Chapter 15

10.2K 347 466
                                    

Luna Blaire

"Sa'n kaba kasi pupunta?"

Kanino pa 'tong si sky sunod nang sunod sa'kin hindi matigil ang bunganga sarap salpakan e.

Inirapan ko naman ito. "Sa mars."

Napahilamos ito sa mukha na animong problemado. "Kailan ka titino?"

"Kapag tumahol na ‘yong pusa." Napatawa naman ako ng mahina dahil mukhang stress na 'to talaga.

Problemado yarn? deserve.

"Yun oh, may nagtitinda ng isaw tara bili, libre kita alam ko namang buraot ka." Hinila agad ako nito papunta sa nagtitinda ng isaw.

"Kuya, pabili nga pong isaw, kwek kwek tsaka kikiam po, ano sa'yo?"

Nakatingin ako kay kuyang manong na nakangiti sa'ming dalawa hala, kuya mali iniisip mo.

"Isaw nalang."

"Ganda at gwapo n'yo naman bagay kayong dalawa." Sabi na e.

Napansin kong napaiwas ng tingin si Sky pero nakita ko ang pisngi nitong namumula. Asarin kita ngayon.

"Yes po kuya, bagay po kami diba?" Inakbayan kopa si Sky, nagulat naman ito at lalong namula.

"Kailan kasal?" Napa ubo naman ako sa sinabi ni kuya, kasal agad?!

"Studyante pa po kami kuya" Kamot ulong sabi ni Sky. Pansin ko pa ding namumula ito.

"Oh! Edi kapag graduate na kayo" Kinindatan pa kami nito sabay bigay ng mga pagkain.

"Kapag graduate daw baby oh" Siko ko kay Sky.

"Sure, baby." Ngumiti ito at kinirot ng mahina ang pisngi ko.

"Sweet n'yo naman, nakakainggit" Kinikilig na sabi ni Kuyang manong.

Inggit well.

May tinuturo si Sky sa mukha ko kaya tinignan ko ito na nagtataka, umiling ito at lumapit sa'kin.

"May sauce." Pinunasan nito ang gilid ng labi ko gamit ang kamay niya at dinilaan ito.

"H-huy.." Naramdaman kong namula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Tinawanan lang ako ni tanga at pinagpatuloy na ang pagkain niya.

"Kuya, ito po bayad thank you po balik po kami rito." Binigay na ni Sky ang bayad niya may binulong pa si Kuyang manong dito.

"Y-yes po." Nahihiyang usal ni Sky.

Hindi manlang nags-share.

"Anong sabi ni Kuyang manong?" Naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay namin.

Mas gusto kasi namin maglakad dahil masarap maglakad tuwing gabi, nakahawak siya sa bewang ko.

Ngumisi ito. "Secret."

"Ge lang lods, angas n'yan."

Pakiramdam ko ay may sumusunod sa'min hindi lang isa.

"Ramdam mo ba ‘yon?" Tanong ko kay Sky.

Tumingin naman ito sa'kin na nagtataka. "Alin?"

Pansin kong alam niyang may sumusunod sa'min pero hindi n'ya sinabi.

"Wala wala, nevermind." Tumango lang ito at pasimpleng tumingin sa likod namin.

"Damn! Bakit sila sunod nang sunod.."

May binulong ito pero hindi ko narinig dahil sobrang hina at tanging s'ya lang nakakarinig.

"Sa'min ka muna tumuloy." Hinila ako ni Sky papalapit sa kanya at hinawakan ng maigi ang kamay ko, sobrang lamig ng kamay n'ya jusme patay ba 'to?

The Obsessed Professor (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon