Chapter III

20 5 2
                                    

✿ — Chapter III: Melodia's To Do Lists

KASALUKUYAN akong na sa loob ng c.r ngayon nagtatago sa loob ng cubicle para hindi ako mahanap nila Tanya. Maliban sa dahilang nagtatago ako sa mga bullies ko, ay sinusulat ko rin ang mga bagay na nais kong gawin.

Hindi ko natuloy ang pagpapatiwakal kahapon at nakinig sa sinabi ng ekstrangherong lalaking iyon. Hindi ko nakuha ang kaniyang pangalan, sapagkat mabilis akong umalis nang napagdesisyunan kong hindi muna pagpakamatay sa araw na iyon.

Umuwi ako sa bahay at isang sampal ang bumungad sa akin pagkapasok galing kay Mama. Bakit raw natagalan ako eh malapit lang naman daw ang tindahan. Hindi ko na siya sinagot pa at mabilis akong nagtungo sa aking kuwarto.

Kinuha ko ang bread knife ko pagkapasok at mabilis na hiniwa ang aking hita. Nafru-frustate ako sapagkat hindi natuloy ang pagpapakamatay ko kanina. Kailangan ko pang maging miserable sa loob ng ilang araw.

Hindi ko nagawang isulat ang mga nais kong gawin sa buhay ko sapagkat agad akong nakatulog pagkatapos kong malinisan ang ginawa kong hiwa sa aking paa kagabi. At dahil sa nakatulog ako agad kagabi, maging ang mga assignments namin hindi ko rin nagawa, kung kaya't nagtatago ako ngayon kay Tanya at sa kaniyang mga kaibigan.

"Ano nga ba ang gusto kong gawin?" nagtatakang tanong ko. Mayroon na akong nalistang apat, pero hindi ko na alam kung ano pa. Tama na siguro to, ano? Ay, teka. Isusulat ko na sana ang isa pang gusto kong gawin ng bigla nalamang ako makarinig ng ingay mula sa labas at ilang minuto pa lamang, basang-basa na ako at nag-aamoy ihi.

"AHAHAHAHA ambaho naman non! Alam niyu ba kung sino ang mabaho!?" malakas na tanong ng isa sa mga kaibigan ni Tanya at sabay-sabay naman silang nagtawanan.

"Akala mo ba, hindi ka namin mahahanap ha, Melody? You useless shit!" malakas at galit na sigaw sa akin ni Tanya sa kabila. Sinipa pa nga niya ang pintuan para takutin ako at palabasin, ngunit hindi man lang ako umigting. Hindi rin ako lumabas, at mas lalong hindi ako nagsalita.

Pagkatapos akong tapunan ng ihi nila Tanya ay sinunod naman nila ang laman ng basurahan, nagtawanan ulit ang mga ito bago muling sinipa ang pintuan ng cubicle na inuukupahan ko, at umalis.

Pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak, sapagkat hindi karapat dapat na iyakan ang mga ginawa nila Tanya sa akin. Iniisip ko na lamang na larong mambata ito at kulang lang sa pansin ang mga iyon. Pagkatapos ang ilang minutong pag-uupo at pagtutunganga sa loob ng cubicle ay mabilis kong tinapon ang aking notebook at ballpen sa loob ng trashcan. Hinubad ko ang aking mga kasuotan tsaka nilabhan. Kinakailangan mawala ang mapanghing amoy ng ihi, sapagkat ito lamang ang nag-iisang uniform ko.

Mabuti nalamang at mayroon akong dala-dalang sabon na panlaba at extrabg bihisan. Na-isip ko kasi kaninang umaga na baka mayroong gagawin si Tanya sa akin, at hindi nga ako nagkakamali. Nakatago rin ang aking bag kung kaya't hindi ito nabas o nadumihan man lang. Pagkatapos kong labhan ang aking uniform ay pinatuyo ko ito bago ako nagsimulang maligo.

Mabuti na lang din at mayroong drum at tubig ang cubicle na pinasukan ko, kung hindi ewan ko nalang. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako sapagkat malamig. Nang hinawakan ko ang aking uniform para malaman ko kong tuyo na ba ito ay nadismaya ako sapagkat basa pa rin ang aking uniform.

Kinuha ko ang plastic sa aking bag at inilagay doon ang aking uniform bago ipinasok sa bag. Suot ko ngayon ang aking P.E uniform at nakatsinelas nalang ako. Isinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at dahan-dahang lumabas ng c.r, sinisigurado na wala si Tanya sa loob o ang kaniyang mga kaibigan.

Mabuti na lamang at lunch time kung kaya't mabilis akong umalis ng school at nagtungo sa kung saan. Ayaw Kong bumalik sa klase, lalo na at alam kong galit na galit sa akin si Tanya. Hindi naman ako natatakot sa kaniya, siguro nga kung siya ang pumatay sa akin, hindi ako magkakasala. Pero ang mamatay sa kamay ni Tanya o ng mga kaibigan niya ay isang malaking hindi puwede.

Nagtungo ako sa isang parke na malayo sa aming paaralan at doon ako nanatili. Walang katao-tao ang paligid kong kaya't mas nakakabuti siya. Kinuha ko ang isa sa mga notebook ko at binuksana ng pinakalilod, kumuha rin ako ng ballpen sa at nagsimulang isulat ang mga to do list ko na sinulat ko na kanina.

Apat lang iyon eh, kung kaya't hindi ako masyadong natagalan sa pagsulat. Isinulat ko na rin ang panghuling gusto kong gawin.

Huminga ako ng malalim bago binasa ang aking sinulat. Ang pinaka-unang gusto kong gawin, ay ang pumunta sa isang amusement park. Gustong-gusto kong bumalik sa amusement park at sumakay sa mga sasakyan na hindi ko nasakyan noon.

Pangalawa ay ang matulog sa beach. Ewan ko, pero sa tuwing tatanawin ko ang dagat, kumakalma ako eh. Hindi ko namang magawang iwan ng isang gabi ang bahay, kaya hindi ko ito nagagawa.

Ang pangatlo ay ang matutong maglaro ng soccer. Gustong-gusto ni Papa at Mama ang sport na ito eh, kaso hindi nila ako naturuan. Ika-apat naman ay iyong magkasabay ulit kaming kumain ng pamilya ko. At Ang panghuli, ay ang bisitahin si Papa.

Sa gitna ng aking pag-iisip patungkol sa aking mga nais na gawin, bigla na lamang mayroong umupo sa katabing swing na inuupuan ko. Nagulat ako at muntikan ng mahulog sa swing, mabuti na lamang at tinulungan ako ng taong umupo sa tabi ko.

"I know it was you! Hello, do you remember me? Nagkita tayo sa rooftop ng mataas na building na iyon kahapon! I didn't get your name, I'm Xenon by the way." Itinaas niya ang kaniyang kamay, nais makipag shake hands.

Nagdadalawang isip ko naman itong tiningnan bago tinanggap at nakipag shake hands. Medyo galit ako sa lalaking ito dahil siya ang dahilan kung bakit hindi ko natuloy ang pagpapakamatay ko kahapon, pero bahala na.

"I'm Melodia," pagpapakilala ko. Ngumiti naman siya dahil sa aking pagpapakilala at mas binilisan pa ang pag shake hands.

"Ano ang sunusulat mo, Melodia?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa notebook ko.

"Mga gusto kong gawin bago magpakamatay," walang ganang sagot ko. Nakita ko namang kumislap ang kaniyang mga mata.

"So, it's Melodia's To Do List, huh? Mind sharing it with me?" He asked.

Melodia's To Do ListsWhere stories live. Discover now