16.

3.3K 84 3
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

MAAGA AKONG nagising pagkalabas ko sa aking silid sakto ding paglabas ni Xiquil sa isang bakanteng kwarto rito sa bahay nila lola.

Sandali pinaalis ko na to kahapon ah? Bakit andito parin to?

Dumiretsyo ako papunta sa kusina para magsaing.

"Good morning." Bati niya sa akin ngunit na natili akong tahimik at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

"Hey can you please greet me a good morning too? Hmm?" Sabi nito at sinilip ang mukha ko na natatakpan ng mahaba kong buhok na hanggang bewang ang haba.

"Then?" Tipid kong saad.

"So i can start my day happily." He's smiling while saying those words.

"Oh tapos?." Malamig kong sabi.

"How much do you talk? Habaan mo naman miss ma'am ang tipid eh." Saad nito, aba demanding.

"1 million per day." Sagot ko sa kanya.

"Ok, noted." Sagot nito.

Akala ko hindi niya na ako kukulitin ng mga oras na iyon pero nagkamali ako.

NAGLALAKAD AKO ngayon papunta sa pagtataniman ng palay habang naglalakad ako nagring ang cellphone ko hindi ko kilala kung sino ito pero sinagot ko na lang.

[Hi is this Ms. Raviela Tulip Suarez?] Tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes, it's me, why?" Sagot ko naman.

[Ma'am ang bangko po ito.] Ohh bakit kaya sila napatawag may problema kaya sa savings ko? Nagsalita ulit ang nasa kabilang linya. [Ma'am someone transfered 1 million in your account we will just comfirm it to you if you will accept that amount of money from Mr. Xiquil Jaze Alonte.]

Nagulat ako sa sinabi ng babae sa kabilang linya.

"Sandali lang ms. Ah." Saad ko at sabay baba ng tawag. Seneryoso niya talaga yung sinabi ko?

Mabilis akong naglakad papunta sa taniman dahil alam kung andoon siya dahil sinama siya ni tatay(lolo).

Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko si Xiquil na mayaman at masmaarte pa sa babae nag-aararo?!

Napatulala ako sa aking nakita. Ni ayaw nga niyang makatapak ng putik tapos nag-aararo siya ng pagtataniman ng palay.

Pinagmamasdan ko siyang hawak ang tali ng kalabaw para lumakad ito at maararo ng maayos ang pagtataniman ng palay basang basa na rin ng pawis ang kanyang damit.

Medyo tirik na rin ang araw kaya naman medyo mainit na.

"Maghihirap muna siya bago ka niya makausap ng maayos apo." Bulong ni lolo sa akin.

"Pinilit mo ba siya tay?" Tanong ko kay lolo.

Ngunit umiling iti at maslalo akong nagulat sa kanyang sinabi.

"Hindi apo, siya mismo ang nagboluntaryong mag-araro at magtanim, Sabi niya kagabi ay gagawin niya lahat para makausap ka lang niya, pinilit niya ako na siya na raw magtanim tinuruan ko lang sandali nakuha niya na agad kung paano ang Gagawin." Pagpapaliwanag sakin ni lolo

Pinauwi agad ako ni lolo sa bahay para tulungan si nanay.

Habang naglalakad ako iniisip ko ang sinabi ni tatay so kaya pala siya galing sa kabilang kwarto ay dahil doon siya pinatulog?

Hindi ko namalayang nakauwi na ako grabeng mga paa to hindi ako niligaw ah.

Nakita kong nagluluto si nanay ng ulam kaya naman tinanong ko siya kung ano ang maitutulong ko ang sabi niya ay wala na kaya naman umupo na alng ako sa upuan na nasa kusina at pinanood kung paano magluto si nanay.

Xyquil Jaze AlonteWhere stories live. Discover now