CHAPTER TEN

87 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa banyo at nagbababad sa bathtub. Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko at kaagad bumungad sa akin ang leeg kong pulang-pula. Kahit alam ko namang hindi matatanggal iyong kiss mark na nasa leeg ko ay pinilit ko pa ring tanggalin iyon dahil habang naaalala ko ang reaksyon ni Gavin kanina ay parang nakokonsensya ako. Ay mali, nakokonsensya talaga ako. Matagal na kaming wala ni Gavin pero bakit parang bumabalik yung dating nararamdaman ko sa kaniya. 

Ano ba yan Phoenix. Matagal ng nawala yang nararamdaman mo sa kaniya kaya hindi mona maaaring ibalik iyon. Alalahanin mo yung mga ginawa niya sa iyo. Alalahanin mo kung paano niya sinaktan ang damdamin mo. Alalahanin mo kung paano niya ipamuka sa iyo na hindi kana niya mahal.

Bumalik na naman ang mga ala-alang hindi kona dapat pang binabalikan. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko iyon pinunasan at hinayaan lang itong dumausdos. Napapikit ako ng mariin dahil nagpapanic attack na naman ako. Kailangan ko itong makontrol at ayoko ng umasa pa gamot. Napuno ng mga negatibong emosyon ang utak ko kaya mas lalo akong napapikit ng mariin. Napahagulgol na lang ako dahil nahihirapan na akong kontrolin ito. Hinang-hina na ako at ang huli kona lang napansin ay ang paglubog ko sa bathtub.

HELP ME, PLEASE.

Gavin Magnus Alinsky Point of View.

Oras na ng hapunan pero hindi pa rin bumababa si Phoenix mula sa kaniyang kuwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nasaksihan ko kanina pati na rin ang mga nagawa ko. Nagbago na si Phoenix. Parang hindi kona siya kilala. Nasasaktan ako. It's hard to see someone you love doing something illegal to live in this world.  Masakit na makitang parang wala lang ako sa kaniya. Yung mga nasa leeg niya alam kong mga kiss marks iyon pero hindi ko lang maamin sa sarli ko kase alam kong masasaktan lang ako.

Bago pa kung saan-saan mapunta ang iniisip ko ay napagpasyahan kong puntahan na lang si Phoenix sa kaniyang kuwarto. Pumasok ako sa kaniyang kuwarto pero hindi ko siya makita ko roon kaya napagpasyahan kong tingnan ang kaniyang banyo. Kumatok ako pero wala akong narinig na sumagot kaya napagpasyahan kona ring umalis doon. Ang akmang pag-alis ko ay biglang naudlot ng may narinig akong tunog kaya hindi na ako nagdalawang isip pang pasukin ang banyo dahil hindi naman ito naka lock.

Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko si Phoenix na nakalublob sa kaniyang bathtub. Kahit na natataranta ay kaagad ko siyang kinuha at pinahiga sa semento at nagsagawa ako ng mouth to mouth resuscitation. Wala na akong pakieelam kung hubo't hubo man siya. Ilang beses kong ginawa ang mouth to mouth resuscitation. Biglang umubo ng tubig si Phoenix at dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata. Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko dahil nakita kong gising na siya. Hindi ko makakaya kung pati siya ay mawawala sa akin.

"Ayos kana ba? Wala bang masakit sa iyo? Ano bang naisip mo at ginawa mo ang bagay na'yon!" sigaw ko sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin habang lumuluha. Tinapik-tapik ko ang mukha niya pero nakatitig lang siya sa akin kaya nabahala akong muli.

"Phoenix magsalita ka naman. Huwag mo akong tinatakot ng ganito." Pagkatapos kong sabihin iyon ay biglang napaupo si Phoenix at napa ubo ulit. Napabuntong hininga ako dahil mukhang ayos na siya dahil pagkatapos niyang umubo ay sinamaan niya ako ng tingin habang tinatakpan ang kaniyang katawan. Akala mo naman ay hindi ko nakita yan dati.

"Kahit kailan talaga napaka manyakis mong lalaki ka! Tsumatsansing kapa! Gusto mobang masapak? Tumigil ka nga sa kakatitig sa dibdib ko!" Napaiwas naman siya bigla ng tingin. Nagpatulong ako sa kaniyang tumayo at tinulungan niya naman ako. Pinaabot ko sa kaniya ang bath towel ko at kaagad niya naman itong kinuha. Akmang kukunin ko na iyon ng hindi niya ito binigay at siya na mismo ang nagbalot ng bath towel sa katawan ko. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya kaya huli na para umiwas pa dahil nakita na ako nii Gavin. Akala ko ay ngingisihan niya ako dahil nakita niya akong nakatitig sa kaniya pero hindi niya iyon bagkus ay ngumiti lang siya ng malapad at hinalikan ang aking noo.

Agent Series 6: Her Sweetest VengeanceWhere stories live. Discover now