Chapter 1

25.3K 614 483
                                    


Luna Blaire

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo at paa ko jusme nahulog nga pala ako sa hagdan kagabi tanga tanga kase nung hagdan, ika-ika akong bumangon dahil shuta masakit talaga.

Papasok ako sa school na ika ika kakahiya pero okay na din nand'yan naman apat kong bugok na kaibigan na aalalay sa'kin.

"Goodmorning mudra!" bati ko sa'king mader pagbaba ko.

"Hindi naba masakit 'yang paa mo? Tanga mo kase ayan tuloy nahulog ka" Kung hindi ko lang 'to nanay malamang sa malamang ay nabatukan ko na 'to

"Ay hindi ma, kaya nga ako pa ika ika lumakad kase okay na'ko e" Inis na sambit ko alam n'ya naman na lakas ng pagkahulog ko sa hagdan e tapos tinawanan n'ya lang ako bago tumulong siraulo din e.

"Ay nako, kumain kana dito aalis din ako mamaya dahil pupunta ako sa tito mo."

Tito amp hindi ko naman 'yun kamag anak at alam kong maglalandian lang sila kung nagtatanong kayo kung nasan papa ko wala na patay na charot, nilayasan na kami sumama dun sa mukang gorilla na babae.

"Okay....lalandi kalang e."

Bulong ko sa dulo dahil baka marinig n'ya pero sympre malakas ang pandinig ni mudra ayun sinamaan ako ng tingin.

"Ediwao." aba't ayos din 'tong nanay ko ah.

Actually sanay na kami sa gantong usapan dahil kami lang naman dalawa ang magkasama dito sa bahay, nakikisabay din s'ya sa mga trip ko kaya mahal na mahal ko ang aking mudra kahit mas mahal n'ya ang mga halaman nya.

Kaiyak.

"BaklaaAAAAaaA" Natakpan ko ang dalawa kong tenga ng bigla sumigaw si Keziah

"Tanginamo ingay mo Keziah."

"Lakas ng boses ampota parang nakalunok ng microphone."

"Shut up, ingay mo Ziah kinginamo."

Sabay sabay na sambit nilang tatlo, hanep na boses 'yan abot hanggang labas ng earth eh, siya talaga ang pinaka maingay sa'ming magkakaibigan.

"Grabe naman kayo sa'kin, 'di nyo na'ko lab?" Pakyu-t ni Keziah

Actually lima kaming magkakaibigan na sobrang tarantado, pero mas tarantado si Keziah.

Si Darcelle naman ay tahimik lang kagaya ni mark charot hindi s'ya masyadong nagsasalita sa iba pero tarantado at baliw 'to pagdating samin.

Si Nathaira naman ay madaming nagkakagusto sa kanya mapa babae man o lalake kaso wala s'yang tinatanggap kahit isang manliligaw, siya ang pinaka tahimik sa'ming magkakaibigan– wala rin kaming masyadong alam sa buhay nito pero naiintindihan naman namin.

Si Pearl naman ay ang pinaka siraulo sa'min at pinaka makapal ang muka.

Si Keziah naman alam na mas tarantado at pinaka malakas ang boses pinaka maingay sa'min.

Ako naman ay isang pogandang kabute lang– tarantado rin ako, ayokong ayoko may magtatanong tungkol sa buhay ko dahil baka makita mo na agad si San Pedro.

"Sino kaba?" Asar ni Pearl sa kanya dahilan para magtawanan kami

"Che, friendship over na tayo bye." Inis na sambit n'ya sabay walk out, natawa lang kami at sinundan s'ya matampuhin pa naman 'to pero hindi namin sinusuyo ano s'ya gold?

Nandito na kami sa loob ng room magkakasama kami sa lahat ng subject tarantado din e dapat daw magkakasama kami sa lahat ng sub baka daw kase makahanap kami ng new friends daw kung maghihiwalay kami ng sub.

Imposible naman 'yon dahil kami lang din ang mga nagkakaintindihan.

Nagtatalo 'yung tatlo kung ano ba ang nauna itlog ba o manok mga baliw e pero ako din napapaisip ano kaya ang nauna itlog o manok? kaming dalawa naman ni Darcelle ay tahimik lang hinihintay lang namin 'yung professor namin na dumating medyo maaga kasi kami pumasok kaya medyo matagal.

The Obsessed Professor (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon