Chapter 12

101 2 0
                                    

Naalimputangan ako nang magising. Napa-upo ako sa kama at napatingin sa sarili. May damit pa naman ako, so walang nangyari sa 'min ni Masson.

Wait! Why do I sounded like disappointed? Napaka ano ko. May nakita akong sticky note sa gilid ng mesa, nang basahin ko 'to, agad na napataas ang kilay ko. It's from Masson!

Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Nanghihinang napaupo ako sa kama. Hindi ko lubos akalain that I let that old hag kissed me.

Wala sa sarili akong napahawak sa labi. Naalala ko pa how he deepened the kiss. Pakiramdam ko uminit ulit ang mukha ko dahil sa ala-alang iyon.

Agad akong naligo at nagbihis. Hindi na 'ko naglagay ng kahit na anong kolorete sa mukha.

"Wife, bibisita muna ako sa plantation. Don't miss me, I'll be back." Basa ko ulit sa sulat niya bago lumabas ng kwarto. Ang kapal ng mukha niya, at bakit ko naman siya ma mi-miss? His guts huh.

As usual, napaka boring dito sa loob ng bahay. Kaya ako na nagdilig ng halaman sa garden nila. Pati bulaklak nila dito, mamahalin din.

Wala talagang kagamitan ang mga Villaranza na mumurahin. Napabuntong hininga nalang ulit ako.

"Ma'am Ivory, gusto niyo po ba munang mag meryenda?" tanong ni manang sa 'kin. Umiling ako at nagpasalamat nalang dahil hindi pa naman ako ginugutom.

Nang magtanghalian ay hindi pa rin dumadating si Masson Villaranza, ang magaling kong asawa.

"Manang anong oras po uuwi si Masson?" tanong ko dito habang kumakain mag-isa. Akala ko kasi ay mabilis lang siya kaya nakakataka na wala pa siya dito.

"Naku ma'am, hindi po nagpasabi si sir Masson e. Hayaan niyo po, uuwi rin iyon mamaya." Napatango nalang ako sa sinabi ni manang. Nagpatuloy ako sa pagkain at natulog pagkatapos.

Paggising ko ay hindi pa rin dumadating si Masson. Hapon na at mag-aalas singko ng hapon.

"Manang, wala pa rin po ba si Masson?"

"Wala pa rin po, ma'am." Sabi nito. Nasaan na ba 'yon at ang tagal niya dumating?

Lumabas ako at napatingin sa kalangitan. Makulimlim pa rin ito. Parang may bagyo yata. Kaya siguro busy si Masson dahil naghahanda sila para sa bagyo.

Naisipan ko nalang na maglakad-lakad muna. Malawak naman ang Hacienda Villaranza kaya ayos lang kahit saan ako magpunta.

Marami akong nakakasalubong na mga farmers nila na magaan ang pagbati sa 'kin. Maldita ako pero nilalagay ko sa lugar iyong pagkamaldita ko.

I smiled back at them.

"Magandang hapon po misis Villaranza." Napangiwi ako sa narinig dahil agad na naalala ko ang mommy ni Masson na si mommy Madonna. It's not that, I don't like it, it's just weird.

"Magandang hapon po sa inyo ma'am Ivory. Baka po gusto niyo po kaming saluhan dito, may mangga po doon at masarap na bagoong." Sabi nong babae na parang ka edad ko lang din. Naalala ko sa kaniya si Ary. Nang tignan ko ang mangga sa bowl, para akong naglaway agad. Mukhang masarap!

Gusto ko ang mangga pero hindi pa ako nakatikim ng bagoong. Sasagot na sana ako ng mapatingin ako sa unahan dahil may makita akong nagkukumpulan.

Pero mamaya ko na 'yon iintindihin. Gusto kong kumain ng mangga.

"Pwede ako manghingi?"

"Oo naman po ma'am Ivory. Hali po kayo." Agad niya kong hinila papunta doon. Nagsitayuan ang mga tao doon nang makita ako.

"Naku Evelyn, bakit nakahawak ka sa kamay ni ma'am Ivory? Nakakahiya ka." Hysterical na awat nong babae sa babaeng humigit sa 'kin papunta dito.

"Bakit po nay? Malinis naman po ang kamay ko ah." Sabi ni Evelyn na ikinatawa ko.

His Personal Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now