38.

1.8K 46 3
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

DAY'S PASSED by and it's already Monday. Nagulat pa ako ng tumawag si Xiquil sa akin dahil late na daw ako.

Hindi ko naman alam na hindi niya pala inaprobahan ang aking resignation letter.

Hindi raw sapat ang aking rason pala magresign, tsk.

Kaya naman dali dali akong naligo at nag-ayos.
Palabas na sana ako ng bahay ng makita kong nakasandal si Xiquil sa kanyang itim na Montero.

Nang makita niya ako ay pinagmasdan niya lang ako. Nang makarating ako sa kanyang harapan bigla niya ang hinalikan.

Smacked lang pero shuta nahihiya ako sa galawan ng isang Alonte.

"I miss you so much." Aniya at pinagbuksan ako ng pintuan.

Nang makarating kami hindi ko alam na inanonsyo na pala ni Mr. And Mrs. Alonte ang engagement daw namin ni Xiquil kaya halos lahat ng empleyado ng mga Alonte ay panay congrats sa amin.

"Ako ang bride pero bakit hindi ako updated huh?" Ngumisi ito at nagnakaw ng halik sa akin. "Xiquil answer me!"

"Calm down love gusto lang nila mama at papa na maging Alonte kana syempre ayaw ko na rin patagalin kaya minamadali ko na para may bakod kana. Favorite ka nila moom and dad pati na rin ng mga kapatid ko ikaw lang daw ang sister-in-law nila na bagay sa akin dahil tiklop daw ako sayo at bilib daw sila sayo dahil napapaamo mo raw ako they love you and also i love you too." Aniya at kumindat sa akin.

Ang landi landi ng isang to.

Natapos ang araw na puno ng meeting at pagbati sa amin dahil next week na raw kasi ang engagement party at hindi man lang sinasabi sa akin ni Xiquil kung hindi lang sinabi ni chel sa akin.

"Seryoso hindi mo alam?" Umiling ako nasa tapat kasi siya ng table ko ngayon at nag-aayos na ako para makauwi na.

"Paano ko malalaman ni hindi ako sinasabihan ng mokong."

Napatawa ito ng malakas dahil sa aking sinabi.

"Yung ikaw ang bride kaso di ka updated sa mga ganap mo bilang mapapangasawa ng isang masungit, cold, mayaman, gwapo at walang sinasantong unang anak nila Xyler Raze Alonte at
Jarya Claire Sy-Alonte." Tawang tawang saad nito sa akin kaya naman ng bumukas ang pinto ng opisina ni Xiquil ay hindi ko ito pinansin.

Hinila ko si chel papuntang elevator dahil gusto ko ng umuwi   simula kaninang lunch ay hindi ko pinapansin ang mokong.

Nang saktong pagbukas ng elevator ay pumasok na kami at pinindot ko na kung saan kami dadalhin ng elevator na to.

Pero bago pa man maisara ay may pumasok na isang kamay kaya naman bumukas ulit ito at bumungad sa amin si Xiquil na buhat-buhat si xi.

Pumunta ako sa gilid at isiniksik ang sarili doon, may sariling elevator naman to bakit  gumamit siya ng elevator ng mga empliyado.

Alam kong ang awkward ng sitwasyon namin ngayon tahimik kaming lahat ng biglang magmeow si xi.

"Meow." lumingon ako sa pusa at nakita kong nakatingin ito sa akin at gustong magpabuhat sa akin.

"Meoww.." ulit nito pero tumingin siya kay Xiquil ng tumingin si Xiquil sa kanya tumingin naman sa akin ang pusa na para bang inuutusan ang ama nito na ibigay siya sa akin.

"Do you want to go to your mom?" Tanong nito kay xi.

"Meow." Sagot ng pusa at tumingin sa akin si Xiquil pero hindi ko siya pinansin at kinuha na lang si xi sa kanya.

Hinahaplos haplos ko lang si xi hanggang sa makatulog ito nang bumukas na ang elevator naunang lumabas si chel at nagpaalam sa akin na mauuna na raw ito.

Xyquil Jaze AlonteWhere stories live. Discover now