat siya lang ang tanging nakikita.
Mahal, binabalaan na kita, sakit lang ang iyong mapapala.
Sapagkat ngayon pa lang ay pinipili ko na siya.
Mahal, masasaktan ka lang sa pagpili ko sa kaniya bagaman hindi na ako kaniya.

At kung ikaw man ay dumatal pa rin,
Patawad at di ko kayang ibaling ang sintang nakalaan lamang sa kaniya.
Patawad sapagkat gaano man ito kabuktot, alintana ko ang sakit ng pag-ibig sa kaniya.
Mahal, ayaw na kitang makilala pa marahil hindi ko rin nais ang masaktan ka.

A/N: Salamat sa matalik kong kaibigan sa pagtulong nang paggawa ng pirasong 'to.

My Silent Screams (on going)Where stories live. Discover now