Chapter 20

94 1 0
                                    


Hindi ko na alam ang nangyari dahil agad akong dinala ni mommy sa sasakyan.

At inutusan si mang Ancio na iuwi agad kami sa bahay. Puno nang pagtataka nang balingan ko siya nang tingin.

"Let's talk when we get home." Sabi lang nito sa 'kin kaya tumahimik nalang ako. Pagdating namin sa bahay ay naalala ko ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. For sure Masson is calling me now.

At totoo nga dahil may more than 10 ng missed calls si Masson. I texted him na kasama ko si Mommy at pauwi na kami sa bahay.

"What are you doing, mom?" Tanong ko sa kaniya. Bakit tayo umalis? May masama bang nangyayari? You look pale.

"You're not safe there, Ivory. Just tell Masson to go to our house." Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"What's the problem my? Bakit ba nagmamadali ka?"

"May Ivory, it's nothing. Just call your husband, darling. Malapit na tayo."

Nakauwi kami sa bahay na tahimik lang si Mommy. Maya-maya pa ay, agad na pumasok si daddy kasunod si ate Dainne. Agad na lumapit si Dad kay Mom at niyakap ito. Si Ate Dainne naman ay inirapan ako.

"Can anyone tell me what's going on?." Sabi ko sa kanila. But none of them speak up. Nang tumayo ako ay agad na nagsipasukan ang mga armadong tauhan namin para pigilan ako.

"Dad!" Sumigaw na ako.

"You're not allowed to go outside Ivory. It's for your safety."

"What are you talking about? Walang masamang mangyayari sa 'kin."

"Ivory... Please listen to us. We know what's good for you. Just wait Masson here." Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy.

"Masson won't come here. Check your phone." Singit ni ate Dainne kaya napatingin ako sa cellphone ko. Nag reply si Masson sa text ko kanina.

'Wife, I'll pick you later. May emergency sa plantation.'

Napalingon ako kay ate Dainne. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit mo alam?" nagtataka kong tanong.

"Carlo told me." Aniya at umirap saka umalis.

Tumingin ako kay Mommy. "Uuwi na 'ko." Sabi ko sa kanila but Dad stopped me.

"Ivory, c-can you listen to us? This is for your own good."

"Good? Really?" Can't help but to be a sarcastic. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila akong palabasin dito but ayaw ko talaga ng ikinukulong ako.

Tumalikod ako at pumasok sa kwarto kahit naririnig ko pa sila na tinatawag ako. Agad akong nag lock ng pinto at pabagsak na naupo sa kama. Hindi ko maintidihan sila Mommy.

Nagbihis ako at naghilamos at pagkatapos ay nagbihis. Buti, I still have my clothes here.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang ang lahat. Nang tignan ko ang oras ay alas dose na ng hating gabi.

Tulog na ang lahat ng tao. Sumilip ako sa labas at may mga guards doon na nagbabantay. Kumunot ang noo ko nang makita si David sa hindi kalayuan at mukhang nakikipagtalo sa tauhan ni dad.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na bumunot ng baril yung tauhan ni daddy at itinutok kay David. Napamura ako. Nagmamadali akong lumabas. Tinakbo ko ang distansya ng pagitan ko sa kanila.

"Hey! Put it down you b*stard!" Sigaw ko dito. Nanlalaki ang mga mata ni David nang makita ako at agad na tinabig ang baril mula sa tauhan ni dad kaya tumilapon ito papalayo. Lumapit siya sa 'kin. He's really drunk.

His Personal Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now