Chapter 1

311 18 4
                                    

Lorraine's POV

Umaga na naman at naririnig ko na ang lola ko na nagrarap. Every morning ganyan ang lola ko. Sarap sa ears ng mga sermon nya, promise.

'ayan! Anong oras ka na naman nagising! Alam mo naman na may pasok ka, pero cellphone ka pa din ng cellphone! Ano bang nakukuha mo jan? Puro ka lang tiktok!'

Napayuko ako sa mesa. Si Lola talaga, buti na lang sanay nako sa kanya. Sya na kasi kumupkop saken mula nung naghiwalay ang parents ko.

My dad is staying in Germany. As for my mom, she's living in Korea. Pinapadalhan lang nila ako ng allowance every month.

Bakit nga ba naghiwalay ang parents ko? Ah. Nalaman ko kasi na produkto lang sila ng arrange marriage. Sinubukan naman daw nilang mahalin ang isa't isa, pero hindi talaga kaya ng powers mga beh. Kaya ayun, nauwi sa hiwalayan. I was just 5 years old then.

Sinabi na saken ni lola yung reason kung bakit naghiwalay ang parents ko nung 13 nako. Ever since then, hindi na naalis sa isip ko yun. Nag sorry ang lola saken kasi daw nadamay pako sa mga nangyari. Sa akin naman, wala na yun. Okay naman kaming tatlo, kaya lumaki naman akong ayos.

'bukas talaga, pag tinanghali ka na naman ng gising, bahala ka na sa buhay mo! Parang hindi ka estudyante! Puyat ka ng puyat sa gabi!' patuloy na sermon ni lola

I looked at her saka sya sinagot. Nakatalikod sya saken habang nagsasangag ng kanin.

'lola naman. Syempre, sa gabi ako magpupuyat. Pwede bang sa umaga ako magpuyat? Ang pangit naman ata non' sagot ko habang nagkakape

Humarap naman sya saken saka ako binatukan. Nasubsob pa yung ulo ko sa tasa ko. Aish, nagbibiro lang naman ako eh!

'napakapilosopo mong bata ka! Ayan ang natututunan mo kay Bongbong! Boyfriend mo ba yon ha?'

Nasamid naman ako habang nagkakape. Naubo ubo din ako, grabe talaga to si Lola. Matagal nya nang tinatanong saken kung may something ba samin ng bestfriend ko.

'yucks. Si Bonget? Boyfriend ko? La, please. Marunong naman akong tumingin ng tao no! Mag bestfriend lang kami, La. Parang kuya ko na nga yun eh..' sagot ko sa kanya

'siguraduhin mo lang talaga Lorraine. Alalahanin mo, hindi ka pa nakakagraduate. Make sure you finish your studies first'

Taray ng lola ko ah. Umienglish haha. Maya maya, pumasok na si Lolo sa dining saka kami nag almusal. As usual, tahimik lang sya. Ganyan naman ang lolo, hindi pala salita. Kung anong inilakas ng bunganga ni lola, sya namang ikinatahimik ng lolo.

Simple lang naman ang buhay namin. Si lolo ko, naging secretary of defense yan. Nagretired na nga lang kaya ayan, more tambay more fun sya. Chos. Lawyer yan, nagbibigay sya ng legal advice sa mga tao. Pero di naman yan pakielamero. Pag kelangan lang ng services nya saka sya kikibo. Ganorn.

'how's your studies, apo? Patapos na yung school year nyo. Konti na lang and you will graduate, are you sure you dont want to pursue law school?' tanong saken ng lolo

Napapikit naman ako. Ang hirap hirap na nga ng Crim, maglo-law school pako? Jusme. Baka bumigay na yung kakarampot kong utak nyan.

'will think about it, Lo and I will let you know pag nakapag decide nako..' sagot ko na lang

We continued eating. Nung natapos na kaming kumain, nagpaalam nako sa kanilang mag aasikaso na para pumasok.

Umakyat nako sa kwarto ko saka naligo. Tiningnan ko yung oras and seen na 7 pa lang. Ayos, 9am pa start ng classes ko kaya may time pa magprepare.

Isinuot ko lang yung uniform ko. Pang pulis nato, pero logo ng school namin ang nakalagay. Im a Lyceum student by the way. Maswerte din ako kasi, scholar ako dito kaya kalahati lang ng tuition binabayaran namin. Aside from that, Im a varsity player. Basketball player to mga lods. Kaya may discount pa kaming 10%, oh diba? Laking tipid? Hahaha

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now