Chapter 18

161 22 1
                                    

Lorraine's POV

Andito pa din ako sa terrace habang nag iisip. Ano ba kasing gagawin ko para maka move on nako ng tuluyan sa lalaking yan?

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan kung tama ba tong gagawin kong paglayo sa kanya. I mean, its pretty obvious that he cant see me as a potential lover. Bestfriend nya lang ako sa paningin nya. Hindi girlfriend material.

Maya maya, narinig kong bumangon si Bonget sa kama. Narinig ko ding hinahanap nya ako. Tss, eksena nito magpakailanman. Kaya nahulog ako jan ng hindi ko namamalayan eh.

'Lorraine? Where are you?' pupungas pungas na sabi nya

Lumingon ako sa kanya saka sya sinagot. Ano bato? Gusto ko ngang mag emote kaya nga andito ako sa terrace eh.

'Im right over here. Matulog ka lang jan..' sagot ko sa kanya

Nakita ko namang bumangon sya sa kama saka lumapit saken. Aish, basag  na ang lone time ko nito.

'oh, why are you still up? Cant sleep?' tanong nya habang kinukuha saken ang kape ko. Bastos nato, kape ko yan eh!

'pano pako makakatulog kung ginising nyo ko ha? Alam mo namang pag naiistorbo ako, hirap nako makatulog uli. Saka akina nga yang kape ko, magtimpla ka dun!'

He just chuckled saka tumabi saken. Kinuha ko ulit ung kape ko. Sira ulo nato, inaagawan pako.

Tahimik lang kami habang nakaupo. We were just staring at the sky. Ang ganda ng langit, parang ako lang. Chos.

'why didnt you tell me about your parents? Daya mo ah?' pagsisimula nya ng usapan

'sabi ko naman sayo, I wont tell you that, unless you ask me to. Saka di naman sya big deal..' sagot ko sa kanya

'what's been happening to you? Parang lumalayo ka na saken. May problema ba tayo?' he asked

'wala namang problema sayo, best. Ang problema nasa akin. Minahal kita ng di mo nalalaman and I can see that you're serious with your relationship kaya Im trying to be distant as much as possible. Hindi mo din naman ako mamahalin pabalik and I am accepting that fact. Gusto ko na lang magmove on sayo..'

Ayan sana ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero wala akong lakas ng loob. Ang hirap magmahal sa bestfriend kaya wag nyo nang subukan. Masakit lang talaga mga beh.

'gags. Wala tayong problema. Syempre, may girlfriend ka na and ayokong pagmulan ng away nyo. Saka di ka pa nasanay saken. Di ba, ganito ako pag may girlfriend ka? Ikaw lang tong parang tuko..'

Natawa lang sya sa sinabi ko. Totoo naman eh. Kahit may girlfriend yan, sunod ng sunod saken. Minsan nga, napagseselosan nako ng previous girlfriendsssss nyan. Oo maraming 's', babaero kasi🤭

Maya maya sumeryoso sya. Uy, bago to ah? Kelan nga kasi yung last time na ganito ang expression ng mukha nya pag nag uusap kami?

'remember this, magkagirlfriend man ako, magbestfriend pa din tayo. You will always be my little sister just like before and that will never ever change. Pasensya ka na kung over protective ako sayo ah? Pero alam mo? I realized na you're getting older na din pala. Kaya kung sakaling magustuhan mo ung manliligaw mong ungas, then, hahayaan ko. Pero, wag muna ngayon, you're still in college and I want you to graduate with flying colors. Wag ka nang tumulad saken na nakagraduate nga pero ang daming sabit..' he said

Nagulat naman ako sa sinabi nya at the same time nasaktan. Tama lang naman pala yung gagawin kong pag iwas sa kanya kasi nga kapatid ang turing nya saken. Sarap basagin ng tasa sa mukha nito. Charot.

's-salamat..' ayun na lang nasabi ko sa kanya. Nararamdaman ko na din yung mga luhang nangingilid sa mga mata ko.

He smiled at me saka inilagay ang ulo ko sa mga balikat nya. Mabuti na lang, diko binuksan ang ilaw, kung hindi makikita nyang naiiyak nako.

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now