Chapter 14

453 27 5
                                    

Chapter 14

"Miss, andito na si Aliyah at Sir Liam."


Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ang balita galing kay Gio. Pagkatapos ng nangyare, dumiretso si Aliyah at Liam ng presinto habang kami naman ay dumiretso sa hotel. Ang sabi ko kay Aliyah sasama ako pero sabi niya sila na ang bahala. Kaya niya siguro sinabi 'yun dahil nakita niya kanina kung gaano ako natakot. Sa ginawa Tyler, bumalik 'yung mga alaalang naging tampulan ako ng mga tao dahil sa video na kumalat. Kahit naman ilang taon ang lumipas, malinaw pa rin sa alaala ko kung gaano ako minaltrato ng mga tao.


Nang malaman na nakarating na sila sa hotel ay akmang lalabas ako ng kuwarto pero naunahan na ako ni Aliyah sa pagbukas ng pinto. Napahinto ako nang makita siya at kaagad lumitaw ang pag-aalala sa mukha niya.


"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Sa tanong na 'yun ay naging tikom ang bibig ko. Parang kinakapa ko pa kung anong magiging sagot ko sa kanya. Ayoko naman siya mag-alala. Baka mamaya bigla niyang tawagan ang doktor ko kung kailan sinabi ko na bumubuti na ang pakiramdam ko.


Yumuko ako at tumikhim. "Please don't tell this to my doctor," sabi ko.


"I'm sorry, but I have to—"


"I'll get through it. Kapag naging maayos na, ako ang mismo magsasabi sa kanya," pagputol ko sa balak niyang sabihin. Gusto ko sa akin mismo manggaling kapag handa na akong sabihin sa doktor ko. Ayokong sirain ang mga sinabi ko noong nakausap ko siya. Ayos na ako 'e tapos biglang hindi na naman. Hindi ko na talaga alam.


I licked my dry lips and couldn't maintain eye contact with Aliyah. "What happened at the police station? Did Tyler..." I was feeling uneasy just talking about it, but I must know what happened to that jerk.


"Muntikan na nga siyang hindi makulong dahil dumating 'yung tatay niyang gobernador sa presinto. Pero si Liam... Siya ang gumawa ng lahat para lang mapakulong si Tyler. Sumama siya dahil siya ang nakakita nung pagkuha sa 'yo ni Tyler ng mga litrato, sinabi niya lang sa akin kaya lagi kaming nag-uusap kanina."


My forehead creased. "What did Liam do? May kapangyarihan ang tatay ni Tyler kaya paano niya napakulong?"


A smirk appeared on the corner of Aliyah's lips. "Let's just say that he used his power."


My eyes widened. "He scared him?!"


"Oh, come on. It's not scaring... Sinabi niya lang sa governor na kapag hindi nakulong ang anak niya, bibilhin niya lahat infrastractures, buildings, at mga lupa niya," paliwanag niya kaya mas lalo akong nataranta.


"That's actually scaring!"


"Power begets power. The governor was so arrogant, that's why ... Let's just say that Liam taught him a lesson." Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi ni Aliyah. Pakiramdam ko mas lalong dumagdag ang problema ko dahil sa ginawa ni Liam. Ano bang sa tingin niya ang ginawa niya?!


Ngumiti na lang ako. "Thank you, Aliyah."


It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now