CHAPTER SEVENTEEN

67 3 0
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas muli noong huli kaming nagkausap. Kapag ngkikita kami ay siya na mismo ang lumalayo. Mas maganda na rin iyon dahil ayoko ng madikit pang muli kay Gavin. Nandito ako ngayon sa kuwarto ko at inaayos ang sarili. Sasama kase si Gavin sa kaniyang tatay na pupuntang batangas dahil kasalukuyang bagyo doon at dahil mabait kuno ang presidente ay pumunta naman siya roon. Sumunod naman si Gavin sa kaniya dahil hahabol din siya bilang presidente pagkatapos ng ama niya. Dalawang araw lang kami sa Batangas kaya kaunting damit lang ang aking dinala. Alanganan damihan ko ano yon may bagyo tapos mag fafashion show ako ro'n. Pagkatapos ko ay hinanap ko ang garapon ni Liz pero hindi ko siya mahanap. Tiningnan kona ang ilalim nang kama ko pero wala siya roon. Hinalughog kona ang buong kuwarto pero wala talaga siya roon kaya napagdesisyunan ko nang hanapin na lang siya sa baba.

Pagkababa ko ay kaagad kong nakita ang garapon ni Liz pero nakabukas iyon. Hindi naman ako mahihirapan na hanapin si Liz kase siya lang naman ang butiki rito sa palasyo. Hinanap ko na siya sa kung saan man sulok pero hindi ko talaga siya mahanap. Busy ako sa paghahanap ng biglang dumating ang presidente.

"Phoenix nakapag-ayos kana ba-- what is it?" dahil sa sinabing iyon ng presidente ay napatingin ako sa kaniya at nasa likod niya naman ang anak niya pero iniwasan niya lang ako. Nakita kong parang may tinitingnan sa sariling sapatos ang presidente kaya lumapit ako sa kaniya at ganoon na lamang ang galit ko nang makita ko kung ano ang nasa sapatos niya. Habang tinitingnan iyon ay dahan-dahan ng tumulo ang aking luha at lumuhod para makuha ko siya.

Patay na si Liz. Tinapakan siya ng presidente. Sakto namang pumasok ang first lady at bakas sa kaniyang mukha ang gulat. Pilit niya akong tinatayo pero pilit akong nagpapabigat para hindi niya ako mahila. Bakas sa mukha ng presidente ang pagtataka at ganoon din sa mga taong naririto ngayon.

"P-pinatay mo si L-liz!' sigaw ko sa presidente kaya napamaang naman siya.

"What the hell?" Kung kanina ay tumutulo lang ang aking mga luha ngayon naman ay humahagulgol naman ako.

"Mamamatay butiki ka! Bakit mo inapakan si Liz! Ang bobo mo naman maglakad! Gavin si Liz patay na!" pagsusumbong ko kay Gavin at pinulot si Liz. Hindi ko pa man nahahawakan ng matagal si Liz ay may plastic na biglang kumuha kay Liz. Akmang aabutin ko iyon pero bigla iyong inilayo sa akin ni Gavin at inabot ito kay Manang. 

Iniabot ni Gavin ang aking kamay at binigyan iyon ng alcohol. Nakatingin pa rin ako sa supot na hawak ni manang.

"G-gavin wala na si Liz patay na siya." Kahit na sabihin mong butiki lang si Liz ay napamahal na rin siya sa akin. Siya yung karamay ko noong walang-wala ako. Parang siya na rin ang pumuna sa lahat. Regalo siya sa akin ni Gavin eh. Hindi siya pwedeng mamatay. Pilit akong pinapatahan ni Gavin pero hindi pa rin ako mapatigil.

"Stop crying na Phoenix bibili na lang tayo ng bago." Kahit naman na bumili pa ng bago si Liz lang ang haahanapin ko. Walang makakapalit kay Liz. Tumakbo ako sa direksyon ni Manang at kinuha ang supot sa kaniya at kumaripas ng takbo sa hardin. Pagkarating ko roon ay may nakita akong isa kahoy kaya kinuha ko iyon at binungkal ang lupang nasa harapan ko. Ramdam ko ang presensya ni Gavin sa likod ko pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nang maayos ang ibunungkal ko ay hinila ko paupo si Gavin. Bingay ko sa kaniya ang supot at isinenyas sa kaniya na siya na ang maglagay kay Liz. Dahan-dahan niya itong tinanggal sa supot at inilagay na si Liz sa hinukay ko. Habang tinatabunan ko ng lupa si Liz ay sobrang lakas ng pagdaloy ng aking luha. Pagkatapos ko itong tabunan ay pumitas ako ng isa sa mga bulaklak na naroroon at inilagay ito sa taas ni Liz. Ginawan ko rin ng parang krus ang hawak kong kahoy kanina para palatandaan kung saan ko nilibing si Liz.

Tahimik lang si Gavin sa tabi ko. Noong maalala kong aalis pa nga pala kami ay kaagad akong tumayo sa aking kinatatayuan at inilahad ang aking palad kay Gavin. Tinitigan niya iyon at parang nagtataka pa siya kung bakit nasa harap niya ang kamay ko. Sa sobrang pagkainip ay ako na mismo ang kumuha sa kaniyang kamay at hinila siya pabalik sa loob. Aalis pa kami at bawal kaming malate sa flight namin.

Habang nasa flight kami ay pinilit kong ayusin ang sarili ko. Trabaho dapat ang inaatupag ko. Sa ilang oras na bahay ay nakatingin lang ako sa langit. Nandiyan na kaya si Liz? Kain na siguro siya ng kain doon. Kahit na gusto kong sisihin ang presidente ay hindi ko naman magawa dahil alam kong hindi niya naman iyon sinasadya. Kapag sinadya niya yon kakasuhan ko talaga siya ng murderer tapos ang magkukulong sa kaniya ay ang mga kapwa butiki ni Liz.

Nasa Batangas na kami ngayon at muntik pa nga kaming hindi maka layover dahil sobrang lakas talaga ng bagyo. Nauna kaming lumabas sa presidente para matingnan kung may naka abang bang peligro sa labas at mukhang wala naman. Nakasimangot ako habang bumababa sa eroplano dahil sina Gavin lang ang merong payong habang kami nakalusong sa ulan. Habang nagmamanman ako ay bigla kong naramdaman na wala ng tumutulong tubig sa akin na galing sa ulan at doon ko nakita si Gavin na pinapayungan pala ako.

"Bakit ka nag-papaulan? Sakitin kapa naman tapos nagpapaulan ka." Imbis na sagutin siya ay inunahan ko lang siya sa paglalakad at hindi siya sinagot. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero pilit naman siyang lumalapit para payungan ako kaya wala na akong magagawa kundi sumabay na lang ng paglalakad sa kaniya. Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami sa sasakyan nila kaya pinapasok niya pa ako. Sinasama niya pa nga ako sa loob pero hindi ako pumayag kase kasama niya ang presidente. May sama pa rin ako ng loob sa kaniya inapakan niya si Liz. Pagkapasok ko sa kabilang kotse ay kaagad kong pinahinaan ang aircon dahil baka lamigin kami bigla.

Sana naman hindi na kami magtagal pa rito. Grabe 'yong bagyo.

Agent Series 6: Her Sweetest VengeanceWhere stories live. Discover now