CHAPTER ELEVEN

5.9K 224 14
                                    

BLOGGER's Con.

Inaabala ni Kim ang kanyang sarili sa pagaasikaso ng mga taong dumadating sabooth niya. Katunayan, simula noong bumalik siya sa maynila mula noong isang araw ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang magpaka-busy para hindi na siya magkaroo n ng pagkakataon para umiyak o mag-isip man lang.

Matagumpay nilang naisagaw ni David, kasama na ang ilan pang mga fashion bloggers sa Pilipinas ang bloggers con kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang bawat mamababasa nila upang makabonding, makausap at makapagpapicture sa kanila. Ginanap ang event sa World Trade Center para makayanan ang capacity ng mga inaasahang taong dadalo sa event.

Ngumiti si Kim na punong puno ng effort dahil nasa pinakahuli ng kanyang listahan ang gawaing iyon, nang makita niya si Lolita na papalapit sa kanya. Ilang beses na silang nagkausap ni Lolita at nagkaayos na sila. Ngayon lang niya lubos naunawaan kung bakit nagustuhan ni David ang dalaga. She was very likeable in a peculiar way.

"Hi, Miss Kim!" anito ng makalapit.

"Lolita, I told you not to call me that. We're friends now!" Miss Kim ang nakagawiang tawag nito sa kanya simula noong unag beses iya nitong makita. Hanggang ngayon, sinasabi nitong ito ang numero unong fan niya.

"Sorry, oo nga pala." Ngumiti sa kanya si Lolita. May kakaibang ningning sa mga mata nito—ang ningning ng pag-ibig. She was pretty sure that she had that glint in her eyes too, days ago. She felt a bitter taste in her mouth. "Para sayo nga pala ito."

Napatitig siya sa inabot nitong box. Buko Pie.

It stirred not only a thousand memories, but also the pain and the love she was trying to restrain inside. Nang i-angkat niya ang kanyang tingin upang tanungin si Lolita kung saan nanggaling buko pie ay wala na ito sa kanyang harap.

Itinabi niya ang box. Wala siyang balak na magdrama ngayon lalo na at maraming tao ang nasa paligid niya. Pero parang tukso, may isang lumapit sa kanya at may hawak na buko at inabot iyon.

"What—"

Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin ng may isa pang lumapit sa kanya. At isa pa. Hanggang sa nagkaroon na siya halos isang dosenang buko.

Malakas ang kabog ng dibdib niya. Trust her gut to tell her something was indeed happening. And just like what she expected, narinig niya mula sa mga speaker na nakapalibot sa buong WTC ang isang pamilyar na kanta—Buko. Ang theme song nila ni Jeremy.

Tears are starting to brim her eyes. Iisang tao lamang ang alam niyang may pakana nito at hindi siya pwedeng magkamali. Ngunit bakit ito naroroon? Bakit ginagawa nito ang mga bagay na ito?

Ayaw man niya, kusang lumibot ang kanyang mga mata sa mga mukha ng mga taong naroroon. She was particularly searching for that certain face...those certain chocolate brown eyes.

Her heart did a sumersault when she did.

Jeremy was wearing his impeccable smile, the ones that made her knees go weak and her world spinning. Pinaglabanan niya ang kagustuhang tumakbo papalapit dito at yakapin ito ng mahigpit.

Nagsimula itong maglakad papalapit sa kinatatayuan niya ay noon lang niya na realize kung gaano niya namiss ang lalaking ito. It was beyond words. Parang isang buong taon ang hindi niya makita ito sa buong araw at parang magugunaw na ang mundo kapag naiisip niyang hindi rin niya ito makkita sa susunod.

Ngunit narito ito ngayon sa harap niya. Buhay na buhay at nakangiti pa.

"K-kim..."

Tinaasan niya ito ng kilay. Kahit gaano pa niya namimiss ang lalaking natutunan niyang mahalin sa loob lamang ng sandaling panahon ay hindi niya maaring makalimutan ang kanyang mga nalaman noong isang araw. If feelings are hard to erase, it's impossible to forget the truth in just a matter of days. "Anong ginagawa mo dito?"

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now