II. It all started with a comfort

881 22 3
                                    

Wanna know kung bakit siya lumapit sa akin? Naku isa to sa mga unforgettable moments ng childhood ko.

Lumapit siya sa akin at hinila ako palikod, nagulat nalang ako at mga kasama ko, feeling close tong taong to

"Pwede mo ba ako ipakilala sa kasama mo?, sabihin mo magkita kami sa court pagkatapos ng klase"

"Huh?" dina ako nakasagot nang bigla na siyang umalis, ba't ganun yung feeling? Nag expect ba ako? Bakit parang kinilig ako at the same time ba't ang sakit? Hahahaha

"Anong sinabi ng lalakeng yun? Huwag ka magpapaniwala doon" sabi ni Darlene, siya talaga yung klase ng kaibigan na very protective ee. That's what I love about her.

"Joy, gusto daw makipagkita ni Chris sayo"

"Huh? No way bessy! Never!" sagot ni Joy.

I don't know why pero parang ang saya ko sa reaction ni Joy, masaya ba ako na safe si Joy sa lalakeng yun or there's something else that I'm feeling? Don't know that time either, sabi ko nga napaka gulo ng isipan sa ganung age, confusion to the highest level.

So I just let it be, naghintay siguro yung lalakeng yun sa wala, after ma busted kay Princess, si Joy naman ngayon? Wala talagang magkakagusto sa ganung ugali ng tao, napaka weird.

After a day, kinaumagahan, napaaga ako ng pasok, ako talaga ang pinaka maagang pumapasok pwera nalang kung sasabay sa akin si Darlene pero minsan lang naman.

I thought ako ang pinaka maaga kasi naka close pa yung room, as I opened the door hindi siya nakalock, means may nagbukas na sa room.

Pumasok ako at nagulat sa set-up ng room. Napakagulo, daming naka sulat sa board na kung ano-ano, nakakalat ang mga libro at mga cleaning materials.

Sa takot ko lumabas ako at tumambay muna sa may canteen, kitang kita kasi ang aming classroom from canteen

"Papasok lang ako doon pag may kaklase na ako" sabi ko sa aking sarili.

After minutes, pumasok si Chris sa room wala siyang dalang bag, hawak hawak ang kanyang uniporme, naka t-shirt lang ng itim at ang kanyang slacks.

Dahil may kasama na ako, that was 6:45 in the morning, iilan pa lang mga estudyante, halos wala pang mga guro at si kuya Guard lang ang andoon sa may gate, nag proceed na ako sa room.

Hindi pa ako nakakapasok sa room nang may malakas na sound akong narinig na para bang may nahulog na malaking bagay sa aming room. Dali dali akong tumakbo sa pag-aakalang may hindi magandang nangyari kay Chris

That was one of the creepiest things na na-witness ko sa High school life ko, I saw Chris, crying in his arm chair, while holding a pen and a piece of cloth. I saw his wrist bleeding and he was trying to cover it with that piece of cloth.

Bigla niyang hinila ang isang upuan, sabay hagis sa isang sulok.

I was stuck to where I'm standing, hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, other students from different rooms ay dumadaan sa aming corridor pero wala silang makita dahil naka close lahat ng curtains and there nakatayo lang ako sa may door na half-opened nakasilip at sobrang takot na takot.

Nang mapansin kong medyo kumalma siya. Pumasok ako na kunwari walang alam at nakita, Hindi ko siya tinitignan at naglinis nalang ako ng kalat, inayos ang mga upuan at binura mga nakasulat sa pisara.

Unti-unti kong binabasa ang bawat letra pero wala akong maintidihan dahil sobrang gulo ng pagkakasulat, I also saw drawings pero diko talaga ma-interpret.

I was thinking kung irereport ko ba tong pangyayaring ito, I was so scared sa violence na nakita ko, It was also my first time seeing a strong man crying and hurting himself.

Maybe this TIMEWhere stories live. Discover now