CHAPTER FOUR

145 5 0
                                    

CHAPTER FOUR

Nandito kami ngayon ni Gavin sa opisina ng presidente. Pareho kaming naka yuko at hindi maka tingin ng diretso sa presidenteng nasa harap namin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa seryosong mukha ni tito at alam kong alam niya ang trabaho ko at kung ano ang dapat kong gawin.

Nung kami pa ni Gavin ay minsan ko lang maka usap ang ama niya kaya hindi kami masyadong close. Kapag nag didinner ako sa kanila ay tahimik ang hapag kainan at ang gumagawa lang nang mga tunog ay ang mga kubyertos na ginagamit namin habang kumakain.

"Gavin ano ang nadasnan ko kanina?" seryosong tanong ng presidente sa kaniyang anak.

"Rambol, away, gulo? Teka ano nga pala ang pinag kaiba ng away sa gulo?" Napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa sinabing iyon ni Gavin. Bakit ngayon pa lumitaw ang katangahan neto.

"Tinatanong kita ng maayos Gavin kaya sagutin mo rin ako ng maayos." Biglang umayos nang upo si Gavin at ang kaninang mapag loko niyang itsura ngayon ay napalitan na ng pagiging seryoso.

"That was nothing dad and mind your own business." Napasinghap ako dahil sa sinabi ni Gavin. Kailan pa siya natutong sagot sagutin ng ganon ang tatay niya.

"You are my business Gavin." Hindi naiwas sa paningin ko ang pag talim ng tingin nila sa isa't isa. Kahit na ako na madaldal ay hindi ko kayang makisingit sa kanila dahil sobrang seryoso nila.

"Shut the fuck up dad." Nagulat ako sa sinagot ni Gavin sa kaniyang ama at mukhang ganon din ang presidente. Hinila ako ni Gavin at dahil sa hindi pa ako nakaka bawi sa pag kakagulat ay hindi man lang ako naka laban sa kaniya. Bago kami maka labas sa opisina ng kaniyang ama ay narinig pa namin itong sumigaw.

"Come back here you moron!" Malakas na sinara ni Gavin ang pinto kaya lumikha ito ng napaka lakas na tunog at ang mga maids na malapit sa amin at nagulat.

"G-gavin nagagalit na ang tatay mo. Dapat hindi mo ginawa iyon." Hindi man lang ako pinansin ni Gavin at ipinagpatuloy niya lang ang pagkaladkad sa akin. Nakarating kami sa isang hindi pamilyar na pinto at pabalabag niyang binuksan ito at hinila na naman ako. Tangina neto. Makahila wagas.

Pagpasok namin sa kwartong iyon ay kaagad kong nalaman na kwarto iyon ni Gavin. Kaamoy niya eh parehong mabaho. Kahit na lalaki si Gavin ay lagi niyang gustong malinis. Naiirita siya kapag may nakikitang kalat.

Naupo ako sa kaniyang kama at nag dekwatro. Ang lambot ng kama! Ang sarap higaan pero mas masarap pa rin ako lasang letchon. Nagugutom pa rin ako hanggang ngayon. Ang kulit kase ni Gavin. Letchon, kare-kare, fried chicken, menudo lang ang nakain ko. Mapang-asar kase ang kumag na ito.

"Bakit mo ako hinila papunta rito aber?" naka taas kilay na tanong ko kay Gavin na hanggang ngayon ay magkasalubong pa rin ang kilay. Hindi ko nga rin maiwasang mag taka kase ngayon ko lang siya nakitang sinagot- sagot ng ganon ang tatay niya. Nakaka takot kaya ang tatay niya.

"Hoy Gavin tinatanong kita." Hindi man lang niya ako sinagot at nanatili lang siya sa pag kakaupo sa kabilang bahagi ng kama. Lumapit ako sa kaniya at naka pameywang na humarap sa kaniya. Akmang mag sasalita ako nang bigla niyang hilain ang akong bewang at ibinaon doon ang kaniyang mukha. Biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko kaya napahawak ako rito.

Akmang tatanggalin ko ang pag kakaakap doon ni Gavin kaso mas lalo niya lang itong hinigpitan kaya hindi kona itinuloy ang akmang pag kalas doon.

Nagulat ako ng maramdaman kong unti- unting nababasa ang aking damit. Maririnig mo ang mahihinang hikbi ni Gavin at mas lalong nabasa ang aking damit. Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi naman iyakin si Gavin pero ngayon, parang bata siyang nawawala.

Agent Series 6: Her Sweetest VengeanceWhere stories live. Discover now