Chapter IV

17 5 1
                                    

✿ — Chapter IV: Doing the Lists

"NO WAY! You want to go to the amusement park!? Mee too! Let's go together!" malakas na sigaw niya sa akin at mabilis na tumayo. Kinuha niya ang aking kamay at nagsimulang maglakad.

"What? Now?" gulat na tanong ko. Tumigil ito sa paglakad at tumingin sa akin na may ngiti sa kaniyang labi.

"Yes! Kinakailangan nating simulan agad!" masayang sagot niya. Nagpatuloy itong naglakad habang hawak² ang aking kamay. Hindi ko lubos na maisip kung bakit nagmamadali siya.

Pero dahil wala naman akong ginagawa ngayon ay nagtianod nalang ako at sumabay sa kaniyang maglakad. Sumakay kami ng jeep at siya ang nagbayad, hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa amusement park. Namangha pa ako noong makarating ako. Huling punta ko dito ay noong 10 years old pa ako, ngayon 19 years old na ako. Matagal na rin pala.

"Tara na, Melodia!" sigaw ni Xenon at tumatakbobg pumasok sa loob. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Dahil sa matagal na akong hindi nakakapunta rito at talagang malaki ang ikinabago ng amusement park na ito, ay hindi ko na alam ang pasikot-kisot, ayaw ko rin namang mawala ano.

Nang tulyan na kaming makapasok sa loob ay sinimulan agad namin ni Xenon na sumakay sa mga sakayan sa loob. Samo't saring mga sakayan, at iba't iba rin ang desenyo ng mga ito, ngunit talaga namang nagbibigay ito ng kasiyahan sa akin at mabilis ding tumitibok ang aking puso.

Sa loob ng apat na oras naming pamamalagi ni Xenon sa loob ng amusement na, walang ride na hindi siya sumuka, pero patuloy pa rin sa pagsakay. Gustong-gusto niya ba talaga ang makapunta sa amusement park na ito? Mukha na siyang zombie na palakad-lakad ngayon sapagkat tila ba pumayat siya at putlang-putla pa.

Umupo kami sa may bench sa gilid pagktapos naming bumili ng aming hapunan. Ito na siguro ang unang pagkakataon na na sa labas pa rin ako ng bahay sa mga oras na ito ng gabi.

Mayroong nagtitinda ng burger sa gilid kung kaya't iyon ang aming binili at siyang ginawang hapunan. Walang nangyaring usapan sa pagitan naming dalawa ni Xenon habang kumakain kami, at tsaka lang siya nagsalita pagkatapos naming kumain.

"Isa talaga sa mga wishlist ko ang pumunta sa amusement park, pero wala akong kasama kay hindi ko magawa. Mabuti nalang talaga at nandito ka, Melodia. Thank you ah!" masayang pagpapasalamat niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot.

Iniisip ko, bakit naman siya magpapasalamat sa akin eh yun din naman ang gusto kong gawin? Tsaka, wala bang pamilya o kaibigan ang lalaking ito? Ah, wala talaga akong pake.

"Going to amusement park with someone... check!" masayang bulong niya. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko itong mayroong hawak-hawak na notebook. Tumingin din ito sa akin at nginitian ako.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"Aren't you going to mark your first to list, a check?" He asked.

"Should I?" I answered him with a question.

"Yes you should! So that you'll know that you already finished it," sagot niya. Nag rolled eyes ako sa kaniyang sinabi bago kinuha ang aking notebook at nilagyan ng check mark ang pagpunta ko sa amusement park.

"Done. Happy now?" Sarkastikong tanong ko. Tumango-tango naman ito sa akin na parang isang masunurimg aso.

"By the way, anong sunod sa list mo?" tanong niya sa akin matapos ang limang minutong katahimikan.

"Sleep over on the beach," walang ganang sagot ko. At kagaya ng dati, kumislap naman ang kaniyang mga mata.

"Wah talaga!? May beach ka!? Ako rin!! Gusto kong magpicnic sa beach, tapos mag skiing sa dagat! We can do it together!! Aren't you excited?" sabik na lintaya niya. Mabilis naman akong umiling, pero hindi nagbago ang kaniyang nasasabik na ekspresyon.

"Okay let's plan this. How about, we meet next week? Doon pa rin sa park na iyon, tapos sabay tayong pumunta sa beach? Game? Give me your number!!" Hindi ba nauubusan ng enerhiya ang lalaking ito? Bakit napakahyper niya pa rin? Gabing-gabi na, Xenon.

Matapos ang araw na iyon, hindi na ako pumasok pa sa paaralan. Naghanap rin ako ng bagong trabaho para makapag-ipon para sa susunod na linggo. Naubos na halos lahat ng natitirang pera ko dahil sa pagpunta namin sa amusement park at paniguradong magiging malaki ang gastos namin, although puwede namang hindi na ako makikisama sa kaniya pero baka ma bored ang isa.

Hindi nagtagal ay dumating na ang araw na pinag-uusapan naming pagpunta sa beach at bago ako umalis ng bahay ay sinilip ko muna si Tifanny sa kaniyang kuwarto at nakitang natutulog pa ito. Sinilip ko rin ang kuwarto ni Mama pero wala siya roon. Paniguradong na sa sala iyon kaya kumuha ako ng kumot sa kuwarto niya bago ako sumilip sa kuwarto ni Steven.

Hindi ko na ikinagulat pa ng makita kong wala rin siya sa loob. Sinarado ko nalamang ang kaniyang kuwarto at bumaba. Nakita ko nga si Mama sa sala, natutulog sa sofa. Kinumutan ko naman ito, bago ako nagtungo sa kusina at naglagay ng pera sa taas ng ref.

Tiningnan ko pa ang buong bahay at napangiti ng mapait. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong lumabas at umalis sa bahay. Nagtungo ako sa park kung saan ko muling nakita si Xenon at gulat na gulat na makita siyang nandoon na at nakasuot pa ng khaki shorts at khaki t-shirt. Naka tsinelas lang rin ito at mayroong suot na shades at cap.

"Anong arte yan?" bungad na tanong ko sa kaniya. Napatingin naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan. Ano iyang suot mo? Sa beach ba tayo pupunta o sa mountains?" sarkastikong tanong niya.

"Gusto mo bang umuwi na lang ako?" tanong ko sa kaniya. Malakas naman itong tumawa at mabilis na kinuha ang aking malaki at mabigat na bag.

Ang gagong kasing ito, nag text nalang bigla sa akin na isang linggo raw kaming mananatili sa beach. Ikinagulat ko iyon, pero hinayaan ko nalang.

Nang makuha nito ang bag ko ay nagsimula siyang maglakad at nagtungo sa isang itim na mini van.

"Kanimong van to?" nagtatakang tanong ko. Baka kasi ninakaw niya ito eh.

"Hindi ko ito ninakaw, akin to. Regalo ni Papa, ngayon ko pa lang magagamit. Sakay ka na! Excited na akoooo," masayang lintaya niya matapos ilagay ang aking bag sa likod at pumasok sa driver seat. Sumunod naman ako sa sinabi niya at binuksan ang pintuan ng passenger seat sa tabi niya at doon umupo.

"Alright, beautiful beach! Here we come! We will be doing so many list with and on you, be prepared!" malakas na sigaw niya habang pinapa-andar ang sasakyan.

Melodia's To Do ListsWhere stories live. Discover now