Chapter 23

361 26 6
                                    

Chapter 23 

"Hindi ka pa ba mag-lulunch?" Tanong ni Aliyah nang makapasok sa opisina ko.


Saglit akong sumulyap sa kanya at bumalik kaagad ang tingin sa laptop ko. Lagpas ala-una na pero hindi pa rin ako kumakain ng tanghalian dahil sa tutok pa rin ako sa mga gawain ko.


"Padalhan na lang ba kita ng pagkain?"


Kaagad akong umiling. "Huwag na. Hindi pa naman ako gutom."


Narinig ko siyang suminghap sa sagot ko. Hindi niya siguro nagugustuhan na nagpapalipas ako ng oras para lang matapos ko 'tong mga gawain ko. Alam ko na kung anong sasabihin niya.


"Please don't scold me. Kakain naman ako 'e, sadyang 'di pa ako gutom," pagdadahilan ko para hindi niya na ako pagsabihan. Kaunti na lang din naman ay matatapos ko na 'tong ginagawa ko. Pagkatapos ay kakain na ako tsaka babalik din sa gawain ko.


Sunod-sunod kasi ang mga project proposal na isa-isa kong tinitingnan kung puwede kong i-approve. Sumama pa ang pagpirma ko ng mga papeles, maging ang pagpapatayo ng bagong orphanage. Kailangan kong matapos 'yun lahat ngayong linggo.


Bigla namang tumunog ang phone ni Aliyah. Kinuha niya ang phone sa bulsa ng coat niya at nakita kong nagtama ang dalawang kilay niya. "It's Ma'am Lea," aniya. Kahit nagtataka pa kung bakit tumawag si Tita Lea sa kanya ay sinagot niya ang tawag.


"Hello, Mrs. Trevino," panimula niya. Huminto ako sa pagtitipa sa laptop at bumulong kay Aliyah na i-loud speaker. Kaagad niyang sinunod 'yun at nilapag ang phone sa lamesa ko.


"Hello, Aliyah. Busy ba si Sienna? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan, hindi siya sumasagot. Nakapatay yata 'yung phone."


Napakamot ako sa ulo ko dahil sa tuwing marami akong ginagawa ay pinapatay ko talaga ang phone ko para maiwasang maging tutok sa phone ko. Dahil kung hindi ay wala akong matatapos na gawain.


"Busy po kasi si Miss Sienna kaya nakapatay 'yung phone niya," sagot ni Aliyah.


"Ay gano'n ba..." may panghihinayang sa boses ni Tita Lea kaya tumigil ulit ako sa pagtitipa, hinihintay ang rason kung bakit ba siya napatawag. "First time ko kasing gumawa ng sushi 'e wala namang titikim dito sa bahay. Wala 'yung magkapatid, busy din. Siguro ipapadala ko na lang diyan sa opisina niya."


Even though there are maids, she probably feels that her house is empty because her two sons weren't there. Si Saga naman bumukod na kasama ang pamilya niya habang si Liam naman ay nakatira pa rin sa bahay ni Tita Lea, ang kaso minsan na lang silang magkita dahil sa laging gabi umuuwi si Liam.


"Pupunta na lang ako," mahina kong sabi kay Aliyah. Hindi ko rin kasi matiis si Tita Lea. Ayoko namang maramdaman niyang habang tumatanda siya ay unti-unting nawawalan ng oras ang mga taong mahal niya sa kanya.


"Ma'am, may bakanteng oras naman po si Miss Sienna. Pupunta na lang po siya diyan sa inyo."


It Was Mariella SiennaWhere stories live. Discover now