14.

3.3K 88 4
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

HINDI ko hinarap ang aking ama kagabi dahil hindi ko pa siya kayang makita hindi ko kayang pakinggan ang kanyang gustong sabihin.

Pinilit siyang paalisin nila lola pero nagmatigas ito hindi ko parin siya hinarap.

Napansin ni lolo na umiiyak ako sa aking kwarto kaya naman pumasok ito at inalo ako para tumahan.

"Andito lang kami ng lola mo apo, pwede ka magsabi sa amin, makikinig kami." Tinignan ko si lolo ngumiti ito sa akin.

"L-lo pasensya na po kung nakikita niyo po akong ganito." Sabi ko sa kanya.

"Apo lahat tayo umiiyak huwag kang mahiya dahil nakikita ka naming ganyan, lagi mong tandaan na sa oras na kailangan mo ng kausap andito kami ng lola mo." Mahinahon niyang saad.

"Bata ka pa lang nun umiiyak ka na sa bisig ko dahil hindi ka mabilhan ng gusto mo pero ngayon umiiyak ka dahil hindi mo alam ang gagawin mo dahil naguguluhan ka, malaki ka na talaga apo ang dami ng nagbago."

"Cry until it hurts no more, minsan kailangan talaga nating iiyak lahat apo para maging okay tayo. Hindi naman porke may kahinaan tayo, ibig sabihin nun mahina na talaga tayo. May mga times lang talaga na sa sobrang bigat na hindi na natin kaya. Kaya apo ayos lang ang umiyak, ilabas mo lahat. Minsan sa pagiyak natin nababawasan ang ating nararamdamang sakit minsan kailangan rin natin ng may pagsasabihan para gumaan ang ating loob." Pagpapatuloy ni lolo sa kanyang opinyon.

"Lahat tayo may kanya kanyang kahinaan apo, kung umiyak ka man ayos lang, kung madapa ka man ayos lang, kung matapilok ka man ayos lang, basta hindi ka susuko at tatayo ka sa sarili mong mga paa." Ngumiti ulit si lolo bago niya halikan ang aking noo saka umalis ng aking silid.

Pero bago siya makalabas ng tuluyan sa aking silid nagsalita ako.

"S-salamat lo." Humihikbi kong saad sa kanya.

"Andito lang kami lagi para sayo." Sabi nito sabay yakap niya kay lola na kanina ay nasa pintuan ko at pinagmamasdan kami ni lolo.

"Huwag ka mahihiya sa amin apo." Sambit naman lola at ngumiti sa akin.

Tumango ako at ngumiti sabay tayo papunta sa kinaroroonan nila para bigyan sila ng isang mahigpit na yakap.

Arghh my grandparents is the best that i ever had.

"Mahal na mahal ka kaya namin apo kahit na iyakan ka." Saad ni lola at tumawa.

"Lola naman." Ngumuso ako at maslalo pang tumawa si lola at nakitawa na rin si lolo.

"Sige na magpahinga ka muna riyan kami na lang muna ng lola mo ang bahala sa mga pananim huwag ng matigas ulo tulip." Tumango ako sa kanila bilang sagot.

Umalis na sila lola pero nagbilin sila sa akin na may pagkain daw na nakahain sa hapag kaya kung nagugutom ako pwede ko raw kainin ang mga iyon.

Umupo ako sa gilid ng aking kama nagtipa ako sa aking cellphone at akmang pipindutin ko na ito para matawagan ko sila mama sakto namang nagring ang aking cellphone at tumatawag si kuya.

Agad ko itong sinagot at narinig ko si kuya na nagsalita sa kabilang linya.

[Kamusta? Ok ka lang ba? Nasabi nila lola sa amin kagabi ang nangyari] hindi na ako nagulat sa sinabi ni kuya.

"I'm fine, andito naman sila lolo at lola." Sagot ko sa kanya.

[Huwag mo munag isipin lahat ng nangyari kagabi baka mapano ka bigla bigla ka pa namang umiiyak kahit nakatulala.] Kilalang kilala talaga ako ni kuya.

"Kuya naman, nga pala kamusta sila mama? Ok lang ba kayo jan?"

[Medyo galit siya nung nakaraang araw dahil nakita niya si Zeus buti na lang at kasama niya si Dion kung hindi baka may kung ano ng nangyari kay mama, pero ok naman na siya kaya huwag kana mag-alala.]

Xyquil Jaze AlonteWhere stories live. Discover now