Chapter 31

421 30 74
                                    

Lorraine's POV

We went snorkeling with my parents and my bestfriend's parents together with little Aimee. My grandparents chose to roam around the island and decided to buy some souvenirs as well.

As for my bestfriend and his girlfriend, I dont know. Maybe they have drowned, kidding! I should not feel any bitterness because I have given my yes to Theo already.

Speaking of which, there he goes with our smoothies. How can I not fall for this man? He's handsome, gentleman and he is the real deal.

Shuta. Bakit english natong chapter nato? Eto ba nagagawa ng may jowa na? Chos.

So ayun na nga, nagsnorkeling lang kami tapos sila manang at Irene sumunod na din. Yung BOYFRIEND KO (oo, all caps para matauhan nakong boyfriend ko na si Theo) bumili ng maiinom namin. Sina lolo ko, alam na rin nila at hindi naman sila tutol kay Theo kasi complete package na daw kaya ayun. Saka botong boto si lola ko kay Theo.

Iniabot lang saken ni Theo yung smoothie ko saka yung para sa iba. Nakangiti lang tong isang to. Hindi daw sya makapaniwala na sinagot ko na sya. Pwede ko namang bawiin kung gusto nya, chos lang ulit.

I was just looking around and Theo is busy talking with the elders kaya nagdecide si manang na hilahin ako para gumala. Nagpaalam ako kay Theo at sa parents ko. They just nodded as a response.

Naglalakad lang kami hanggang sa nakahanap si manang ng medyo private spot. Sabi na nga ba, hindi talaga gala ang gusto nito kundi chismis eh.

'Why did you say yes to Theo, Lorraine? Isnt it unfair? You're in love with my brother and its pretty obvious that he likes you too! Nahihiya lang syang umamin!' She started the conversation

Napahinga ako ng malalim, sasabihin ko ba kay manang mga beh? Sige na nga, para mabawas bawasan na din tong dinadala ko.

'Ako? In love sa kapatid mo, manang? Hindi no..' pagdedeny ko. Baka sakaling makalusot eh

'Really Lorraine? Ako pa paglilihiman mo? Madali kong nahalata yung feelings mo kay Bonget mula nung mga bata pa kayo.. we grew up together.. I can see the way you look at him. Punong puno ng pagmamahal. And oh, not to mention na when that woman entered his life, you were shattered. Wag mo ng ideny, nahalata ko yun nung nagdinner tayo sa palace..' sagot nya saken

Kitams? Di ako makalusot kay manang. Kaya imbes na magdeny ulit ako, sige na. Aamin nako, useless na din naman ang pagtatago kasi diba, nagconfess na din ako sa kapatid nya?

'Okay, fine. You got me manang. Yes, Im inlove with your brother.. and he knows that already. Pero alam mo yung masakit? Yung kahit gusto nya ko, hindi nya ako pwedeng mahalin kasi may masasaktan na syang iba, may mahal na syang iba.. kaya kahit mahal na mahal ko sya, isinuko ko sya.. saka sya na din mismo ang nagsabi na kay Louise nya nakikita ang future nya at hindi sa akin.. lets just be happy for him manang..' nakayuko kong sagot

'Wait, he knows? And what did you say? He likes you too pero hindi pwede? Oh come on! Hindi nya mahal si Louise! Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang mahal ni Bonget! I know my brother so well.. hindi lang sya aware but did you notice the pattern? Diba ayaw nyang may dumidikit sayong iba? Kasi he's jealous! Manhid lang kasi si Bonget but deep down, I know.. mahal ka nya ng higit pa sa bestfriend..'

Natawa ako. Ano? Mula noon daw? Tss, fake news si manang jan. Kung alam nya lang yung lahat ng sakit na tiniis ko everytime na makikita kong may kasamang iba si Bonget

'You should break up with Theo as soon as possible.. wag ka namang unfair Lorraine. Dadagdagan nyo pa ba ni Bonget ang mga taong masasaktan nyo? Nagkaaminan na kayo ng feelings so I think its stupid if you guys continue being with other people..' manang continued

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now