Chapter 31

94 3 0
                                    


"Saan kayo pupunta?" tanong ni Dad. Kasama ko si mommy, dahil aalis kami ngayon.

"May pupuntahan kami ng anak ko." Matabang na ani ni Mommy kay dad.

"Bakit kayo aalis? We're celebrating for Dainne's pregnancy."

"And you're expecting na makiki-celebrate kami sa inyo? No. My daughter and I have something important to do."

Hindi na nakasagot si Dad when mom pull me out of the house. Nakasuot ako ng shades dahil mugtong mugto pa ang mata ko kakaiyak.

"You'll gonna be okay." Mom whispered and I just nodded.

Nagtaxi kami papunta ng terminal dahil susunduin kami ni Oliver kasama ni Mr. Wang.

Mom called them earlier kaya maaaring naroon na sila, naghihintay sa amin.

Humilig ako sa balikat ni mommy. I'm gonna miss her. Pwede naman akong dumalaw sa kaniya but seeing Dainne in the house, masasaktan lang ako. So it'll take time bago ko harapin sila.

Pagdating namin sa terminal, I saw Oliver, katabi nito si Mr. Wang. Naghihintay sila sa amin sa terminal.

Lumapit si mommy kay Mr. Wang at alam kong nag-uusap sila. Nasa likuran lang ako, naghihintay kailan sila matatapos.

I saw Oliver, papunta siya sa akin. Hindi ako makakilos, nakatayo lang ako hanggang sa makarating siya sa harapan ko.

"Can I hug my sister?" naroon ang pag-aasam sa mga mata niya. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko, but this time, natawa na ako sa kaniya.

Niyakap ako ni Oliver at niyakap ko rin ako pabalik. "Lagi ka nalang umiiyak kapag nagkikita tayo. Sa amin ka nalang kasi, 'cause we promise you na that we will protect you. You're our only princess."

"Mas lalo akong naiiyak sa sinasabi mo." Hinampas ko pa ang dibdib niya bagay na tinawanan niya.

Ginulo niya ang buhok ko at siya na mismo ang nagpahid ng luha sa mga mata ko.

"Hindi mo naman e di-deny na hindi tayo mag kapatid kasi we really look alike. Namana natin kay Dad." Lumabi ako at napagtantong tama nga ang sinabi niya.

"But sa inyo ni Cedric, mas kami ang magkamukha." Natatawa kong sabi habang pasinghot singhot. Last night, I have this thought kung anong similarities meron kami magkakapatid.

At ito ang realization ko.

Hinintay namin na matapos si Mommy at Mr. Wang na mag-usap. After a couple of minutes, lumapit si Mommy sa amin.

"Ivory anak, I'll go ahead. Mag-iingat ka lagi." Sabi ni mommy sa akin.

Tumango ako at yumakap sa kaniya.

"Tita, hatid ko na kayo." Presenta ni Oliver but mommy shook her head, telling Oliver do not bother.

Tinignan muna namin si Mommy na makasakay ng taxi.

Nang makaalis na siya, tinignan ko si Mr. Wang. Medyo nahihiya ako sa kaniya but lumapit pa rin kami ni Oliver dito.

"Can I hug my daughter?" napatingin ako kay Oliver at bahagyang natawa nang maalala na ganto ang sinabi ni Oliver kanina.

Mag-ama nga sila.

"Go on," Oliver whispered. Nahihiya man ay lumapit ako kay Mr. Wang at niyakap siya.

"My princess. I finally have you. Nayakap na rin kita." Bulong ni Mr. Wang at para na naman akong naiiyak.

I feel the warm on their embrace.

His Personal Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now