Epilogue

16 6 3
                                    

✿ —

CAMERA... On.

"Hello, Xenon! Gosh, wait.... Kakasimula pa nga lang ng video, naiiyak na ako AHAHAHAHAHA. Okay, serious na tayo. I know this is a little bit cliche, doing video for my final farewell, AHAHAHA.

"I know I'm selfish, pero gusto ko lang kasing makita mo ako, sa huling araw ko. First of all, I wanted to thaaaaaaaaaank you! Thank you, thank you so much! Without you, I wouldn't be able to smile so genuinely. Without you, suddenly barging in my life, I wouldn't be able to experience the good things for the last times.

"Siguro, sa oras na mapanood mo ang video na ito, isang taon na akong wala. Namiss mo ba ako, Xenon? Ayiiiieee, namiss niya akoooo. Pasensya ka na ah? Pasensya ka na kung hindi ko natupad ang pangako kong susunduin kita sa airport sa pagbalik mo. I'm sorry, kung sa pag-uwi mo dito sa Pilipinas, balita ng aking pagpapatiwakal ang una mong malaman.

"Alam mo ba? Noong umalis ka? Noong hinatid kita sa airport, at tinaw ko ang eroplanong sinasakyan mo na unti-unting lumalayo sa akin, unti-unting nawawala sa aking paningin? Umiyak ako noon, hindi dahil sa lungkot, kung hindi dahil sa tuwa. Kasi alam kong, may hihintayin ako.

"Nang tuluyan ng mawala sa aking paningin ang eroplanong sinasakyan mo, mabilis akong umuwi noong mga oras na iyon. Hindi ba sinabi ko sa'yo na gusto ko maging isang magaling na manunulat? Nagsulat agad ako pagkarating ko sa apartment ko. Sinulat ko ang nangyari sa buhay ko mula una hanggang sa umalis ka.

"Inisip ko noong mga panahong iyon na hindi na itutuloy ang pagpapatiwakal, kasi nandiyaan ka na sa akin eh. Masaya na ako. Sa tingin ko kaya ko ng mabuhay muli sa mundong ito. Nagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin sa loob ng apat na buwang kasama kita, at dahil iyon sa'yo.

"Pero... pero... alam mo? Matapos kong mabasa ang naisulat ko? Naisip ko na, napakalalim na pala ng pagkakahulog ko. Napakalalim na halos hindi ko na matanaw ang sinasabi mong liwanag. Doon ko muli na pagtanto, kung gaano kamesirable ang buhay ko.

"Sorry, Xenon. Pero... wala na talaga akong pag-asa eh. Naranasan ko ang kasiyahan na naranasan ko noong kabataan ko, kasama ka. Pero, hindi ko na kayang tumayo pa. Hindi ko na kayang magpatuloy pa eh. Lubog na lubog na ako.

"Ay teka! Bago ko pala makalimutan. Alam mo ba? So Tifanny? Buntis siya! Buntis yung kapatid ko, and ang maganda pa doon ay pinagutan siya ng nakabuntis sa kaniya! She even give an marriage invitation between them! Gustong-gusto kong pumunta. Gusto kong ako ang maghahatid sa kaniya sa altar, kasi wala na si Papa at Mama para gawin yun eh. Si Steven naman, ayaw niya daw kasi magmumukha raw siyang matanda na. AHAHAHAHAHAHA.

"Gustong-gusto kong bigyan siya ng ngiti at hawakan ang kaniyang tiyan, tapos icongratulate siya. Na sa wakas! Magkakaroon na siya ng isang maganda at masayang pamilya. Gusto ko rin sanang makilala ang sinabi ni Steven na girlfriend niya. Gustong-gusto ko makita ang mga kapatid ko na maging masaya na sa kaniya-kaniyang buhay nila.

"Pero... hindi ko na iyon magagawa. Hindi ko kayang gawin. Ikaw lang ang sinabihan ko nito, today is May 16, ****. Sa susunod na araw na ang kasal ni Tifanny. Puwede ba ako makahingi sa'yo ng favor? Puwede mo ba sabihin sa kaniya na I'm sorry? Sorry kasi hindi ako dumalo sa kasal niya, sorry kasi iniwan ko siya sa eri, sorry kasi pagkatapos ng masayang araw niya, balita naman ng aking pagkamatay ang malalaman niya.

"Sabihin mo sa kaniya, na proud na proud ako sa kaniya. Na kahit saan man ako, palagi ko siya babantayan, maging ang pamilya niya. Puwede mo rin ba sabihin kay Steven, na proud din ako sa kaniya? Na sana hindi niya saktan ang girlfriend niya ngayon, na mamahalin niya ito ng todo². Na sana, mahalin nila ng todo² ang kani-kanilang mga anak hanggang sa tumanda ito.

"I'm sorry. I'm sorry. I know I'm a failure. But, I just can't help to feel so happy, knowing that my siblings are loving their lives to the happiest. Tell them that Ate Melody love them so much, okay? Promise me that you'll tell them! You promise? Alright! And oh, puwede last favor, Xenon? I know it's sort of, already late but, the story I wrote? About my self? Itinago ko siya sa apartment ko, puwede mo bang kunin iyon at ipunlish bilang libro? Tsaka, ginawa ko iyong happy ending! Huwag kang mag-aalala. Sinulat ko doon na nahanap ko na ang kasiyahang hinahanap ko na totoo naman, at nabuhay ako ng matagal na siyang hindi ko magagawa sa totoong buhay.

"Sinulat ko pa nga doon na sinundo kita sa airport eh, tapos binungad mo ako ng magandang balita, ikakasal ka na! Oh hindi ba ang ganda!? Yiiiiiiiiiiiiieeeeeeeee, kinikilig talaga ako. Pero mukhang hindi halata kasi patuloy na tumutulo luha ko. AHAHAHAHAHAHA.

"I want you to publish that story into a physical book, everyone may not read it but I know someone will. And if they do, they'll think that their is always hope in this world. Na kahit nasasaktan sila sa puntong gusto na nilang magkamatay, their will always be hope for them, to feel happiness. And they will want to live again, and discover the greatness in this world that God has instilled for each and everyone.

"I don't want anyone to end up like I do. I don't want them to resort to what I'll be doing. I don't want that. It's not too late for them, unlike me. Ho! I guess I talked too much already, look at that! Isang oras na ang taas ng video. Sana hindi ka nabored while watching ah? Tsaka, sana hindi ka umiiyak, Xenon. Nawa'y nakangiti ka ngayon habang pinapakinggan akong magsalita. Alam mo ba? Masaya talaga ako ngayon. Sobrang saya!

"Kaya nawa'y ikaw rin. Kung mamimiss mo man ako, bisitahin mo lang puntod ko ah? Tapos mag-alay ka sa akin ng sunflower. Para naman sumaya ako, sa kahit saan ako. Hindi na ako dadaldal pa. Ititigil ko na ang pagbibidyo dito. Teka, gusto mo ba makita pagpapatiwakal ko? Joke AHAHAHAHA. Ayaw ko namang ipakita sa'yo yun, nakakadiri eh. Kaya, paalam na okay? And oh, ang title ng story ko pala ay ‘Melodia's To Do List’. Iyan ang ilagay mng title ah? Hehehehe Palagi kang mag-iingat, Xenon!

"Bye!"

Melodia's To Do ListsWhere stories live. Discover now