Chapter 13

8.9K 355 559
                                    

Luna Blaire

Kanina pa 'ko rito room hinihintay ko sila Darcelle, on the way na raw sila pero wala pa rin hanggang ngayon, 'yung on the way nila ilang oras na.

Tatlong araw na rin simula nung nangyari sa mansion hindi naman ako sinagot ni Samatha kung bakit nandun ang mga professor hindi ko na rin naman na ito pinilit pa magsabi.

Hindi rin muna kami pumasok pati ang mga professor dahil sinamahan namin si Samantha pumunta sa airport pupunta raw muna ito sa Canada hindi rin namin alam kung kailan ito makakabalik, may aasikasuhin din ito ni hindi nga nakapag usap ang dalawang magkapatid, may sumilay din na ngiti sa labi ni Zuki nung malaman n'ya na aalis si Sam sa bansa.

"Miss."

Napaangat ako ng tingin ng may nagsalita harap ko.

Sino na naman 'to?

Tinuro ko naman ang sarili ko. "Ako?"

"Ay hindi 'yung nasa likod mo."

I rolled my eyes to him dahil pader ang nasa likod.

"Just kidding! I'm Sky." He said and small out chuckle

"I'm not asking." Walang ganang usal ko.

"Well, i'm just saying. What's your name?"

Hindi ba talaga 'to titigil? naririndi na'ko.

"Luna."

"Ooh! Pretty name like you, can we be friends?" He smiling like an idiot.

"Sure." napa 'yes' naman ito at ngiting ngiti na bumalik sa upuan n'ya.

Para siyang hindi lalaki kung kumilos eh.

Napailing nalang ako bakit ang tagal naman nila Darcelle baka dumating na ang professor namin balita ko ay si Zuki ang magtuturo sa'min ngayon.

Buti nalang ay hindi ako nito tinatawag dahil bobo talaga ako wala akong masasagot dito, charot.

Bumukas ng malakas ang pintuan kaya napatingin kaming lahat do'n sisirain pa ata nila ang pintuan, piste.

Bakit hingal na hingal 'tong apat?

"Anong nangyare sa inyo?" Tanong ko kapag kaupo nila nag aagaw hininga pa rin sila hindi ba pwedeng agaw buhay nalang? Char, well deserve.

"May humabol kasi samin na mga dragon." Natatawang saad ni Keziah

"Dragon na malakas bumuga ng apoy." Dagdag naman ni Nathaira.

Tumawa naman silang apat.

Ngayon ko lang napansin na pati na rin si Nathaira ay sumasama na sa kanila, i mean hindi naman kasi talaga siya sumasama sa'min dahil maa gusto niyang kasama ang mga libro niya.

Napatingin naman kami ng biglang bumukas ang pintuan, oh si Zuki pala.

Tumingin ito sa apat na para bang may pinapahiwatig narinig ko naman humagikgik ang apat kaya napatingin ako dito, inilingan lang nila ako at tumingin nasa harapan.

Ano miss, titignan mo lang ba ako?

Nakatingin lang kasi ito sa'kin kaya sinisiko ako ng mga kaibigan ko, nyemas!

Umiwas naman ito ng tingin at nagpatuloy sa pagtuturo, nakinig nalang ako dahil baka tawagin ako nito pero kahit ni isang beses ay hindi nya 'ko tinawag, sakit naman tagos sa apdo.

"Class dismissed."

Tapos na? Okay finally! Gutom na gutom na 'ko.

Palabas na sana kami ng biglang may tumawag sa'kin.

The Obsessed Professor (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon