Santuwaryo

39 1 2
                                    

Nasa silid ka nung binaybay ang iyong mga mata
Sa buong katawan dumaloy ang kaba nang magtugma ang ating mga mata, ang iyo'y nasa akin na pala.
Hindi malilihim sa bawat talinhaga ang pag-ibig na di ko na maibubura, ang pag-ibig na sinubukang mabura.

Aaminin kong nabalot ako sa takot na di ka na babalik pa, akala kong magmamahal na ng iba ngunit maling akala lang pala. Napatanong sa sarili, ba't pa pinakawalan ka? Nasayang lang ba ang sakit na ininda at ang hirap na dinanas?

Dahil ngayon ay nandito ka saking harapan at di ako makapaniwala, totoo na ba ito? Ilang beses  din akong nakulong sa mga panaginip ko na'ng isip ay gising at halos ayaw nang magising. Ang pangungulila'y araw araw mas bumibigat at ang tanong sa sarili ay "paano ko nakakayanan 'to?" at hanggang ngayon wala akong maisagot.

Nung nakita kong masaya ka na sa iba, pinaubaya na kita. Lahat ng lakas at katapangan ay hinugot ko upang ika'y bigyang laya. Ngunit nandito ka pa rin saking tabi, bumalik muli at napagtanto ko sa iyong mga mata, na ang kapeng tinimpla ay hinding-hindi na manlalamig, ikaw pa rin ang iniibig.

Sa bisig mo'y umiyak ako, hindi dahil sa lungkot ngunit dahil alam kong nakauwi na ako sa aking tahanan.. na akala ko'y may iba ng tahanan. Ikaw man ay naipaubaya, masasabi kong kailan ma'y di ako tumigil ibigin ka. Ikaw pa rin ang santuwaryo, Malaya.

A/N(1): Hello! I know, it's been a while but school has been keeping me from updating as well as stress from outside school works but it's finally here. Hope you guys liked this.

A/N(2): At Malaya, ikaw ang tukoy ko ;)

My Silent Screams (on going)Where stories live. Discover now