01.

8.1K 205 10
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

KAKALIPAT lang namin dito sa bago naming tirahan hindi maliit hindi rin malaki kundi saktong tirahan lang para sa aming apat.

Simula ng umalis kami sa probinsya at napadpad sa bulacan naging maayos naman ang lahat ngunit sadyang may mga panahon talaga na malas ka.

Nang masesante si mama sa kanyang trabaho nawalan rin kami ng pangbayad sa bahay na inuupahan namin sa bulacan kaya napalayas kami. Grabe ang ulan ng araw na pinalayas kami halos lahat ng aming gamit ay basang basa.

Napunta na rin kami sa punto na ilang beses na kaming natulog sa kalsada hanggang sa makahanap ng trabaho si mama.

Inoporan pa kami ng kanyang amo ng bahay na matitirhan kaya naman ngayon naging maayos na ang aming pamumuhay sa syudad.

TAHIMIK akong naglalakad papunta sa faculty room ng bagong eskwelahan na aking papasukan ngayon, kasama ko si kuya dahil dito siya magtatapos ng pag-aaral.

"Salamat po." Saad ko ng makuha ko ang aking schedule at kung saang room ako pupunta.

Kanina ko pa napapansing tingin ng tingin si kuya sa kanyang relo.

"Kung late kana kuya mauna kana kaya ko na ang sarili ko magtatanong na lang ako kung sakaling maligaw or hindi ko talaga mahanap ang room na to." Turo ko sa papel na hawak at bumaling ako kay kuya para tignan siya.

"Sigurado ka?" Tumango ako sabay ngiti sa kanya para pagaanin ang loob niya dahil alam kong nag-aalala ito dahil hindi niya ako masasamahan.

"O'sige sabi mo yan basta tawagan mo ako kung kailangan mo ako, ah?"

"Opo kuya, ingat ka." Bilin ko sa kanya nagsimula na itong tumakbo palayo sa akin late na yata kasi siya.

Takbo lakad.... Takbo... Lakad.... Takbo....lakad...

Sa kakatakbo ko hindi ko alam kung na saan na ako. Tumalikod ako habang naglalakad paatras ng may mabangga ako.

Nataranta akong humarap at nakita ko ang isang lalaking nakaWhite plain t-shirt at nakablack trouser pants nang mag-angat ito ng tingin sa akin nagtama ang aming paningin.

Namamangha ako sa kanyang asul na mga mata at siya naman ay mariin ang titig sa akin.

"S-sorry hindi ko sinasadya." Saad ko

"Ok lang sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo." Kalmado niyang saad. "Bago ka?"

Tumango ako sa kanyang tanong nilabas ko ang aking panyo para ibigay sa kanya dahil natapunan ng kape ang kanyang puting damit.

"Kaya pala..." Aniya at kinuha ang aking inaabot na panyo.

"P-pwedeng magtanong?" Nauutal kong tanong sa kanya at naghmmed lang ito.

"Alam mo ba kung saang building to?" Tanong ko ulit at inabot sa kanya ang papel na bigay sa akin kanina sa faculty.

"Yes i know this Ms. Samahan na kita papunta doon." Aniya.

"Sure kang sasamahan mo ako? Baka iligaw mo ako?" Tanong ko.

"Why would i do that? I'm not a bad guy kagaya ng iniisip mo, ikaw na tinutulungan." Aniya at nagsalita ulit "Tara, dito ang daan."

Hindi na lang ako umimik at sumama sa kanya habang naglalakad ay panay ang tingin ng mga ibang studyante sa amin di ko naman mawari kung bakit pero isinawalang bahala ko na lang.

Napatigil ako ng tumigil siya sa isang building.

"Ito yung building na hinahanap mo ayon din yung room na nakasulat jan sa papel." Saad niya at itinuro ang silid.

Xyquil Jaze AlonteWhere stories live. Discover now