Chapter 18

101 1 0
                                    


Nang tignan ko ulit 'yong dalawang lalaki kanina ay nakita kong tinaasan niya ko nang kilay habang nakakunot naman ang noo nong lalaki na katabi niya. Problema nila?

May binulong 'yong lalaki sa naka business suit. Nakatingin lang ako sa kanila, wari ay nakikipag kompetensyahan sa isang paligsahan. Nakita kong tumayo 'yong lalaki na nakita ko sa bench at papalapit sa 'kin. Agad ding tumayo 'yong naka business suit para sundan 'yong lalaki.

"Ced, sandali..." Sabi nong naka business suit sa lalaking papalapit sa 'kin. "What kuya? I'm just trying to know her." Tumaas ang kilay ko sa narinig. Obviously they are creeping me out. At bakit niya ako gustong kilalanin? Is he hitting on me?

No. Makikita mo kung gusto ka nong lalaki, but their case are different and I can't really tell what it is. Ang weirdo nila pareho. Uubusin ko na itong shake.

"Tumigil ka Cedric or dad will screw your ass and send you back to L.A. Choose," tila nanghahamon na sabi nong naka business suit sa lalaking tinawag niyang Cedric.

Masama ang timpla ng mukha nong Cedric nang hawiin niya ang kamay ng kuya niya na nakahawak sa braso niya.

"Kuya Oliver, I'm done with this b*llsh*t."

"Watch your mouth Cedric." Hindi na siya pinakinggan nong Cedric dahil bumalik na ito sa upuan niya. Tumingin ulit sa gawi ko 'yong naka business suit na tinawag nong Cedric na Oliver, bumuntong hininga ito at dahan-dahang lumapit sa 'kin.

"Are you alone here?" tanong niya. He's not harmful to me but I shouldn't let my guard down. Looks can be deceiving ika nga nila.

"Yeah but my husband is coming." Sabi ko.

"Husband," ulit niya sa sinabi ko na ikinakunot ng noo ko. "It's weird, you look so young but already married? Did your parents arranged you to some rich family and forced you to get married?"

Matagal nag sink in sa 'kin ang sinabi niya. Bakit naman niya naisip 'yon? And who the hell is he? Bakit niya ko kinakausap?

"No. Kagustuhan ko 'to. Excuse me," sabi ko at tumayo na nang makita si Masson na nakatingin sa phone niya habang papunta sa gawi ko.

For unknown reason, bigla akong kinabahan. Nilingon ko pa ulit sila at gaya kanina, nakatingin lang sila sa 'kin.

"Masson," tawag ko sa asawa ko na hindi pa ako napapansin at saka lang ito nag angat nang tingin sa 'kin.

"Hindi ka na nag reply. Na empty batt ka ba?" tanong niya. Hindi ko napansin na nag reply pala siya. Nasa bag ko ang phone ko at naka silent iyon kaya kahit nag vibrate, hindi ko pa rin mapapansin.

"Sorry, na busy ako kaka abang sa 'yo. Hindi ko napansin." Sabi ko. I smiled para maitago ang kaba ko. Knowing Masson, mataas ang IQ niya so I need to act natural. Baka awayin niya ang dalawa. Wait, bakit naman niya aawayin? Silly.

"You look tense. Are you really okay?" nilagay pa niya ang palad niya sa noo ko to check if may lagnat ba ako.

"I'm fine Masson, tara na?" aya ko sa kaniya at hinila siya paalis sa lugar na 'yon. Gaya kahapon, Masson asked me kung kumusta na ang araw ko sa school. Of course I told him everything except sa part na nandoon si David at ang enkwentro ko sa dalawang weird na lalaki kanina.

"Ikaw? How was your day?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Since half day ang klase namin and umaga ang pasok ko, so nasa Stable kami at pinapakain ang kabayo.

Umalis si Primo nang sabihin ni Masson na kami na ang magpapakain sa mga kabayo.

"Magiging busy kami sa susunod na araw since needed na namin mag harvest ng pinya para ma e deliver sa buyer and kailangan nandun ako for transactions. Gusto kong hands-on ako dito since I am not yet familiar sa kalakaran dito sa Hacienda." Ay oo nga pala, maraming pananim ang Villaranza sa Villanueva.

His Personal Affair (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz