Chapter 20

5.9K 231 213
                                    

Luna Blaire

Nandito kami ngayon sa room sobrang ingay lalo na ang mga gunggong.

"Crush mo si Marcus 'no?" Tanong ni Keziah sa hindi ko kilalang babae pero maganda siya, mukha siyang mahiyain.

"Hindi kaya!" Tanggi nito at nahihiyang yumuko

"Ooh! Alam kong crush mo 'ko, Miles." Mayabang na usal ni Marcus.

Sapakin ko ‘to eh, charot.

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mong hatdog ka, hindi kita gusto sarap mo sampalin kaliwa't kanan eh." Singhal sa kanya ni Miles, tinawanan lang siya ni Marcus.

"Sus! Alam naman namin na gusto mo si Marcus." Singit naman nitong babae tangina kapal ng make-up ampucha asim naman.

"Ikaw na babaeng makapal ang make-up pati na rin ang mukha, hindi ko gusto sa Marcus, gago alam kong gusto mo siya. Tsaka, mataas ang standard ko, mas mataas pa sa pangarap mo." Mahabang sambit nito, grabehan na talaga kailangan ko na ng popcorn.

"At tsaka, si Luna ang gusto ko." Dagdag nito na kinalaglag ng panga ko, teka tama ba ako ng pagkakarinig?

"Ooohh! Sorry pero hindi na available si Luna." Sambit ni Pearl habang naka-akbay sa'kin

"Ako! Ako! Available ako!" Sigaw ng isang babae na kinangiwi ni Miles.

Natahimik ang lahat ng bumukas ang pintuan ni niluwa ang isang demon-I mean si Zuki

Tahimik lang itong pumasok, nilibot nito ang paningin sa'ming lahat, tumagal ang tingin nito sa'kin kaya inirapan ko ito.

Umiwas na rin ito ng tingin at nagsimula na magturo, hindi naman ako nakikinig kasi ayoko, charot.

"Pst! Luna ano raw?" Bulong sa'kin ni Marcus, magkatabi kasi kami kaya dumadaldal si tanga.

"Aba, malay ko." Masungit kong sambit at inirapan siya hindi rin siya nagpatalo at inirapan din ako

"Miss Alfonso!"

"Ay pukingin– hala bakit po Miss?" Tanong ko kay Zuki kakagulat naman ‘to bigla-biglang sumisigaw

"Get out of my class." Malamig na sambit nito at nakayukom pa ang mga kamay

"Ha?"

"Get ou-"

"Hatdog."

Halos umusok na ang ilong niya sa sobrang inis. Kinuwa nito ang libro niya at akmang ihahagis sa'kin nang hilahin ko si Marcus at nagtago sa likod niya kaya siya ang natamaan.

Mabilis akong umalis sa room rinig ko pa ang tawanan nila Keziah at sigaw ni Zuki, tangina muntik na 'ko matamaan doon ah.

Kanina pa 'ko naboboring dito sa library, dito kasi ako dumiretso dahil wala pa naman sila Darcelle.

Nakita kong pumasok dito sa Zuki at mukang alam niya kung nasan ako at saan ako nakapwesto, tangina cctv ba 'to?

"Tsuki..."

Hindi mo'ko madadaan sa lambing-lambing mo, hindi ako marupok.

"Po?"

Charot lang.

Lumapit ito sa'kin at sumiksik sa leeg ko, tangina kinikilig pechay ko.

"Are you mad at me?" Naramdaman kong bumasa ang balikat ko senyales na umiiyak siya rinig ko rin ang mga munting hikbi niya.

"Hala! Hindi, hindi. Bakit ka umiiyak? Hindi ako galit, bakit mo kasi ako pinalabas?" Natataranta kong sambit ko at iniharap siya sa'kin

Ngumuso naman ito at inirapan ako, maldita talaga.

The Obsessed Professor (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon