EPILOGUE

139 2 1
                                    

Gavin Magnus Alinsky Point of View

When I first saw Phoenix ay kaagad na akong nabihag ng kagandahan niya. Sorang kwela niya sa oras na iyon kaya sobrang saya ko ng makita kong nag-aral siya kung saang university ako nag-aaral. Nabanggit niya pa nga sa akin noon na hindi siya nag-aaral pero look  mukhang may nagpapa-aral na sa kaniya. Mula ng araw na iyon ay ipinangako ko sa sarili ko na liligawan kita at nangyari naman iyon. Nagkaroon kami ng relasyon ni Phoenix at akala ko wala ng makakasira pa sa amin pero akala ko lang pala iyon. Humabol sa pagiging presidente si papa at pilit niyang sinasabi na makipag hiwalay ako kay Phoenix na ginawa ko naman pero pagsisihan ko rin pala. Dahil sa ginawa kong iyon ay nawala sa akin ang anak ko tapos ngayon pati rin si Phoenix nawala sa akin. 

Nandito ako ngayon sa burol ni Phoenix at nakatitig lang sa kaniyang kabaong. Ilang araw na akong pilit kinakausap ni mama pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. 

"Gavin may bisita ka." Dahil sa sinabing iyon ni mama ay kaagad akong napatingin sa kaniya at doon ko nakita si X na kababata ni Phoenix. Umupo naman ito sa tabi ko at parehas lang kaming tahimik hanggang sa magsalita siya.

"Condolence Gavin." Tumango lang ako sa kaniya at hindi ko siya pinansin.

" Gusto kong sisihin ang tatay mo dahil siya ang dahilan kung bakit namatay si Phoenix." Dahil sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kaniya.

"Pagbubuwis ng sariling buhay ni Phoenix ang naging trabaho niya. Agent si Phoenix, Gavin. Kung hindi siya kinuhang maging bodyguard mo si Phoenix ay hindi mangyayari sa kaniya 'to. Ang lolo mo rin ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya. May mga ibedensiya siya pero hindi niya inilabas kase ayaw niya kayong siraan. Noong una galit na galit sa inyo si Phoenix pero may parte ka pa rin sa puso niya kaya hindi niya itinuloy. Mahal na mahal ka ni Phoenix. Maraming salamat dahil pinasaya mo si Phoenix, Gavin. Mauuna na ako."

Hindi maproseso ng utak ko ang mga narinig ko. Halos ang pamilya ko ang sumira sa buhay niya. Tangina kasalanan ko lahat to. Umalis ako sa burol at naglakad ng walang patutunguhan hanggang sa maparating ako sa tulay. Kung ano-anong mga ideya na ang ang pumapasok sa utak ko. Kapag ba ginawa ko ang mga iyon ay makikita kona ang mag-ina ko? Kaagad akong sumampa sa tulay. Alam kong hindi magugustuhan ni Phoenix ang gagawin ko pero hindi kona talaga kaya. Gustong-gusto kona silang makita. Mahal na mahal ko kayo Phoenix at Grayson.

"Hanggang sa muli, mahal" Huling sambit ko bago ako magpatihulog sa tulay.

 END

Breaking News! Anak ng presidente ay natagpuang patay matapos magpatihulog sa tulay. Nagbabalita, Ezra Kim.

Agent Series 6: Her Sweetest VengeanceWhere stories live. Discover now