CHAPTER ELEVEN

75 2 0
                                    

Nabalik ako sa reyalidad ng biglang tumunog ang telepono ko. Bakit puro tawag na lang ang natatanggap ko ngayon? Hindi ba pwedeng magpahinga muna. Anong oras na at tumatawag pa itong kung sino man itong pangit na nilalang. Sinagot ko na lang ang tawag at hindi na tiningnan kung sino ang hinayupak na iyon.

"Wala si Phoenix nasa mars siya nagkakape. Tawagan niyo na lang siya kapag nakabalik na siya sa earth." Akmang ibaba kona ang tawag nang marinig ko ang seyosong boses ni Commander X. Tiningnan ko ang pangalan ng caller at pangalan ni Commander X ang nakalagay doon. Napa ayos ako nang upo nang magsalita siyang muli.

"Huwag ka munang makipaglokohan ngayon, Bedelia. Nahanap na ang nawawalang footage ng CCTV sa harap ng dati niyong bahay. Pumunta kana rito kung gusto mon makita ang mukha ng lalaking pumatay sa magulang mo." Nahulog ang teleponong hawak ko at bumalik muli sa aking ala-ala kung paano niya patayin ang mga magulang ko sa harap ko mismo. Nakita ko kung paano niya pagbabarilin ang magulang ko. Napakuyom ako sa aking kamao dahil muling nanumbalik ang poot sa aking puso.

Malapit na kitang mahanap tanda. Ipararanas ko ang mga ipinaranas ko sa ma magulang ko. Siguraduhin mo lang na hindi kita makikita dahil kapag nakita kita hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Pinagkaitan mo akong makasama muli ang mga magulang ko. Wala kang kasing sama. Napaka halang ng bituka mo dahil nakaya mong pumaslang ng inosenteng tao. Magtutuos tayo tanda.

Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at kaagad kumuha nang isa sa mga susi ng sasakyan ko. Pagbukas ko nang pinto ay sumalubong sa akin si Gavin na may dalang pagkain. Nakita ko ang pagtataka ni Gavin. Akmang lalampasan ko siya pero humarang siya sa dinadaanan ko. Akmang dadaan naman ako sa kabila pero humarang din siya roon.

"Saan ka pupunta Phoenix? Hindi kapa kumakain kaya paniguradong nanghihina kapa." Tiningnan ko siya ng masama pero parang wala lang talab iyon sa kaniya. "Mauuna na ako Gavin kaya pwede ba kahit ngayon lang huwag mo muna akong pakeelaman." Binangga ko ang balikat niya kaya natapon ng kaunti ang gatas na hawak niya. Wala na akong balak makonsensya kaya iniwan ko na lang siya roon na nakatayo sa harap nang kuwarto ko.

'Maipaghihiganti kona rin kayo Ma, Pa'

Gavin Magnus Point of View

Iniwan akong nakatayo ni Phoenix sa harap ng kaniyang kuwarto habang nakatitig sa aking damit na may mantsa ng gatas na natapon noong nabangga ako ni Phoenix. Pumasok na lang ako sa kaniyang kuwarto at inilagay ang pagkain hawak ko roon sa mini table ni Phoenix. Kinuha ko ang garapon ni Liz na nasa higaan ni Phoenix at pinakatitigan ko siyang mabuti at tinitigan niya rin ako pabalik.

"Sinumpong na naman ng katoyoan yang nanay mo kaya ganiyan ang ugali. Huwag mona lang pansinin yang nanay mo tinotopak na naman kase. Sama ka na lang sakin sa baba dahil maraming butiki roon at baka doon mo pa mahanap ang love of your life mo pero huwag ka munang gagawa ng bata dahil baby kapa namin ng nanay mong topakin." Binitbit ko ang mga pagkain dala ko kasama si Liz. Pumunta kami sa kusina at doon namin nakita si manang na nag-uurong nang mga pinagkainan ni dad. Pinauna kona kase siyang kumain dahil akala ko sabay kaming kakain ni Phoenix sa kuwarto niya pero hindi pala.

"Oh Gavin nakita ko si Ma'am Ganda na tumatakbo palabas. Mukhang hindi kayo nakakain," sambit ni manang habang nakatitig sa mga pagkaing hawak ko.Pinilit kong ngumiti kay manang pero pinalo niya lang ako sa aking bibig kaya napahawak ako sa labi ko.

"Huwag mo ngang pekein ang ngiti mo. Kilala kita Gavin. Pagkasilang mo pa lang ay kasama mona ako kaya alam na alam ko kung kailan peke ang ngiti mo. Napaka tamis ng ngiti mo para pekein mo ng ganiyan." Nawala sa aking labi ang kaninang pilit na ngiti. Dahan-dahang tumulo ang mga luha galing sa aking mga mata at yinakap si manang at doon na ako napahagulgol.

Manang miss na miss kona siya. Ang sakit para sa akin na makitang parang wala na akong halaga sa kaniya. Siguro ito na iyong karma ko roon sa ginawa ko sa kaniya dati, Manang. Ginawa ko lang naman iyon para sa ikabubuti niya manang. Bakit hindi ko magawang maging masaya?" Yinakap ko nang mahigpit si manang at sinabi sa kaniya ang mga hinaing ko sa buhay. Kung nandito lang si mama paniguradong dadamayan niya rin ako.

Manang ang sakit-sakit dito," sambit ko habang tinuturo ang aking puso. "Nadudurog to kapag nakikita kong may kasama siyang iba. Nadudurog ito kapag nakikita ko siyang masaya pero hinndi ako ang dahilan kung bakit napapangiti siya." Inilabas ko lahat-lahat ng iyon kay manang. Kahit pa nababasa kona ang damit niya ay hindi man lang niya ako inilayo sa kaniya bagkus mas yinakap niya pa ako nang mahigpit.

"Sana mapatawad mo ako, mahal"

Phoenix Anastacia Point of View

Patakbo akong pumasok sa agency. Sa sobrang bilis kong tumakbo ay nababangga kona ang iba pang mga kapwa ko agents. Humingi naman ako ng tawad sa mga nababangga ko at mukhang ayos lang naman sa kanila iyon. Pagpasok ko sa opisina ni Commander X ay bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha. Kasama niya ang isa sa mga agent naming hacker na si Bonbon. Guwapo siya pero ang bantot ng pagalan niya. Sumaludo muna ako kay Commander X bago pumunta sa tabi niya. Sinenyasan niya si Bonbon kaya tumango naman siya kay Commander X pagkatapos ay nagtipa siya sa kaniyang loptop. Pagkatapos niyang magtipa nang kung ano-ano sa loptop niya ay pinaharap niyo ito sa akin at plinay ang isang CCTV footage.

Napakuyom ako sa aking kamao dahil nakita ko ng muli ang ang mukha nila lalong-lalo na itong matandang hinayupak na ito. Talagang nakuha pa nilang tumawa pagkatapos nilang patayin ang mga magulang ko. Nakita kong tumingin sa CCTV si tanda at bigla itong ngumisi na para bang alam niyang napapanood namin siya.

"Alam kong hahanapin mo ako Phoenix. Paniguradong dalaga kana kapag nakita mo ito. Sasabihin ko lang sa iyo ay hindi ako nagsisising pinatay ko ang mga magulang mo. Look for me as much as you want but you can't find me," huling katagang sinabi niya bago pagbabarilin ang CCTV. Napapikit ako upang pigilan ang pagdaloy ng luhang kanina kopa pinipigilan. Sa wakas alam kona rin ang mukha ng mga taong pumatay sa magulang ko pero mukhang hindi ata masaya si Commander X sa kaniyang nakita dahil nakakunot ang kaniyang noo at parang hindi makapaniwala sa kaniyang nakita.

"Fuck, this can't be!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Commander X. Napatingin ako sa kaniyang mga mata at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagdaloy ng takot sa kaniyang mapupungay na mga mata pero kaagad din iyong nawala.

"Nalaman ko ang pangalan ng mga lalaking nasa footage na iyan bukod na lang doon sa matanda. Nakilala sila bilang si Reymundo Canlas, Choc Bernarte, Lee Balanay, at John Bulaklak and if you want, I can give you their address, but you should pay first." Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako. Napaka pusok talaga nitong si Bonbon.

Magkano ba para maibigay mona ang address ng mga iyan na putangina ka. Ang takaw mo sa perang animal ka. Sana manakawan ka sana." Inirapan niya lang ako pero binigay niya naman ang presyong nais niya pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang marinig ko ang halagang hinihingi niya. Ano iyon isang milyo para sa isang address? Apat ang mga animal kaya apat na milyon ang hinihingi ng kumag.

"Isaksak mo sa baga mo yang address ng mga iyan!" sigaw ko kay Bonbon at akmang aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Commander X. "Mag-iingat  ka sa mga gagawin mo Bedelia. Ayoko na ulit mawalan ng isa pang agent," huling sambit niya bago umalis sa harapan namin ni Bonbon. Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na. Pinipilit pa rin ni Bonbon yung apat na milyon pero hindi kona siya pinansin.

Alas dose na ng gabi nang makarating na ako sa palasyo. Nakita ako ng mga PSG kaya tinanguan ko sila. Pagpasok ko sa aking kuwarto ay muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan dahil bumungad sa akin si Gavin na nakaupo sa aking kama at panay ang tingin sa orasan ng kaniyang telepono. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Bakit ngayon ka lang Anastacia? Ganiyan ba ang tamang oras ng isang babae?" Napakamot na lang ako sa aking tenga dahil dumadada na naman siya. Daig niya pa ang isang nanay dahil kaingayan niya. 

"Pwede ba Gavin. Bukas mona lang akong gambalain. Nakakasawa na lang. Putak ka ng putak." Tinulak ko siya papalabas sa aking kuwarto at hindi naman siya tumutol. Pagkasarado ko sa aking pinto ay kaagad akong nahiga sa aking kama. Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang itsura ng mga pumatay sa mga magulang ko. Siguraduhin nilang hindi ko sila makikita. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako pero nagising ako dahil nag ring ang cellphone ko. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.

"Naaksidente si Gavin, Phoenix!"

Agent Series 6: Her Sweetest VengeanceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz