09.

4K 94 3
                                    

•Read, Comment and Vote tysm!

TATLONG araw rin ang tinagal ko sa hospital kating kati akong makaalis roon dahil nga sa tuwing may pupuntang nurse sa aking kwarto alam kong tuturukan ako.

Nalaman ko rin na si Xiquil ang nagbayad ng bill ko sa hospital nila sabi ni mama ay babayaran niya raw sana ang aking amo kaso tinanggihan daw ni Xiquil yung perang inabot ni mama.

Nandito ako ngayon sa aking silid hindi pa ako pumasok dahil baka daw mabinat ako sabi ni mama kaya naman masminabuti ko na lang na magpahinga muna ngayon kaysa pumasok.

Naamoy ko namang nagluluto si mama ng paborito kong ulam.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na si Xiquil mismo ang nagdala sa akin sa hospital sa pagkakaalam ko walang paki yun sakin kahit mamatay na ako.

Hindi naman nagtagal ay tinawag na ako ni mama para kumain, payapa kaming kumain kakami lang ni mama ngayon dahil nasa trabaho at nasa school ang mga Kapatid ko.

"Ok kana ba talaga?" Biglang tanong ni mama tumango lang ako bilang sagot.

"May gusto ka bang ipabili? Lalabas ako para bumili ng mga kailangan dito sa bahay."

"Chocolate ma o di kaya cookie's." Nakangiting saad ko sa kanya.

"Ajay lang ba? Awanen?" (Ayon lang ba? Wala na?)

I hummed to answer my mother's question and i already go to my room.

HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako nagising na lang ako na may kumakatok sa pintuan kaya naman tamad akong tumayo para buksan ito.

"Zeus..." Gulat kong tawag sa pangalan ng taong nasa harap ko ngayon.

"What are you doing here? how did you know where i live?"

"Oh that's not important, the important here is i will be your new neighbor my house is in front of your house, darling." He's smirking while saying all of that.

Magsasalita pa sana siya ngunit sinara ko na ang pinto dahil ayaw ko siyang kausap at kapag nadatnan ni mama si Zeus dito sigurado akong magagalit iyon dahil ayaw niya itong makita dahil sa nangyari noon.

FLASHBACK....

Masaya kaming naglalakad nila mama kasama si kuya at Dion pauwi ng aming bahay.

Pero napahinto si mama ng may makita itong pamilyar sa kanya hindi namin alam kung sino ito pero nung tinitigan kong mabuti kung saan banda nakatingin si mama.

Nagulat akong hinalikan ni papa sa labi si auntie Jovian.

Tulala kaming naiwan sa kinatatayuan namin at si mama naman ay agad na tumakbo para kumpirmahin ang nakita at hindi na kami nagulat sa sumunod na nangyari.

Hindi namin alam kung paano pa kami nakauwi dahil sa nangyari kanina hindi namin alam ang aming gagawin umamin si papa na matagal na silang nakikita ni Auntie Jovian at may nangyayari daw sa kanila.

Paano nagawa yun ni papa kung may asawa't mga anak na ito hindi na lang ba siya nahiya?

"Matagal na kaming nagkikita at aaminin ko may nangyayari samin." Kalmado niyang saad.

"Kaya ba lagi kang wala? Nagsinungaling ka sa akin sa amin ng mga anak mo na nagtratrabaho ka pero anong ginagawa mo? Nangangabet ka palang hayop ka!" Habol hinangang sabi ni mama.

"Kailan pa Michael? Kailan mo pa kami niloloko at tinatago sa amin ito?"

"Noong isang buwan pa , Raela." Lumuhod si papa habang nakatayo naman si mama na umiiyak at nakatingin sa kawalan. "Natukso ako pero hindi ko alam kung paano sasabihin sainyo dahil natatakot ako, natatakot akong iwan niyo ako ng mga anak natin hindi ko alam ang gagawin ko Raela patawad, patawad mahal ko sana mapatawad mo ako alam kong sobrang mali pero b-buntis si Jovian, Raela." Umiiyak habang humihingi ng tawad ang aking ama.

"Tanga ka pala eh, sana naisip mo yan bago mo ginawa ang pagkakamaling kailangan mong panindigan, wala kang magagawa kung iiwan ka namin, simula ngayon wag ka ng magpapakita sa amin lumayas kana Michael, hindi ka namin kailangan ng mga anak ko, sisiguradohin ko sayo na mapapalaki ko sila na ako lang ang kikilalanin nilang ina at ama." Matapag na saad ni mama sabay lakad papuntang silid nila ni papa.

"M-mga anak p-patawarin niyo ako h-hindi ko sinasadya mga a-anak patawarin niyo ako." Hinawakan kami ni papa habang humihingi ito ng kapatawaran sa kanyang ginawa.

Hindi pa man maintindihan ni Dion ang nangyayari pero hindi pwedeng itolerate ni mama iyon naiintindihan namin ni kuya ang gusto at desisyon ng aming ina dahil masakit para sa kanya ang kanyang nasaksihan at narinig mula sa aming ama.

Magsasalita pa sana si papa ng biglang tinapon ni mama ang mga gamit ni papa sa mukha nito.

"Umalis kana. Huwag na huwag ka ng babalik hindi ka namin kailangan dito Michael kaya na namin, umalis kana kasi habang nakikita kita ang sakit sakit isipin na ikaw na taong mahal ko nagawang tumikim ng ibang putahe wala kang pinagkaiba sa kaibigan mo. Dinurog niyo ako pareho ubos na ubos na ako, akala ko lang pala na iba ka sa kanya pero parehong pareho kayo Michael masmasahol pa kayo sa hayop Tangina! Alis!" Nagulat si papa sa pagsigaw ni mama pati kami ay nagulat rin dahil never namin nakita ang ganoong ugali ni mama.

Naiintindihan ko na kung bakit galit na galit si mama dahil na ulit na naman ang pangyayaring ayaw niya mangyari.

Pinulot ni papa ang mga nagkalat niyang gamit na tinapon ni mama kanina nilagay niya iyon sa kanyang bag ng mapulot niya na lahat tumingin pa siya sa amin saka naglakad papunta sa amin saka niya kami niyakap ng mahigpit.

"Patawarin niyo ako mga a-anak, pasensya na dahil natuklasan niyo lahat ng ito."

"Alis na Micheal." Sabay hila ni mama kay papa palabas ng bahay, alam kong ngayon pa lang ay pinaguusapan na kami ng mga kapit bahay namin dahil sa kanilang naririnig.

Simula ng araw na iyon hindi na namin nakita pa si papa.

Lagi din galit si mama pero iniintindi namin iyon dahil hindi niya inaasahan na maglalako ang aming ama.

Ilang araw pa kaming nagtagal sa pangasinan saka kami umalis para pumunta sa bulacan kung saan nakahanp ng trabaho si mama ngunit hindi naging maganda ang takbo ng buhay namin roon.

Kaya naman nagpasya si mama na makipagsapalaran kami sa manila kung saan naging payapa ang buhay namin pero naging isang bangungot sa akin dahil hindi ko inaasahan ang mga ugali ng tao.

Kaya naman napadpad kami rito sa Qc kung saan nakapagpagawa kami ng bahay at medyo payapa na ang aming buhay.

Sa dami ng aming napagdaanan buo parin kaming apat, kinaya lahat ni mama para sa amin kaya, kaming apat ang laging nagtutulangan kahit wala kaming ama hindi dahilan iyon para hindi ipagpatuloy ang aming buhay.

END OF FLASHBACK.

Bumalik na naman sa akin ang alaalang dapat hindi na binabalikan, mga kasalanan na dapat panindigan.

May kumakatok na naman sa pinto pero alam kong si mama na iyon kaya naman binuksan ko ito.

"Ma, akin na tulungan ko na kayo." Ng akmang kukunin ko ang mga plastic na hawak niya ay agad niya itong inilayo sa akin.

"Umupo ka na lang doon gusto mo pa mabinat baka gusto mong bumalik sa hospital Tulip?"

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi ni mama.

Mabilis na tumakbo ang oras at gabi na kakatpos ko lang magshower ng tumingin ako sa aking bintana.

Nakita ko si Zeus na may kausap na lalaki sa harap ng kanyang bahay halatang seryoso sila ng biglang lumingon ang lalaking kausap ni Zeus at nagulat akong nakatingin sa lalaking iyon.

Anong ginagawa ni Xiquil sa harapan ng bahay ni Zeus? At bakit sila nag-uusap? Alam kaya ni Xiquil na dito kami nakatira?

•Vote is highly appreciated.
Thank you!

Xyquil Jaze AlonteWhere stories live. Discover now