Chapter V

18 5 2
                                    

✿ — Chapter V: Reminiscing the Past

ANG PANANATILI namin sa karagatan ay isa sa pinakamahandang bagay na nangyari at napagdaanan ko. Napakasarap ng pagkain namin doon, tuwing hapon at umaga nakikita ko ang paglubog at paglabas ng hating araw. Marami rin kaming ginawa ni Xenon na halos lahat ay nasa to do list niya. Nakakapagod siya, pero napakasaya.

Matapos ang linggong iyon at paminsan-minsan nalang kaming nagkikita sapagkat wala naman na akong gustong gawin, maliban makasabay ang aking pamilya sa pagkain, at mabisita si Papa. Pero kinakailangan ko pang maghanda para sa pagsabay naming kumain. Sa loob ng isang buwan at kalahati simula ng magkakilala kami ni Xenon, ay sinasamahan ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin, at tinutulungan niya naman ako sa paghahanap sa naglalayas kong kapatid.

"Hello, Steven. Kamusta ka na?" madamdaming tanong ko sa aking nakababatang kapatid na lalaki na halos hindi ko na makilala dahil sa duguan at puno ng pasa nitong mukha.

Tumingin naman ito sa akin at makikita ang gulat sa kaniyang mata. Hindi nagtagal ay nanubig ang mga ito at tinawag niya ako na talaga namang ikina-iyak ko.

"Ate Melody. Ate Melody!!" malakas na tawag sa akin ni Steven at tumatakbo habang umiiyak papunta sa akin. Agad ko naman itong niyakap ng makalapit siya.

"Na miss kita, bunso. Bakit hindi ka man lang umuwi?" naiiyak na tanong ko.

"Pasensya ka na, Ate Melody ah? Hindi ko na kasi talaga kinaya ang pananakit ni Mama kaya umalis ako para hanapin ka, pero hindi kita nakita! Tapos may mga kumuha sa akin at pinagtrabaho ako! Ate, ayaw ko na rito. Iuwi mo na akoooooo!" malakas na iyak ni Steven sa aking mga yakap.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan para sa aking kapatid. Alam kong naging masalimoot ang kaniyang pinagdaanan. Pinatahan ko ito at pinangakong iuuwi ko siya sa bahay. Hindi naging maganda ang naging ekspresyon ni Mama ng makita niya si Steven at pinapapalo-palo pa niya ito. Pero kalaunan ay nakalimutan nalang din ni Mama iyon at balik inom naman siya.

Tinulungan rin ako ni Steven na makipag-ayos kay Tifanny, at inimbitahan ko naman siyang magshopping kami. Nagulat pa ito ng biglaang pagyaya ko, araw iyon ng sabado kung kaya't may pasok siya sa bar na pinagtatrabahuan niya, pero dahil sa pagmamakaawa ko at ni Steven, mabilis na nagbihis ng maayos si Tifanny at nagtungo kami sa mall.

Nagkaroon kami ng magandang oras doon. Binilhan ko ng mga bagong damit si Tifanny at Steven. Kumain din kami sa isa sa mga gustong-gusto naming puntahan na kainan noong mga bata pa kami.

"Bumalik tayo rito bukas, tapos dalhin natin si Mama," lintaya ko sa gitna ng aming pagkain. Napatingin naman ang dalawa sa akin bago sa isa't Isa at tumango.

"Yeah, let's do that, Ate," masayang pagsang-ayon ni Steven. Mabilis naman kaming nakatulog pagka-uwi namin sa bahay at maaga ring gumising para simulang pilitin si Mama na sumama sa aming kumain sa labas.

"Anong kumain sa labas pinagsasasabi niyo? Akin na ang pera ng mabili ko iyan ng alak, restaurant. Tsk," inis na usal ni Mama at naghahalungkat ng alak sa ref.

"Binigyan kita ng pang-alak mo Ma, kain muna tayo sa labas," lintaya ko. Napatigil naman siya sa kaniyang paghahalungkat at tumingin sa akin.

"Tara na," linatay niya. Mayroon pa ring inis sa kaniyang boses, pero sobrang saya ang naramdaman ko at napatalon-talon pa. Mabilis naman kaming nagbihis at pumunta agad sa restaurant na kinainan namin kahapon.

Nag order kami ng mga paborito namin at nagpasalamat din kami sa panginoon sa pagkaing na sa mesa namin. Pagkatapos noon ay nagsimula na kaming kumain. Parang bumalik ang aming kabataan noong nilibre kami ni Papa ng pagkain sa isang mamahaling restaurant.

Melodia's To Do ListsWhere stories live. Discover now