Chapter I

26 7 8
                                    

✿ — Chapter I: Broken Melody

"NAPAKARAMI NG palagi mong oorderin dito sa canteen, Melody. Sigurado ka bang nauubos mo lahat ng ito?" natatawang tanong sa akin ng isang ginang na siyang namimigay ng binibiling pagkain namin dito sa canteen ng school.

Kagaya ng dati, hindi ko siya sinagot at mabilis na inilagay ang aking pera sa mesa pagkatapos makuha ang aking binili. Tumalikod ako sa kaniya at naglakad pabalik sa aking silid.

Pagkabukas ko ng pintuan ng silid, ay isang balde ng malamig na tubig ang nahulog sa aking ulo na naging dahilan ng pagkabasa ko. Pagkatapos nun ay mayroon akong narinig na malalakas na tawanan, mga kaklase ko.

"Oh my god! You look like a stupid chick, Melody AHAHAHAHAHAHA! Nakakatawa!" malakas na usal ni Tanya, ang pasimuno ng lahat ng ito. Nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan at napakalakas ng tawa, talagang nasisiyahan na makita akong basangbasa.

Naglakad ako papunta sa gawi niya ng hindi nagsasalita. Matapos kong mailagay ang binili kong pagkain sa harapan niya na inutos nilang bilhin ko ay malakas niya akong sinampal nang wala sa oras. Hindi ko napaghandaan iyon, kung kaya't, masakit.

"I told you I'm so hungry!! Bakit ang tagal mo ha!?" galot na sigaw niya sa akin bago hinalungkat ang loob ng plastic bag na dala ko. Nang magsimula na silang kumain ng mga kaibigan niya ay mabilis akong tumalikod at nagtungo sa c.r.

Napa-upo ako sa isa sa mga cubicle doon at malalim na nagpahinga. Kinuha ko ang pitaka ko mula sa aking bulsa at nakitang halos walang kalaman-laman na ito.

"Shit!" inis na bulong ko habang tinatabunan ang mukha gamit ang aking kamay. Gusto kong labanan ang sina Tanya at patigilin sa pambubully sa akin, pero hindi ko magawa. Para saan pa?

Pagkatapos ko mapunasan ang aking mukha dahil sa mga luha ay kinuha ko ang mini bread knife sa aking bulsa at tinaas ang aking palda. Sa aking mga hita, mayroon doing mga hiwa na mukhang naghihilom na. Sa ibaba ng naghihilom na sugat, ay hiniwa ko gamit ang maliit na bread knife.

Madiin kong kinakagat ang aking labi upang hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay habang dumadaloy ang dugo mula sa ginawa kong hiwa hanggang sa aking mga paa.

Hindi ko na gusto ang buhay na ito, kung kaya't nais ko itong tapusin. Ngunit hindi ko mailihim na takot akong gamitin Ang kutsilyo at hiwain ang aking palapulsuhan o isaksak sa aking tiyan. Kaya heto ako ngayon, sa tuwing naiinis at nagagalit ay hinihiwa ko ang aking mga hita gamit ang bread knife para sanayin ang aking katawan sa sakit.

Paano ba nahantong sa ganito ang buhay ko? Hindi ko pa rin lubos na matanggap ang pangyayari noon. Bakit ako pa? Bakit sa pamilya ko pa nangyari? Bakit? Bakit?

Muli kong pinunasan ang aking mukha nang nagsimula na naman akong umiyak at sinimulan na ring punasan ang dumadaloy na dugo sa aking paa. Sakto namang natapos na ako bago pa tumunog ang bell kung kaya't lumabas ako sa c.r at bumalik sa loob ng silid na parang walang nangyari.

Medyo mahapdi at masakit ang ginawa kong hiwa sa aking hita, sapagkat ito na ata ang pinakamalalim na hiwang ginawa ko. Pero naglakad ako ng normal na lakad kahit na masakit siya, sapagkat ayaw ko namang malaman ng kahit na sino, ang aking ginagawa.

Paniguradong hindi ito makakaramdam ng awa sa akin, pagtatawanan at paglalaruan pa ako ng mga ito. Dahil isa lamang akong babaeng sinasaktan nila para sa kanilang kasiyahan.

"Oi, Melody! Sagutan mo iyong mga assignments namin ah? Kapag hindi bibiyakin ko talaga iyang ulo mo," banta sa akin ni Tanya at tinapon ang kaniyang notebook at notebook ng mga kaibigan niya sa aking mukha.

Muli na naman silang nagtawanan at tinapunan pa ako ng mga papel isa-isa bago naglakad palabas ng silid. Wala akong nagawa kung hindi kunin ang mga itinapon niyang notebook at inilagay sa bag ko bago umalis sa school para umuwi.

Medyo mayroong kalayuan ang aming bahay kung kaya't hindi ako ganoon kabilis na naka-uwi. At pagka-uwi ko naman, isang bote ng alkohol ang bumati sa akin pagkabukas ko ng pintuan. Hindi ito tumama sa akin kung kaya't hindi na ako nag-abala pang umilag.

"Bakit ngayon ka lang ha? Ubos na alak ko, bilhan mo nga ako!" malakas na sigaw sa akin ni Mama na naka-upo sa sofa na nasa sala.

Inilagay ko ang aking bag sa gilid at kumuha ng plastic bag at nagsimulang pulutin ang mga bite at dumi sa loob ng bahay. Parang hindi na bahay ang tinitirhan namin ngayon sa totoo lang, mas lalo itong nagmumukhang basurahan.

Lumapit ako sa gawi ni Mama para pulutin din doon ang mga bote ng alak na ininom niya. Ngunit nang pupulutin ko na sana ito ay mabilis na hinablot ni Mama ang aking buhok kung kaya't nabitawan ko ang mga bote.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ba sinabi ko sa'yo? Bilhan mo ako ng alak!" malakas na sigaw niya sa akin bago ako sinampal ng dalawang beses. Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa kaniyang ginawa't itsura ngayon.

"Ma, lasing ka na eh," naiiyak na usal ko sa kaniya. Galit naman itong tumingin sa akin bago ako muling sinampal.

"Sumasagot-sagot ka na sa akin ngayon ah? Wala ka talagang kuwentang bata, kung ayaw mong sampalin kitang muli, umalis ka na ngayon at bilhan ako ng alak! Bilis!!" malakas na sigaw niya sa akin. Nais ko pa sanabg magsalita at pagsabihan siya ngunit pagod na ako. Tumayo nalamang ako't nagtungo sa aking kuwarto para magbihis bago umalis.

Sa gitna ng aking pagbibihis ay nakita ko ang aking repliksyon sa salamin at isang babaeng umiiyak ang aking nakita. Nang ibinaba ko ang aking tingin sa hita, ay nakita ko ang napakaraming marka ng paghiwa. Maging ginawa kong hiwa sa paaralan ay kitang-kita ko.

Dahil sa nararamdamang sakit at galit, ay mabilis kong kinuha ang bread knife at hinawa ang aking kabilang hita. Napaluhod ako dahil sa sobrang sakit at napahawak sa aking repliksyon sa salamin.

Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon, maraming dugo ang dumaloy mula sa hiwa ngunit pinabayaan ko nalamang ito. Napatingin ako sa aking mga mata mula sa salamin. Patay na.

"Bakit patay na patay ang mga mata mo, Melody? Why are you so broken?" umiiyak na tanong ko sa aking repliksyon, nagmamakaawang bigyan niya ako ng kasagutan.

Melodia's To Do ListsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz