Chapter 10

198 14 2
                                    

Lorraine's POV

Pumasok lang ako dito sa kwarto ko. Hindi ko na kinaya mga beh. Bakit ganun? Noon naman, wala lang saken kahit mag girlfriend pa ng lima yang si Bonget? Pero bakit ngayon, sobra akong nasasaktan?

Shunga. Malamang, alam mo na seryosohan na yung relationship ng bestfriend mo. Di katulad dati na pang short time lang.

Oo nga no? Baka isa din yun sa mga factor kung bakit ganito nararamdaman ko ngayon.

Umiiyak lang ako sa kwarto nung narinig ko si Lolo na kumakatok. Aish, ayoko munang makipag usap kahit kanino.

'apo.. buksan motong pinto.. mag usap tayo..' sabi nya habang kumakatok

'ayoko munang pag usapan, Lo. Im fine. I just need to be alone..' sagot ko naman

'no, you're not. Come on. Pati ba naman kay Lolo, maglilihim ka?' pangungunsensya nya pa saken

Wala nakong nagawa. Alam na alam ng Lolo ko kung paano ako hulihin. Tumayo lang ako tapos pinagbuksan sya. Pumasok naman sya at dumirecho sa terrace ng kwarto ko.

Pinalapit lang ako ng Lolo saka tinapik yung upuan sa tabi nya. Umupo ako dito at tumingin sa langit. Kamusta na kaya ang parents ko?

My grandfather was just staring at the sky as well. Siguro nakikiramdam din kung kelan ako magsasalita. At this point kasi, hindi ko din alam ang sasabihin ko mga beh.

After a moment of silence, si Lolo na ang bumasag ng katahimikan.

'si Bongbong ba, iha?'

Napalingon ako sa kanya. Although sinabi ko na kay Lolo yung feelings ko about Bonget, nagtaka pa din ako. Marami naman kasing iba pang rason para umiyak ako diba?

'how did you know that it was him?'

He chuckled at my response. Okay, anong nakakatawa, Lo? Nakakatawa ba na makita akong broken? Charot.

'Ive never seen you cry because of a failing grade, apo. Alam kong matalino ka and kahit ayaw mo ng course na pinili ko for you, still you managed to do well..' he said

Nakikinig lang ako sa kanya. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin mga beh.

'lalo namang hindi ka din iiyak because of your parents, you grew up to be a strong woman, and as your father figure, I couldnt be more proud of what you have become. Nagpapasalamat ako sa Diyos at lumaki kang maayos kahit wala ang mga magulang mo sa tabi mo..'

Dinadigest ko lang lahat ang sinasabi ng lolo. Tinatamad pakong rumebutt eh.

'let me tell you a story, iha. Once there was a boy who fell in love with his childhood bestfriend. Parang katulad mo, kababata nya ito at sabay na silang lumaki. They were inseparable since they were kids. Parang kayo ni Bongbong? Ganun..' he started

Sino naman kaya ang chinichismis sa akin ng Lolo? Hayaan na, malalaman ko din naman yan mamaya.

'until they grew up. Unti unti na syang nagiging aware sa feelings nya for his bestfriend. Pero the feeling was not mutual. May iba kasing mahal ang bestfriend nya. Kaya kahit masakit, kinimkim nya lang ito and continued to be her bestfriend.. pag may problema sa boyfriend nya yung kababata nya, andun lang sya para i-comfort ito. But he never took advantage of her, umasa na lang sya na balang araw, makikita din sya ng bestfriend nya ng higit pa sa matalik na kaibigan..'

Bawat salitang lumalabas sa bibig ng lolo ko, sapul na sapul. Ganyan din kasi ako. Umaasang isang araw, makikita din ni Bonget na higit pa sa friendship ang kaya kong i-offer sa kanya.

'but you know what's the funniest thing? Never syang nagconfess sa bestfriend nya. Ipinaramdam nya lang dito na whatever happens, andun lang sya para damayan ang kaibigan nya.. sya pa nga minsan ang nagiging tulay para magkaayos yung lalaki saka yung bestfriend nya..'

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now