Chapter 21

5.1K 209 138
                                    

A/N: Hello, everyone! madaming nagbago sa story na 'to, babaguhin ko na rin 'yung plot. Itong chapter na 'to ay bago na, pati sa mga susunod na chapter ay madaming magbabago dahil kailangan ay konektado ang lahat ng chapter. Kaunti nalang din ang mga matitira na original parts sa mga susunod na chapter :))

______

Luna Blaire

"Yes. I killed her."

Achlys...

"W-what the fuck!" I knew it! Siya ang pumatay.

"Oh. Hi, my wife." Kinilabutan ako sa paraan ng pagkabigkas niya.

No way..

"Nice to meet you again, Luna. Lagi nalang si Zuki ang nakakaharap mo." Nakangising sabi nito.

She has a split personality, matagal na akong nagse-search patungkol sa bagay na ito.

'Dissociative identity disorder, you may feel the presence of two or more people talking or living inside your head, and you may feel as though you're possessed by other identities.'

'This disorder is characterized by "switching" to alternate identities.'

Mikazuki and Achylys..

Mas delikado si Achlys, kung si Zuki ay may awa, siya wala.

"I killed your real mom, she's so papansin!" Bulyaw nito na kinagulat ko.

Ramdam ko ang galit at takot na bumabalot sa katawan ko.

Takot na baka may isang taong patayin niya at galit na pinatay niya ang totoo naming magulang.

"My, my, my Keziah. Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa lahat ang mga nang t-traydor at nangunguna sa plano ko diba?" Sambit nito kay Keziah.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Keziah at hinila ito papunta sa'kin.

"Don't touch her." Malamig na sabi ko rito.

Tumawa naman ito nang parang baliw.

"You're not scared, huh." Sambit nito at tuma tango-tango pa.

Akmang hahawakan ako nito nang biglang may humila sa'kin.

She's here..

"Samantha, samantha, samantha..." Tawag nito sa kapatid ko.

"Isa ka pang papansin, kun'di dahil sa'yo matagal na kaming magkasama ni Luna!" Bulyaw nito sa kapatid ko.

"Hinding hindi magiging sa'yo si Luna, Achlys. Mas mabuti nga na si Zuki ang nakaharap niya at hindi ikaw." Sagot ng kapatid ko.

Tinignan ko nang mabuti si Achlys, meron siyang tattoo na bungo sa may leeg niya.

Siya nga, siya nga ang pumatay sa magulang namin.

"At sa tingin mo hahayaan kong mangyari 'yon? No. Mas maganda nalang na patayin ko kayo!" Agad nitong kinuwa ang baril niya at tinutok samin.

Akmang lalapit na sila Nathaira nang may humila sa kanila na malalaki ang katawan, tauhan ito ni Achlys..

"Bitawan niyo sila!" Bulyaw ko ngunit hindi nila ito pinakinggan.

Kinaladkad nila ito paalis, kahit anong sigaw ko ay wala paring nangyayari.

"Ngayon, tayong tatlo nalang ang natitira. Maybe, it's time na para linisin ang mga papansin, right?" Nakangising sabi nito.

"Why are you doing this, Achyls?! Hindi mo ba nakikitang marami ng nasasaktan dahil sayo?! Innocent people are dead now because of you and that includes our parents, tapos ngayon? Ano? Sila na naman? Halimaw ka!!" I shouted.

The Obsessed Professor (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon