CHAPTER EIGHTEEN

64 2 0
                                    

Phoenix Point of View

Nag check in na kami sa hotel at ang kasama ko sa room ay ang mga babaeng psg. Alangan naman na sa mga lalaki ako maki share ng room. Kilala kona sila at sa tingin ko naman ay mababait sila kahit na hindi ko sila masyadong nakakausap kase hiwalay ang mga kuwarto nila sa palasyo. Pagkatapos naming makapag palit ay kaagad na rin kaming bumaba para kumain ng dinner, naabutan na kami ng gabi kaya paniguradong bukas na kami niyan magsisimula.

Pagkababa namin ay nakita kaagad namin ang presidente at first lady na nasa hapag kainan na. Hindi sila makapag simulang kumain kase nakatayo pa rin si Gavin at ayaw pa ring umupo. Nang makita niya ako ay sasalubungin niya sana ako pero nilampasan ko lang siya at hindi na sinulyapan pang muli. Nakita ko ang pagtingin sa akin ng first lady pero hindi ko ito pinag tuunan ng pansin.

Umupo ako sa isang lamesa na kung saan nakaupo ang mga ibang psg. Nakatingin silang lahat sa akin. Nakakailang yung titig nila para bang hinuhusgahan nila ako sa titig nila. Pasensya sila type ako ng alaga nila. Sa ganda koba namang ito sinong hindi mabibighani? Siyempre si Commander X! Tagal na naming magkakilala pero ni minsan hindi man lang niya ako sinabihang maganda kahit man lang sana labas sa ilong ay tatanggapin ko pero hindi! Ang taas ng pride ng matanda ayaw pang aminin na maganda talaga ako.

Kumuha na ako nang pagkain sa buffet table at inumpisahan ng lantakan ito. Shet masasarap yung mga pagkain. Sana ganto rin lasa ng mga niluluto ko kaso waley pangit lasa ng luto ko. Hindi na nga ako marunong mag luto tapos hihilingin ko pang maging ganto yung lasa ng luto ko. Nasobrahan na ata ako sa katol. Si Commander X kase nandadamay! */Note the sarcasm

Pagkatapos kumain ay pinauna na kaming mga babaeng umakyat sa taas dahil sila na raw mga lalaki ang magbabantay sa presidente ngayon. Kasabay ko ngayon sina ate Kor. Akala ko kanina Kordapya pangalan niya Korina pala. Handa naba kayo? Chariz!

Pagkarating namin sa kuwarto ay naghilamos muna ako at nag toothbrush pagkatapos ay humilata na. Matutulog na sana ako pero narinig kong nagsalita si Ate Kor.

"Hoy Poniks huwag kang matulog diyan! Bumangon ka ire!" Napakamot ako sa ilong dahil mali naman ang pagbanggit ni Ate Kor sa pangalan ko nakakairata tuloy.

"Tanga hindi Poniks pangalan niya, Pownikssss! Madaming s!" Isa rin tong si Ate Man isa ring mali. Full name ni Ate Man ay manifest. Oo te manifest daw talaga pangalan niya kase matagal na raw humihiling ng anak mga magulang niya kaso hindi nabigyan kaagad kaya nung nauna raw siya paglangoy niya sa loob ng kaniyang inay ay yon daw ang pinangalan sa kaniya.

"Mali mali naman kayo ng mga pronounciation Ate Kor at Ate Mad. Finiks ko hindi Powniksss or Poniks." Napakamot naman sila sa kanilang ulo at parang naiirata na.

"Ewan koba sa iyo bakit mo kase pinahirapan ng ganiyan ang pangalan mo." sambit ni ate Kor.

"Wow akala mo naman masasabihan ko yung nanay ko na huwag iyong ipangalan sa akin!" sambit ko pabalik kay Ate Kor at inirapan siya. Kung pwede lang sabihin na huwag iyon ang ipangalan sa akin edi ginawa kona. Tapos yang Anastacia pang yan ang bantot pakinggan. Makalumang-makaluma.

"Aber edi wow! May tanong lang ako Powniks bakit parang iba ata yung closeness niyo ni Señorito Gavin?" Napatahimik naman ako sa sinabi ni Ate Man. Alangan naman na sabihin ko type po kase ako ni Gavin dati kaya naging mag jowabels kami.

"Ikaw talaga ate Man napaka chismoso mo." Pag-iiwas ko sa tanong ni ate.

"Aba huwag mong iwasan ang tinatanong ko." Imbis na sagutin si ate, ang ginawa kona lang ay humilata ako sa kama at binalot sa sarili ang kumot.

"Abay tumatakas talaga itong batang ire."

"Pabayaan mona si Poniks, Man baka pagod lang kaya ganiyan." bulong ni Ate Kor kay Ate Man pero hindi hulatang bulong lang iyon dahil napaka lakas narinig ko eh. 

"Gusto ko lang naman maki chismis," huling saad ni Ate Man bago ito mahiga. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Sobrang lakas ng ulan at makikita mo ito sa bintana. Dahil sa hindi ako makatulog ay binalak kong lumabas na muna sa hotel. Umuulaan pa rin pero hindi ganoon kalakas. Akmang pupunta ako sa dalampasigan ng makita ko si Gavin na nakaupo roon. Dahil sa wala naman akong magawa ay lumapit ako sa direksyon ni Gavin at umupo sa kaniyang tabi. Napatingin siya sa akin pero binalik niya rin ang pagkakatitig sa karagatan.

"What are you doing here, Gavin? Gabi na tapos nasa labas kapa." tanong ko sa kaniya pero imbis na sagutin ako ng maayos ay sinagot niya naman ito ng tanong.

"Bakit ikaw nasa labas kapa?" Imbis na sagutin siya ay inirapan kona lamang siya. Ang tangengot naman ni Gavin. Anak ba talaga yan ng presidente? 

"Tangina mo ang pangit mo talaga kauusap kahit kailan. Sarap mong hampasin." Luh! Inirapan lang ako. Pigilan niyo ako sasampalin ko talaga itong lalaking to.

"Iniisip ko lang si Grayson." Dahil sa sinabing iyon ni Gavin ay napatigil ako. 

"Kung hindi koba kayo iniwan sa araw na iyon sa tingin mo buhay paba yung anak natin." mahinang tanong niya sa akin dahilan upang mapakuyom ako sa aking kamao.

"Oo. Kasalanan mo naman talaga kung bakit namatay ang anak natin. Kung hindi mo sana kami iniwan sa oras na iyon edi sana buhay siya, edi sana kasama ko siya ngayon kaso hindi. Kasalanan mo lahat Gavin." Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay bakas sa kaniyang mga mata ang sakit. Kaagad kong iniwan si Gavin sa dalampasigan dahil nararamdaman kong ilang minuto na lang ang itatagal ko bago tumulo ang aking mga luha. Hindi ko naman gustong sisihin lahat ng iyon kay Gavin pero nandito pa rin kase. Ang sakit mawalan ng anak. Grabe ang pagdurusa ko ng mawala sa akin si Grayson to the point na ninais kong kitilin ang buhay ko sa oras na iyon. Ang nasa isip kona lang non ay  patay na si Grayson at iniwan na ako ni Gavin kaya ano pa ang silbi ko sa buhay na ito. Buti na lang talaga at iniligtas ako ni Commander X

Patawad, Gavin kung hindi pa kita napapatawad ng tuluyan.

Agent Series 6: Her Sweetest VengeanceWhere stories live. Discover now