CHAPTER TWO

6.1K 115 5
                                    

"SAAN KA pupunta?"

Sinalubong si Kim ng magkasalubong na kilay ni Kristoff sa baba ng hagdan. Gusto sana niyang lagpasan lamang ang nakakatandang kapatid ngunit alam niyang hindi siya nito hahayaang gawin iyon, right after what happened the other day.

Ito kasi ang tinawagan niya matapos niyang lumabas sa bahay ng di-kilalang lalaki—na gusto na niyang kalimutan—para magpasundo. She went to the bar with David kaya naman wala siyang dalang kotse ng gabing iyon.

Itinaas niya sa kanyang ulo ang suot na sunglasses. "Pupunta sa hacienda."

Her brother raised one eyebrow in inquiry. Kilala niya ito. He'd ask her a lot of questions before he would get out of her way. Alam niya, dahil ilang beses na niyang pinagdaanan iyon kaya mas mabuting mag-eksplika nalang siya ng diretso kaysa gisahin pa siya nito.  "Okay," sumusukong sabi niya. "Gusto ko ng katahimikan. I want to be alone...right after everything that happened."

Totoo iyon. Matapos ang nangyari sa kanya noong isang araw, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, emotionally. At kung mananatili lamang siya sa bahay at magmumok-mok baka mabaliw lang siya kakaisip. Sa ngayon, ayaw muna niyang pag-usapan ang nangyari. Ayaw man niyang aminin, pero nasasaktan siya. Pero mas gugustuhin niyang huwag ipakita iyon sa lahat.

At idagdag pang tila hindi nawawala at patuloy na nanggugulo sa kanyang isip ang ngiti ng lintik na lalaking nakasama niya sa bar. Lalo tuloy sumasakit ang ulo niya dahil dito.

Better not let Kristoff know that or you'll be dead!

Naging malambot ang ekspresyon ng mukha ni Kristoff at alam niyang papayagan na siya nitong umalis. Minsan hindi niya alam kung gusto niyang ipagpasalamat na sobrang protective sa kanya ng kapatid na para bang isang maliit na bata parin ang turing nito sa kanya. But somehow, she understood him. Alam kasi niyang ganoon din siya dito. Lumaki silang dalawa na sobrang close at kapag nagkataong nagkapalit sila ng lugar, ganito rin ang gagawin niya dito.

"Do you want me to come with you?"

Inismiran niya ang kapatid. "Hindi na kailangan Kristoff. I want some place where I can think...alone."

Nakakaunawang tumango ito. "How about your blog?"

Ang tinutukoy nito ay ang blog na pinapatakbo niya, na siya ring nagsisilbing trabaho niya. She blogs about the latest in women's fashion, style and all sorts of things. She earns by advertisers and other sponsors. Working with her blog doesn't seem like a work for her at all. Para na itong karugtong ng buhay niya at alam ni Kristoff iyon.

"'Wag kang mag-alala, I still have a few more queued posts and I'll work on it." nginitian niya ang kapatid saka ito nilapitan at niyakap. "Don't worry much about me, okay? Hindi ako magpapakamatay dahil broken hearted ako. I'm too smart for that."

Pinanlakihan siya ng mata ni Kristoff na ikinatawa naman niya. "I'll be okay, Kristoff."

"Alam ko," ginulo nito ang buhok niya. "But just please, Frencheska Kim Bernal, don't do anything stupid."

She translated his warning as, "don't ever get drunk, let a stranger carry you to his house and wake up in just your underwear." She smiled and kissed her brother's cheek. "Have I ever told you that I love you, dear brother?"

"You just did." Iwinasiwas nito ang kamay para paalisin siya. "Now go, before I can tell mom that you're gone again."

IBINABA ni Kim ang bubong ng kanyang convertible car nang matanaw niya ang hanay ng mga puno ng niyog sa di kalayuan. Huminga siya ng malalim ng maramdaman niya ang mabining paghampas ng hangin sa kanyang mukha. It smelled familiar—it smelled like childhood.

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon