Chapter 26

93 4 0
                                    


"You look sad," sabi ni Cedric kaya napatingin ako sa kaniya. Sumimangot ako ng makita na kanina pa pala niya ako tinitignan.

"Hindi naman," sabi ko dito. Tumaas ang sulok ng labi niya at inakbayan ako.

"Dad, magkamukha kami ni Ivory 'di ba?" aniya sa daddy niya. Agad naman umalma si Drake nang marinig iyon sa kuya niya.

"What? No way. Kami ang magkamukha ni ate." Sabi ng katabi ko na pinipilit alisin ang kamay ni Cedric sa balikat ko. Umiinit na ang ulo ko sa dalawa.

"Bitawan niyo ko kung ayaw niyong pag-uuntugin ko ang mga ulo niyo." Agad na napabitaw ang dalawa sa 'kin at parang napapasong lumayo. Narinig naman namin si Oliver at Mr. Wang na natatawa sa unahan.

"Tiklop ah?" tila nang-iinis na aniya sa dalawang kapatid niya dito sa tabi ko.

"You didn't answer me dad." Napapikit ako sa sinabi ni Cedric dahil ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya sa daddy niya.

Tumawa si Mr. Wang,"Of course, mana kayo sa 'kin, gwapo." Sabi ni Mr. Wang. Nabigla ako sa sinabi niya pero naisip ko na baka ay he's talking figuratively.

"Hindi po kami magkamukha ni Cedric," sabi ko na nagpatahimik sa kanila. Mali ang sinabi ko? Tumikhim si Oliver.

"Kung ganoon, sino ang kamukha mo?" Tanong niya.

"Ako!" Singit ni Drake.

"Oo, si Drake ang kamukha ko." Sang-ayon ko sa bata.

"See? I told ya!" Natatawang aniya. Naalala ko bigla iyong gulo niya sa gym last time kaya sinamaan ko siya nang tingin. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagtataka.

"Why are you looking at me like that?" takang tanong niya.

"Bakit nakipag-away ka kamakailan sa teammates mo? At talagang sinungitan mo pa 'ko." Ngumuso siya at tumingin sa 'kin na tila ay parang bata na pinapagalitan ng magulang. I even heard his father chuckled.

"Bleeh!" pang-aasar ni Cedric kay Drake kaya sinamaan siya nito nang tingin.

"I just protected you," nakayukong sagot niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Well, he's hitting you. Got pissed so I punched him." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Dahil iyon lang?

"He deserved it. So proud of you Drake." Napatingin ako kay Oliver nang sabihin niya iyon.

"Yeah," ani naman ni Cedric na walang emotion ang mukha. These siblings are so weird.

Natawa si Mr. Wang sa unahan.

"That's my boys." Aniya at humalakhak pa. Isa pa itong papa nila.

"Well boys, thank you for the concerns lalo ka na Drake but I don't need protection. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko sa kanila.

"Hindi naman siguro masama kung pu-protecktahan ka namin." Sabi ni Cedric sa tabi ko.

Natawa ako kay Cyd. "Thank you but kaya ko talaga ang sarili ko. I grew up without my parents. Nasa Manila ako habang nandito sila sa probinsya kaya natuto akong protektahan ang sarili ko."

Natahimik sila magkakapatid. Narinig kong tumikhim si Mr. Wang kaya napatingin ako sa kaniya.

"What age are you nong dinala ka nila sa Manila?" bakit niya tinatanong?

"I was 8 that time," sagot ko.

"I see," sagot niya saka tumahimik sila lahat.

Kasama ko pa rin ang pamilyang Wang dito sa isang Chinese resto malapit sa Downtown. Kanina pa ako pinipilit ni Drake na sumama sa kanila dahil maaga pa naman kaya sumama nalang ako.

His Personal Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon