Chapter 15

106 2 0
                                    

Umuwi ako kinagabihan. Pagkatapos kong makikain ng mangga ay dumiritso ako agad sa bahay. Walang tao pag-uwi ko ni isa kaya nagkulong ako sa kwarto buong magdamag.

Maliwanag ang buong villa. Nang tignan ko ang orasan sa relos ay mag a-alas dos na ng hapon. Napabuntong hininga nalang ako at napagdesisyunan na lumabas ng kwarto.

Nang makalabas ako ay nakita ko si Masson na nakasandal sa pintuan. Nang mapatingin siya sa 'kin ay nakita ko kung paano unti-unting lumaki ang mga mata niya nang makita ako. Agad siyang lumapit sa gawi ko.

May pag-aalala sa mga mata niya. Nagulat pa ako nang bigla niya kong yakapin. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na lubos maisip na itulak siya papalayo.

Masiyado akong pagod kakadaldal namin ni Evelyn kanina. "I'm sorry wife," rinig kong sabi niya. He always keeps on saying sorry, e ano naman kung magkasama sila ni ate Dainne? It's their life and I'm out of it.

"Let me go, Masson," mahinang sabi ko na buti sinunod niya. "I'm going to school tomorrow." Nakita ko pang bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Right, hindi ko pala nabanggit sa kaniya ang plano ko.

"Bakit hindi ko alam?" aniya.

"Bakit ko naman ipapaalam sa'yo? Nasa kontrata natin diba na walang paki-alaman sa sariling buhay?" sabi ko sa kaniya. Nakita ko na naman ang sakit na bumulatay sa mga mata niya pero sinawalang bahala ko na lang. Bakit naman siya masasaktan at the first place?

Nilagpasan ko siya at naunang bumaba. Una kong pinuntahan ang kusina para uminom ng tubig, nagulat pa 'ko nang makita na nandoon ang lunchbox at tumbler na iniwan ko sa damuhan kanina.

Naramdaman ko ang pagsunod ni Masson sa likuran ko.

"Bakit hindi mo binigay sa 'kin 'yan?" rinig kong tanong niya.

"Bakit ko naman ibibigay? Hindi naman masarap 'yan kaya tinapon ko na." Puno ng tabang ng sagutin ko siya.

Humarap ako sa kaniya at umirap.

Kumuha ako ng tubig at ininom lahat. Nang maubos ay saka ko lang balingan ulit nang tingin si Masson. Nakatitig siya sa 'kin ng seryoso. Nandito na naman kami sa titignan niya, na tipong nilulunod ka.

"I'll go upstairs," sabi ko sa kaniya pero bago pa man ako makaalis ay agad niyang hinigit ang kamay ko at sinandal sa pader.

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako din ako sa mga mata niya na seryoso namang nakatingin sa 'kin.

"Bakit hindi ko alam na gusto mong mag-aral ulit?"

"Sinabi ko na sa mga magulang ko kaya sila na ang nag-asikaso ng lahat. Wala din namang rason para sabihin ko sa 'yo."

"Anong wala? asawa kita,"

"Oo pero sa papel lang Masson." Bakit ba big deal sa kaniya na gusto ko mag-aral at hindi ko sinabi ko sa kaniya?

"What?" Nagulat siya sa sagot ko. Bakit? Hindi ba totoo?

"Yes Masson, ano bang ikinagagalit mo diyan?"

"Because I am your husband, damn it! I am entitled to know everything. Ako dapat nagasikaso sa pag-aaral mo. Ako dapat lahat gumawa ng mga bagay na 'yon dahil asawa kita." Napapikit ako sa gigil na pagkakasabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya because he's really mad at me.

"And why are you so cold to me?" Iyong boses niya ay biglang naging malumanay. Kaya agad akong nag bukas ng mga mata. Cold? Of course not. Overthinking itong isang 'to.

Bumalik ang sakit at pag-aalala sa mga mukha niya.

"Umalis ka nga sa harapan ko. Naiinis ako sa pagmumukha mo." Inis na sabi ko at pinilit kong itulak siya papalayo. But hindi siya nagpatinag.

His Personal Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now