Chapter 9

169 18 0
                                    

2 weeks later..

Lorraine's POV

Dalawang linggo na mula nung naging busy yung bestfriend ko sa panliligaw dun sa Louise. As for me, eto. Busy sa pagpapractice kasi malapit na yung championship game.

Andito ako ngayon sa basketball court nitong school. Nga pala, hindi na din ako nagpapahatid sundo kay Bonget. Ang sagwa naman kasi kung ihahatid sundo nya pa ako ngayong seryosohan na syang nanliligaw dun kay Louise diba?

Lagi naman akong ganun. Pag may jowa yan, dumidistansya ako. Ayan lang yung lapit nang lapit kahit may girlfriend eh.

Nagtalo pa nga kami nyan nung sinabihan ko syang wag nakong ihatid sundo. Nakakahiya na din kasi. Aminin ko man o hindi, magkakaroon na talaga kami ng gap. Ayun na lang din yung naiisip kong paraan para hindi na lumala yung nararamdaman ko sa kanya.

Flashback (1 week ago)

Bonget told me that he and Louise are in the talking stage na. Sinabi nya na din daw yung intention nya dito pero di nya daw mamadaliin si Louise.

Mukhang tinamaan na nga tong bestfriend ko ah. One time kasi, isinama nya ako sa date nila ni Louise, kaya nakita ko kung gaano sya ka gentleman dito.

Nakatingin lang ako sa kanila. I saw how happy my bestfriend is ngayong dumating tong si Louise sa buhay nya. Hindi naman ganyan yan sa iba nyang naging girlfriend. Tanging kay Louise nya lang pinakita yung mga soft sides nya.

Sabagay, I cant blame Bonget kung bakit na love at first sight sya dito kay Louise. Maganda, prim and proper kung kumilos, matalino, maganda ang family background and all. Eh ako? Ganda lang ang meron, charot.

Nakatingin lang ako sa dalawang to habang nagkukwentuhan tapos nagtatawanan. Haler, sana hindi nyo nako isinama dito kung gaganyanin nyo ko diba? Respeto naman sa single oh! Chos.

'so Lorraine, Bongbong told me na sa Lyceum ka din nag aaral.. anung course mo?' Louise asked me

Dapat na ba akong magpaparty dahil finally, isinali nako sa usapan? Chos. I smiled at her saka sumagot.

'yea. Malapit nako mag 4th year.. Im taking up B.S. Criminology.. how bout you? San ka nagschool?' tanong ko sa kanya

'I used to study sa San Beda. Kaso, my dad asked me to stay with my relatives here kaya eto, magtatransfer na din ako sa Lyceum..' she said

'uyy.. nice. Magiging schoolmates na din pala tayo!' tunay yan mga beh. Na excite ako na maging ka schoolmate sya para mahanapan ko sya ng mali tapos irereport ko kay Bonget. Chos! Hindi naman ako ganun. Hahaha!

'yea.. Isn't it exciting?' she said while smiling at me.

Dumating naman na yung pagkain na inorder namin. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain when I received a message from Theo. Inaaya nya kong gumala kasi daw death anniversary ng kakambal nya. I cant turn him down naman.

'guys.. Im sorry, I was really enjoying with your company but I need to go.. importante lang..' pagpapaalam ko sa kanila

I saw my bestfriend na nagbago ng expression. Parang hindi yata nagustuhan yung sinabi ko? O baka assumera lang ako? Pero yaan na. Bahala sya jan.

'at anong importante naman yan brad? Mas importante pa ba yan kesa sa pag ubos ng pagkain mo?' he said raising his brow on me

'opo. Mas importante to. Kakain na lang ulit ako maya. Bye guys..' sabi ko habang inilalapag yung share ko sa kinain namin.

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now