CHAPTER THREE

144 4 0
                                    

CHAPTER THREE

Nakatawag na ng panibagong tauhan na magdadala ng bagong van si Gavin. Napuruhan din kase ang van kanina at nang tingnan na namin ay puno ito ng tadtad ng baril. Hindi ko kinakausap sa loob ng van si Gavin kahit na kanina pa siya nagpaparinig sa akin tungkol sa pagbaril ko sa kaniya. Magsawa sana siya kakasalita riyan, wala akong pakeelam.

"Phoenix kanina pa kita kinakausap! Bakit mo nga kase ako binaril?" Naririndi na ako! Kanina pa tong gunggong na ito ang ingay ingay daig pa ang babae.

"Akala ko kasamahan ka nong mga sumugod sa akin. Kamukha mo rin kase silang goons kaya napagkamalan kita." Nakita ko kung paano ako samaan nang tingin ni Gavin. Akala mo naman matatakot niya ako sa pagsama ng tingin niya sa akin.

"Nasaan si Liz?" Natulos ako sa aking kinauupuan ng marinig ko ang tanong sa akin ni Gavin. Nasan nga pala si Liz? Yumuko ako upang tingnan kung nasa ilalim ba nang aking kinauupuan ang garapon pero wala akong nakita. Tinulak ko si Gavin sa kaniyang kinauupuan upang tingnan kung nandoon ba si Liz pero wala siya roon. Napaigik si Gavin dahil sa pag tulak ko sa kaniya pero hindi kona lang ito pinansin dahil na kay Liz ang atensyon ko.

Nang mapansin kong wala talaga si Liz dito sa loob ng van ay doon na ako mismo nataranta. Hindi pwedeng mawala si Liz! Kahit maharot yon ay mahal na mahal ko iyon!

"Manong ibalik mo roon sa lugar na pinagsunduan mo sa amin! Si Liz nawawala! Gavin si Liz!" Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil takot na takot na ako. Hindi pwedeng mawala si Liz! Kung si Gavin na lang sana ang nawawala baka matuwa pa ako.

Kahit na nag tataka ang driver ng van ay bumalik pa rin kami sa pinangyariham kanina. Nang pagkarating namin doon ay kaagad na akong bumaba ng van. Narinig ko pang tinatawag na ako ni Gavin pero hindi ko iyon pinag tuunan ng pansin at kaagad ko nang hinanap si Liz.

Nasaan ba kase ang babaitang iyon!

Napatakbo ako sa isang direksyon ng makita kong may isang garapon doon na gumagalaw ng kaunti. Napahinga ako ng malalim ng makita kong garapon nga ito ni Liz kaya dali-dali ko itong pinulot at tiningnan kung nandoon si Liz. Nang tingnan ko ay nandoon nga si Liz kaya hindi ko maiwasang mapatalon sa sobrang tuwa.

"Gavin ligtas yung anak natin!" Huli ko na napagtanto kung ano ang sinabi ko at dahil sa kahihiyan ay tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang kamay.

Nakakahiya!

Nakita ko kung paano ngumisi si Gavin at lumapit sa akin na para bang hindi niya iniinda ang sakit ng pagkakabaril ko sa kaniya kanina. Hindi ako makagalaw sa aking kinakatayuan dahil sa kahihiyan at mas lalo itong nadagdagan ng maramdaman ko ang pag akbay sa akin ni Gavin at pagtawa niya ng mahina.

"Until now you still remember what I told you four years ago? Liz is our daughter, am I right?" Napapikit ako ng mariin dahil sa pang aasar sa akin ni Gavin. Bakit kase bigla ko na lang iyon nasabi. Wrong move tayo Phoenix.

"Heh! Tigilan mo nga ako!" Akmang tatalikuran kona siya ng bigla niyang hinigit kaya napasubsob ako sa kaniyang matikas na dibdib. Ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng kaniyang puso. Bakit naman tumitibok ng ganito ang bilis ang puso ng gunggong nato?

"Aminin mona kase. Ano ayos lang ba yang anak natin?" Napapadyak na lang ako sa sobrang inis sa kaniya.

"Pwede ba! Tigilan mo ako at layuan mo ako dahil nang didilim ang paningin ko at baka masuntok kita." Napahawak ako sa aking sentido dahil sa konsimisyon ko sa kaniya.

"Concern siya sa akin! Pinapalayo mo ako sa iyo kase ayaw mo akong masaktan diba?" Jusko po! Ang kulit ng lalaking to! Hindi maka intindi.

"Tangina! Tataas ata ang presyon ko sa iyo!" Hindi kona siya hinintay pa at nauna na akong naglakad papunta sa van habang bitbit si Liz na tulog ngayon. Narinig ko pang tinatawag ako si Gavin pero hindi ako humarap sa kaniya at pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad.

Agent Series 6: Her Sweetest VengeanceWhere stories live. Discover now