15.

3.3K 85 8
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

IT'S BEEN 2 months since umuwi ako rito sa pangasinan walang bago kung ano ang routine ko dati rito ganoon rin hanggang ngayon.

Kakatapos lang namin magtanim ng kamatis sa sakahan bukas naman ay magtatanim naman kami ng palay.

Hindi naman mahirap ang gawain ng mga farmers kapag sanay kana pero kapag hindi ka sanay mahihirapan ka.

Medyo hindi na tisay kung titignan ang kutis ko medyo umitim ako pero wala naman akong paki basta nakakatulong ako kela lola ok na yun sa akin.

Ayaw ko naman na palamunin lang ako at walang alam na gawing trabaho kaya lagi kong kinukulit sila lola na turuan ako sa pagtatanim.

"Apo halika ka na uwi na tayo." Saad ni lolo kaya tumayo ako mula sa kubong inuupuan ko kanina.

Habang naglalakad kami pauwi nakita ko ang itim na sedan sa di kalayuan at nakapark ito kung saan kami dadaan mamaya para pumunta sa bahay.

Ngayon ko na lang ulit nakita ang itim na sedan pero halatang bago ang kotse.

2 months nung huli kong nakita ang itim na sedan at yun din yung araw na naaksidente si Xiquil.

Wala na akong balita sa kanya simula noon iniiwasan din nila mama na iopen ang topic tungkol sa kanya.

Habang palapit kami ng palapit biglang umandar ang kotse, umatras ito na para bang binigyan niya ng space ang daanang papunta sa bahay.

Naunang naglakad si lola sumunod naman ako tapos si lolo muntik pa akong matapilok sa daan.

Tumatawa kami ni lolo dahil nagjojoke ito hindi ko namalayan na nalampasan na namin ang itim na kotse ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay may tumawag na sa aking pangalan.

"Raviela.."

Napatigil ako at napako sa aking kinatatayuan that voice.... I know who owns that voice. it's been a long time since I last heard his voice.

Alam kong hindi pa siya nakakalapit ay bigla ng nagsalita si lolo. Kaya naman napalingon na ako. Nasabi ko kasi sa kanila ang totoong rason kung bakit ako umuwi rito kaya naman galit na galit ang aking lolo dahil doon.

"Ikaw ba si Xiquil?" Agarang tanong ng aking lolo.

"Opo." Magalang na sagot ni Xiquil sabay Tango sa tanong ni lolo.

"Bakit ka narito? Ano ang pakay mo sa aking apo?" Seryosong nakatingin at nagtanong si lolo sa kanya hindi man lang inalis ni lolo ang kanyang tingin kay Xiquil.

"Gusto ko po sanang makausap ang inyong apo kung pupwede po ba?" Kung kanina ay nakatingin ito kay lolo ngayon naman dumapo ang kanyang tingin sa akin.

"Hindi pwede, bumalik ka na lang sa pinaggalingan mo." Mariing sabi ni lolo.

"Kahit saglit lang p-po, gusto ko lang po talaga siyang makausap." Ani ni Xiquil ngunit hindi nagpatinig si lolo magsasalita pa sana si lolo ng magsalita naman si lola.

"Tama na yan Alejandro, halatang pagod ang bata galing sa byahe tapos inaaway mo pa sa susunod mo na lang siya awayin kay tanda tanda mo na nang-aaway ka pa ng bata." Medyo natawa ako sa huling sinabi ni lola kaya napatingin sila sa akin.

Napalunok ako dahil ang tingin ni lolo ay seryoso.

"Sandali nga hijo, saan ka ba nanggaling?" Tanong ni lola kay Xiquil.

"Sa manila pa po." Magalang na sagot ulit ni Xiquil.

"Kumain ka na ba hijo?" Pagtatanong ulit ni lola.

"Hindi pa po kakagaling ko lang po ng hospital agad na po akong dumiretsyo rito para kausapin sana ang apo niyo kaso po ayaw po yata ng asawa niyo." Pagpapaliwanag ni Xiquil.

So ibigsabihin kakalabas lang niya ng hospital tapos byumahe siya ng apat na oras para ano? Makausap ako?

Kaya pala hindi man lang ito nakapag-ayos ng maayos.

"Halika sumama ka sa amin sa aming bahay at doon na kumain." Pagaya ni lola kay Xiquil.

"Pero Olivia-" hindi pinatapos ni lola si lolo sa kanyang pagsasalita.

"Manahimik ka Alejandro." Madiing saway ni lola kay lolo nakita ko namang napanguso si lolo may suyuang magaganap mamaya dahil sa katigasan ng ulo.

"Sumunod ka samin hijo."

Nauna ng naglakad si lola sumunod si lolo dahil sinusuyo nito si lola dahil halatang naiinis si lola sa kanya.

Tahimik lang akong naglakad at ganoon rin siya hanggang sa makapasok kami sa bahay ay tahimik lamang ako.

Habang nasa hapag kami wala ni isang may balak magsalita dahil kapag si lola ang galit or naiinis siguraduhin mong kanais nais ang iyong bibitawang salita.

"Magsimula na tayong kumain. Huwag kang mahihiyang kumain hijo, pasensya ka na kung ganito lamang ang nailuto ko." Pagkasabi ni lola ng mga iyon ay  saka lang kami gumalaw para kumuha ng aming pagkain.

"Ayos lang po." Nakangiting saad naman ni Xiquil kay lola.

"Pasensya kana hijo kung maliit ang bahay namin." Sambit ulit ni lola.

"Ok lang po may ganito rin po kaming bahay sa aming probinsya." Saad ni Xiquil.

Pagkatapos nun ay tahimik kaming kumain at tila'y tunog lang ng kubyertos naming dalawa ang naririnig.

Hanggang sa matapos kaming kumain ako sana ang maghuhugas ngunit nagpresenta si Xiquil para gawin iyon at sumang-ayon naman si lolo.

Wala akong nagawa kundi magpahinga at magtungo sa terrace upang tanawin ang ganda ng palayan.

Medyo nagpapagabi na alas 4 na pala kaya naman pagkatapos ko magpahinga agad akong naglinis ng katawan para maayos na ulit akong tignan.

Pagkatapos ko mag-ayos lumabas ako ng aking silid nakita kong nakaupo sa sofa si Xiquil kasama si nanay(lola) hindi ko mawari kung na saan si lolo siguro nasa likod.

"Oh ayan na pala ang aking apo maiwan ko muna kayo at kayo'y magusap." Tumayo si lola ganoon rin si Xiquil upang paggalang kay lola.

Nagpupunas ako ng aking buhok habang naglalakad ako papunta sa isang sofa na katapat ng kanyang inuupuan.

"Talk." Maikli kong saad.

Nakita kong nagulat siya sa aking pagsasalita.

"I-i dont know how to start." Ani niya ng akmang tatayo na ako ay bigla siyang nagsalita. "I-im sorry, i know im late already to say sorry... But i need to that for you. I have my own reasons i cannot tell you for now but soon i will explain everything why i do that I'm sorry for saying hurtful words to you that day and the day that i hurt you with my words again." Nakayuko nitong saad at halatang nahihiyang tumingin sa akin.

"May sasabihin ka pa?" Tanong ko.

"I-i didn't mean all of what I've said, i n-need to do that to protect you." Pagpapaliwang niya ulit.

"Tapos ka na?"

"How can you forgive me? P-please tell me what to do because it's driving me crazy, i don't know what to do, please baby comeback to me i regret everything." Lumuhod ito at nagmamakaawa ngunit nanatili akong malamig sa kanya.

"Are you done already? the door is open you can go out already." Malamig kong saad sa kanya.

Tumayo ako at pumasok sa aking silid at iniwan ko siyang nakaluhod at umiiyak sa aming sala. Nilagpasan ko lang ito na parang wala lang siya sa aming sala kanina.

Humiga ako sa aking kama, at dahil narin siguro sa pagod kaya ako nakatulog ng mahimbing.

•Vote is highly appreciated.
Thank you!

Xyquil Jaze AlonteWhere stories live. Discover now