Chapter 40

97 6 0
                                    


"Heart, beat fast..." Natawa si Masson nang simulan ko ng kantahin ang lyrics no'ng pinatugtog ngayon.

"Colors and promises?" dugtong niya. Inirapan ko siya ngunit natawa na rin. Loko talaga. Kanina pa kami dito sa Guava Grills, tapos na kami mag dinner at halos kami lang ang tao dito.

I bet, nirentahan ng galante kong sugar dadeh ang buong lugar.

"How to be... brave?" kanta ko at natatawang sumandal sa dibdib niya.

"When I'm with you, I'm brave." Bulong niya.

"How can I... love? When I'm afraid... to fall.."

"Are you?" mahina ko siyang nahampas sa dibdib niya. Naisisingit niya talaga ang mga kalokohan dito e.

"Umayos ka nga Masson," natatawa kong sabi but narinig ko lang ang halakhak niya.

Hindi nalang ako kumanta kasi feeling ko ay marami pang masabi si Masson sa mga sasabihin ko sa kaniya.

Nanahimik na rin siya. Sumayaw lang kami at ninamnam ang bawat sandali namin dalawa.

"Thank you, wife. For coming into my life." Kusa nalang akong ngumiti, at mas niyakap pa si Masson ng mahigpit sa akin.

Nakakatawa ang simula naming dalawa. Hindi ko nga ini-expect na magiging ganito kaming dalawa.

Nagsimula kami sa fake marriage na iyon. Hanggang ngayon nga, hindi ko alam bakit ginawang valid ni Masson ang kasal namin. Pwede naman kaming magpanggap lang pero kung sabagay, knowing his father, alam kong mabibisto kami agad kapag hindi valid ang marriage cert. namin.

19 lang ako that time no'ng ikasal ako sa kaniya. Ginawa ko lang iyon para maghiganti kay David at para lubayan na niya ako.

Ni hindi ko nga alam kung tama ba mga desisyon ko dati.

Sobrang daming nangyari. Bigla nalang naging ganoon and viola, nangyari na.

We both agreed na may annulment na mangyayari pero ewan, hindi ko nga rin alam kung nasaan na ang contract na iyon.

I fell, he fell, we both lose but we attained this happiness together and now, we have our little Eda in our side. Our angel, our daughter.

"Before kita nakita, wala akong plano na matali sa iba. Dainne was my girlfriend that time pero hindi ko kailanman naisip na lumagay na sa tahimik na buhay." Sabi ng asawa ko kaya tumingala ako sa kaniya at nasalubong ko ang mapupungay niyang mga mata.

"Dati pa lang, gusto ko na ang lupa namin dito for a certain reason." Kumunot ang noo ko. Curious ako sa certain reason niya.

"This land always been my home, my first love dahil dito kami lumaki ng mga kapatid ko. Kaya sabi ko, gusto kong sa akin ipamana ni Dad ang lupain namin dito. You know, I am a sentimental person." Natawa si Masson at naroon ang saya sa mga mata niya.

"Kaya when he said na ibibigay niya sa amin ang mana namin kapag kasal na kami, agad akong naghanap ng mapangasawa and I thanked God that Dianne refused my reckless decision many times because I met you."

Nakita ko ang kaginhawaan sa mukha niya na para bang muntik na siyang mapahamak sa isang aksidente.

"Fate brought you to me. Naging mag-asawa tayo at ganoon na ang nangyari." Hinapit ako ni Masson sa bewang at mas lalong nilapit sa kaniya.

"I love you, wife. I know na kasal ka na sa akin but will you allow me to marry you.. again?"

Nagulat ako... Nanlaki ang mga mata at hindi alam kung ano ang sasabihin.

His Personal Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon