CHAPTER EIGHT

3.5K 88 1
                                    


SUMILIP si Jeremy sa viewfinder ng camera na hawak sa sinimulang kunan si Kim. Kasalukuyan silang nasa isang bahagi ng manggahan ng hacienda at nagpapakuha ito ng litrato sa kanya para sa blog nito. Anito, naubos na kasi ang nakaimbak nitong mga outfit post at kailangan na nitong kumuha ng mga litrato.

Matapos ang isang anggulo ay ipinakita niya dito ang mga kuha niya. Hindi siya eksperto ngunit dahil sa pagpupumilit ni Kim na turuan siya ay mukhang may natutunan naman siya. He was never techie, but when he saw how Kim's eyes lit up when she viewed the photos, parang gusto niya matutunan ang bawat paraan ng pagkuha ng litrato para makita ang ngiti nito.

He sounded like a love struck fool, but to hell with that.

"These are good shots Jeremy!" she beamed at him and smacked his lips. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa ginawa nito. Simula noong unang beses niyang mahalikan si Kim, pakiramdam niya ay unti-unti siyang naaaddict sa matamis na labi nito and he couldn't believe that this... was actually happening. Ilang taon nga ba niyang pinangarap ang mahawakan ang kamay nito at mahalikan ang labi nito? He lost count of it all because when he finally held her warm hands in his and devoured her sweet lips he knew everything was practically worth it.

"Hey, nakakadami ka na sa'kin ha?" nagbibiro niyang saway sa dalaga. He would never ever get enough of her lips, or perhaps, her. She pouted and he had the sudden urge to pull her close and kiss the hell out of her until they ran out of breath. Which, he practicaly did. Pareho silang nagkangiting nagtitigan matapos ang makaubos hiningang halik na kanilang pinagsaluhan.

Sa araw-araw hinihiling niyang sana ay manatili lamang silang ganoon—masaya at nagkakaintindihan. Alam niyang wala pa silang pormal na pag-uusap kung ano kanilang opisyal na estado ng kanilang relasyon, ngunit ayaw niyang madaliin ang dalaga. Kagagaling lamang nito sa isang relasyon at alam niyang hindi naging maganda ang kinahihinatnan niyon. Hahayaan muna niyang tuluyan na nitong makalimutan si David. He would not rush her; he can always wait patiently for her. Hindi ba't iyon naman ang matagal na niyang ginagawa?

Maya-maya ay pareho na silang nakaupo ng dalaga sa veranda ng mansion. Abala ito sa pagta-type ng blog post sa computer nito samantalahang siya ay abala sa panunuod dito.

He really loved her doe like eyes framed with thick black lashes, her cute proud nose was an asset but it was less appealing than her lovely sweet lips. Nagustuhan rin niya ang maikling buhok nito ngayon, she looked fierce and innocent at the same time.

Marahil ay napansin ng dalaga ang panunod niya dito kaya naman nilingon siya nito. "Why are you looking at me that way?"

"I really love looking at you. Hindi mo pa rin ba alam iyon?"

He could swear his heart glowed when her cheeks flushed. Gustong gusto niya ang pamumula ng pisngi nito. He tucked a few strands of her hair behind her ear. Oh, he must've done something right to have her beside him now.

"M-may itatanong pala ako sayo," maya-maya ay sabi sa kanya ng dalaga. Huminto na ito sa pagtipa sa laptopn nito sa halip ay nakatingin lang ito sa kanya.

"Ano yun?"

"Where's your dad?" Sa pagkakabanggit nito sa kanyang ama ay tila awtomatikong nagtagis ang bagang niya. Ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa dalaga. "Napansin ko lang kasi na wala siya sa bahay nyo at palaging si Tita Facia lang ang kasama nyo ni Irene. I hope you don't mind me asking." Alanganing nginitian siya ng dalaga. "Um, we barely know things about each other dahil palagai lang tayong nag-aaway noon, and now..."

Masuyo niyang tiningnan si Kim. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Gusto lamang nitong malaman ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya. Hindi niya ipagkakait iyon dito. Afterall, knowing each other very well is a strong foundation for a good relationship.

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now