PROLOGUE

10.2K 161 2
                                    

 Hindi makangiti ang batang si Kim dahil malalaman ng mga kalaro na bungi na siya. Ipinabunot kanina ng kanyang abuela ang dalawang niyang ngipin sa harap kaya naman nagmukha siyang monster na may pangil.

 Siguradong tutuksuhin lamang siya ng mga bata kaya naman pinanatili niyang nakasara ang kanyang bibig. Ayaw naman niyang manatili lang sa loob ng mansyon nila dahil wala siyang kalaro. Kaya nga siya naroroon sa bahay ng kanyang abuela para may mapaglibangan dahil summer vacation naman ngayon. Isa pa, nakaugalian na niyang umuwi sa hacienda dahil kapag may pasok ay madalang lamang niyang makita ang kanyang lola.

 Lumapit si Kim sa mga batang babae na naglalaro ng paper dolls. Gustong gusto niyang nilalalaro ang mga damit ng manika lalo na ang mga papapalit palit ng mga damit nito. Umupo siya sa tabi ni Khatlene na lumingon naman sa kanya.

 "Gusto mong sumali senyorita?"

 Ipinagpapasalamat niyang tinanong siya nito kaya hindi na niya kinakailangang magsalita pa. Tumango siya bilang kasagutan.

 Ibinigay nito sa kanya ang isang taong papel at saka sila nagpalit palit ng mga damit. Sa sobrang katuwaan ay hindi niya maiwasang mapangiti.

 "Hala! May monster!"

 Napaangat ng tingin si Kim sa narinig. Nakita niyang nakatingin ang lahat ng mga batang naroroon sa kanya, pati  na ang mga batang lalaki. Nakasuot ang nga ito ng kumot na ginawang kapa at may mga hawak na kahoy na espada. Ang ilan naman ay nakasuot pa ng maskara para mas mukha umanong mga superhero ang mga ito.

 Itinikom niya ang kanyang bibig kasabay ng pagbabadya ng mga luha sa kanyang mga mata.

 Noon naman lumitaw si Jeremy. Ang batang kinaiinisan  niya ng lubos. Nakasuot ito ng pulang kumot at may suot na cowboy hat. Ito ang umaaktong leader ng mga batang lalaki dahil bukod sa ito ang pinakamalaki sa kanilang lahat ay bully din ito.

 Pero hindi siya madalas na nagpapatalo dito dahil hindi siya natatakot dito. Hindi siya agad agad nagpapa-bully dito dahil alam niyang kaya niyang soplahin ito. Itinuturing man siyang prinsesa sa bahay nila alam niya kung paanong ipagtanggol ang sarili niya.

 Ngunit ngayon ay hindi niya iyon magawa lalo na ng makita niya kung paanong tumawa ng malakas si Jeremy habang nakatingin sa kanya.

 Pinaningkitan niya ito ng mata. Pinipilit niyang pigilan ang kanyan luha. 

 "Bakit ka nandito?" Tanong sa kanya ni Jeremy saka ito lumapit sa kanya. Namewang pa ito na tila ito si Superman. 'Bawal ang mosnter dito!"

 "Hindi ako monster!" Sigok niya dito.

 "Monster ka at ako si Super Cowboy at kailangan kang parusahan!"

 Walang babalang umigkas ang kamao ni Jeremy na tumama sa kanyang panga.

 Bago tuluyang dumilim ang mundo ni Kim ay narinig pa niya ang sigaw ng mga batang babaeng kalaro niya.

 "Lagot ka kay Senora Aurora, Jeremy! Isusumbong ka namin!" 

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora