Chapter 24

4.6K 212 152
                                    

Luna Blaire

"Asthria!" tawag ko sa babaeng nakikipag usap sa mga anak ko.

Agad naman itong lumapit sa'kin. "Yes love?" she smiled.

"Help me here." She giggled and nodded.

Limang taon na ang lumilipas, I met Asthria at the mall– nakabanggan ko kasi siya at hindi ko rin naman akalain na magkakilala sila nila Darcelle.

May isa rin itong kaibigan na si Fiori, lagi nitong ginugulo si Nathaira.

Asthria courted me then, pitong buwan niya akong niligawan pero kahit anong pilit niya ay wala pa rin. So, she decided na kaibiganin nalang ako because she knows that she has no chance with me. Naka move-on na rin naman siya at may nagugustuhan siya ngayon, hindi lang siya makaamin. Hindi ko rin kilala kung sino 'yon dahil ayaw niyang sabihin.

Ang daming gustong manligaw sa'kin kaya palagi niya akong tinatawag na 'love' para raw isipin nila na may girlfriend na raw ako, nasanay na rin ako sa ka-sweetan niya.

"Ang sungit ng isa mong anak, sa'n ba 'yan pinaglihi?" bulong nito sa'kin.

"Nagmana sa dada niya." sagot ko rito.

"Eh? sayang hindi ko siya nakita." nakangusong sabi nito.

"Gusto mong makita siya?" tanong ko rito.

Tumango naman ito, ang bobo talaga. Na-kwento ko na naman sa kaniya na wala na ang dada ng kambal, kinewento ko sa kaniya lahat dahil alam kong mapagkakatiwalaan ito.

"Pakamatay kana para makita mo siya." nabuga niya ang iniinom niyang tubig.

Bastos, sa mukha ko pa binuga.

"Tangina..."

"What?" nagtatakang tanong ko.

I laughed because her eyes were like she was killing me.

"Tawa tawa ka r'yan!" singhal nito kaya mas lalong lumakas ang pagtawa ko.

Inis naman itong umalis at bumalik do'n sa kambal, napailing nalang ako at tinapos itong ginagawa ko.

Habang naguusap kami ni Asthria ay may narinig kaming parang nagtatalo, nagkatinginan kami at parehas na tumayo.

"Boses 'yon nila Nathaira at Fiori.." sabay naming sambit.

Sinundan namin kung saan nang gagaling ang ingay na 'yon at parehas naming nakita 'yung dalawa na nagtatalo nga.

"Tangina, ano ba talaga tayo, Nathaira? P-pinapaasa mo ba'ko?" nanginginig ang boses ni Fiori.

"N-no, hindi sa gano–"

"Eh ano?! rinig na rinig ko bawat salitang lumalabas sa bibig mo. Rinig na rinig ko na sinabi mong m-mahal mo pa rin siya..." niyakap ni Nathaira si Fiori pero tinulak lang niya ito.

"What the hell.." mahinang sabi ng katabi ko.

"F-fiori.."

"Binuksan ko 'yung phone mo dahil lasing na lasing ka non, tatawagan ko sana si Luna pero hindi ko inaasahan na makikita ko ‘yung picture ng ex mo. Tangina, pinaglalaruan mo ba'ko? You're giving me mixed signals."

Tanda kopa 'yon, kaya ba nanginginig at parang umiiyak siya nung sinagot ko 'yung tawag?

"Pinalagpas ko 'yon dahil mahal na mahal kita, I know I can't have you simula nung marinig ko 'yon pero nandito pa rin ako minamahal ka.."

"I know your heart doesn't beat for me, dahil siya pa rin diba? m-mahal mo pa rin?"

Tumango si Nathaira at pinunasan ang mga luha niya.

The Obsessed Professor (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon