CHAPTER THREE

4.4K 102 2
                                    

HINDI maiwasang mapangiti ni Kim habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. She wore a simple white layered dress that falls right before her knees and her face was void of any make up. Minsan kahit gaano pa niya kagustong inaayusan ang kanyang sarili, mas magusto pa rin niya ang maging simple. Sa linya kasi ng trabaho niya bilang isang fashion blogger inaasahan ng mga tao na palagi siyang nakaayos at nakapostura. She wasn't complaining though. But sometimes it's just feels good to be plain and simple—it makes her comfortable.

Lumabas siya mula sa kanyang kwarto papunta sa dinning room kung saan nag-aalmusal ang abuela niya. Hinalikan niya ito sa pisngi saka umupo sa kanang bahagi nito.

"Good morning, abuela!" masiglang bati niya.

Nakangiti si Senora Aurora ng tumingin ito sa kanya. "How are you hija?"May bahid parin ng pag-aalala ang mukha nito. Ganito rin ang ekspresyon nito noong kausapin siya nito kagabi bago ito matulog para kumustahin. Alam nito ang balita tungkol sa hiwalayan nila ni David.

"I'm good, abuela." nginitian niya ito. "I'm getting better." Mataman lamang siyang tinitigan ngunit tumango ito kalaunan. At noong akala niya ay tahimik na silang kakain ng agahan ay muli itong nagsalita. "Have you and Jeremy talked yet?"

Pinigilan niyang mapaismid. Kagaya ng ibang miyembro ng pamilya niya, masyado ring protective ang abuela niya sa kanya kaya alam niyang kakastiguhin siya nito tungkol sa nangyaring eksena sa kanila ni Jeremy pagdating niya.

Gusto sana niyang sabihin na nakausap niya ito kagabi ngunit ng maalala niya kung paanong tila sa panaginip ay sinundan siya ng paraan ng pagkakatitig nito sa kanya, pinili niyang magsinungaling. It was a white lie anyway. "H-hindi pa po, abuela."

"You better talk to him, Kim," anito na hindi parin inaalis ang tingin sa kanya. "And apologize for what you did yesterday."

But why? Gusto niyang itanong dito ngunit alam niyang mas makakabuti kung sasang-ayon nalang sya dito. She might be spoiled, but they would never tolerate her bad doings.

"Anyway, where did the two of you meet last time that you end up running away from him?"

A part of her was thankful that her abuela didn't know why and how she met Jeremy a few days ago. Ibig sabihin, hindi siya lilitisin nito ngunit sa kabilang banda, hindi niya maunawan ang inis na nararamdaman niya para kay Jeremy. Bakit kailangan pa nitong i-kwento iyon sa abuela niya?

"Ah..." anong dahilan kaya ang maaari niyang sabihin dito na hindi niya kailangang magsinungaling ng todo? Sa totoo lang, nakukunsensiya siya sa ginagawa niya. She didn't have to lie to her lovely grandmother if it wasn't for that guy.

"Sa isang bar po, senora."

Bigla siyang napalingon sa entrada ng dinning room nila ng iluwa niyon ang bulto ni Jeremy. Bakit naroroon na naman ito sa mansyon? "Nagkita po kami sa isang bar, magpapakilala palang po sana ako sa kanya ng bigla niya akong takbuhan papunta sa ladies room." Awtomatikong napalunok siya ng tumingin ito sa kanya at ngumiti. "She threw everything up, I guess."

Gusto niyang itirik ang kanyang mga mata sa sinabi ni Jeremy. Tila pinapaalala pa rin nito sa kanya ang mga nangyari sa pagitan nila noong gabing iyon.

 "Is that so, hija?"

Tumingin siya sa kanyang abuela saka pilit na ngumiti. "Yes, abuela."

Umiling ito. "Remember you alcohol tolerance is very low. Hindi ka dapat umiinom ng walang kasama lalo na at alam mong hindi mo kaya." Binalingan naman nito si Jeremy. "Anyway hijo, Kim wants to say something to you."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Jeremy ng muling tumutok ang mata nito sa kanya. His eyes were teasing so were his smirk. Gusto niyang talunin ang distansya sa pagitan nila upang sakalin ito ngunit alam niyang makaka-score na naman siya sa kanyang abuela. So instead, she choked out in her lowest voice. "S-sorry about yesterday."

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now