CHAPTER FOUR

4.6K 99 9
                                    

PINAGMASDAN ni Jeremy si Kim habang nakatingala ito sa puno ng niyog na aakyatin nito. Hindi niya mapigilang mapangiti ng makitang nakakunot ang noo nito. Marahil nag-iisip na ito kung paano nito aakyatin iyon.

Hinamon niya si Kim na umakyat ng puno dahil alam niyang marunong ito. Lumaki ito sa hacienda na alam ang lahat ng gawain ng bawat trabahador doon kaya hindi siya nag-aalalang lugi ito. Isa pa, kung hahamunin niya ito ng isang bagay na alam niyang hindi nito kayang gawin, mahahalata nitong gumagawa lamang siya ng paraan para mapalapit dito.

Sa isiping iyon, hindi niya maiwasang hindi maalala ang sinabi ni Senora Aurora sa kanya noong nagdaang gabi.

"Will you keep an eye on Kim for me?"

Nabigla si Jeremy sa sinabi ni Senora kaya naman walang pag-aatubiling nagtanong siya dito. "Bakit po senora?"

"Nag-aalala ako sa apo ko," malamlam ang mga mata ng ginang at kita sa mga iyon ang lubos na pag-aalala para kay Kim. "Kapag nasasaktan kasi siya, hindi siya nagsasalita. Itinatago lamang iya iyon kaya hinding hindi mo malalaman kung anong nararamdaman niya sa loob."

Alam niya ang ibig sabihin nito. He had been always observing Kim at alam niyang ayaw na ayaw nitong nagpapakita ng kahinaan. Hindi rin ito umiiyak ng madalas. At nais niyang suntukin ang sarili na minsan sa buhay nito ay isa siya sa naging dahilan kung bakit bumuhos ang mga luha nito.

"Can you do that for me, Jeremy?"

Hindi na kailangang ipaki-usap sa kanya ni Senora Aurora iyon. Dahil handa siyang bantayan si Kim kahit anong mangyari. Hindi ba't matagal na niyang ginagawa iyon? Ngunit ngayon ay legal at malaya niyang magagawa iyon sa tulong ni Senora. Hinding hindi niya sisirain ang tiwala nito.

"Opo senora,"sagot niya. "Hinding hindi ko pababayaan si Kim."

Ang nakaismid na mukha ni Kim ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Tinapunan na naman siya nito ng masamang tingin bago bumaling sa ilang mga trabahador na naroroon. Pinalapit kasi niya ang mga ito upang husgahan kung sino sa kanilang dalawa ng dalaga ang mauuna.

Isa pa, kailangan din niya ng mga taong sasalo sa dalaga kung sakaling may hindi nito magawang maka-akyat ng puno. Ngunit alam niyang imposible iyon. May tiwala siya sa kakayahan ni Kim, pero gusto lamang niyang mag-ingat.

Nilapitan niya si Kim. "Handa ka na ba, Kim?"

Tinaasan lamang siya nito ng kilay.

Napangiti siya. Maganda ito kapag naka-ayos ngunit sa paningin niya, ngayong nakasuot ito ng isang malaking t-shirt na ipinahiram niya dito at isang puruntong na shorts at walang bahid na make-up ay mas lalo itong gumanda. Nakasuot ito ng bestida kanina ngunit dahil hindi ito maaaring umakyat ng nakaganoon, ay ipinahiram niya ang mga damit niya dito. And he kind of like the sight he was seeing at the moment.

"Sigurado ba kayo sa gagawin ninyong iyan, Jeremy, senorita?" tanong ni mang Juan na isa sa pinakamatatandang nagta-trabaho doon. Ito ang unang unang kumontra nang ipaalam niya ang balak nila ni Kim.

Bago pa siya makapagsalita ay sumagot na si Kim. "Wag po kayong mag-alala sa'kin Mang Juan. Hindi po ba at kayo ang nagturo sa'kin umakyat ng puno noon?"

Ngumiti ng matanda kay kim. "Alam ko po Senorita. Pero matagal po kayong nawala dito sa hacienda. Baka hindi nyo na po alam kung paano."

Napakagandang tanawin para sa kanya ang makita si Kim na ngumiti. "Hindi ko pa rin po nakakalimutan 'to, Mang Juan. Kahit na matagal na ako sa Manila, maranunong parin po ako." tiningnan siya nito. "Siya ang alalahanin nyo. Baka siya ang hindi marunong umakyat ng puno."

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now