Episode 1

986 53 13
                                    

N/N: 


Thank you so much sa support, everyone!  Kahit walang nagco-comment, at least nakikita kong binabasa niyo, hahaha!  I wrote this one after the trailer nung sobrang wala pa akong ginagawa at chilling lang ako.  Hope you like this one!  FIrst dedication next chapter to if you want na ma-dedicate sa'yo ang chapter, maglagay ka na ng comment :) 


EPISODE 1


"You could be the one that I love."


MIGUEL:


Isang sem na ang tinagal ko bilang 1st year student sa isang sikat na University dito sa Manila. I've been making a lot of progress in making friends and of course, looking for 'the one'. Sa totoo lang, ayoko nang maniwala sa true love due to my failed senior high school relationship, napagdesisyunan kong mag study first muna. Pero Lord! Lahat yata ng tao rito sa Univ ay may itsura at siyempre hindi ko mapigilan na mag-isip baka nandito na siya.


"Kay aga-aga nakatanga ka dito pa talaga sa maraming taong dumadaan. Hindi ka ba natatakot na baka ma-feature ang pagmumukha mo sa Univ Chikahan?" Napabalikwas ako nang marinig ko ang litanya ng kaibigan kong si Jan. Sumimangot ako nang maalala ko ang mga nafi-feature sa Univ Chikahan page na 'yon.


"Tangina nila kapag na-feature ako! Bakit ang aga mo rin? Akala ko ba mamaya ka pa papasok?" Balik ko rito at natawa ito. "Gago hindi ka talaga nagbabasa ng GC natin no? We don't have afternoon classes today boss, kaka-announce lang na meron tayong activity sa gym with all year levels pero 4th year ang facilitators in 10 minutes."


Hindi na ako sumagot at binuksan na lang ang cellphone ko na kakakuha ko lang mula sa bulsa ng bag ko. Sa totoo lang nakakawalang gana ang pumasok ngayon dahil madilim ang langit at parang anytime may chance na umulan. Pero dahil mahigpit ang student council namin at talagang pinapag-check ng attendance ang bawat class president mukhang no choice ako kung hindi ang umattend.


Tumabi sa akin si Jan at mukhang busy ito sa paglalaro sa cellphone niya. Tanaw ko mula rito ang escalator ng building namin at napukaw ng atensyon ko ang isa sa mga lalaking nakasakay roon. Hindi naman ako bulag at ilang buwan ko na rin siyang tinitignan mula sa malayo.


Shocks!


Nakita ko ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Bigla akong napaiwas ng tingin at bumalik ang paningin ko sa cellphone ko. Nang lumipas ang ilang segundo ay tumingin muli ako sa kung saan siya nandon at nakita ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Tumayo na ako dahil hindi ko na kinaya ang hiya at tinapik ko si Jan para maglakad na kami para pumunta sa gym kung saan naroon ang event.


✎﹏﹏﹏﹏


Malakas ang tugtog sa gym sa sobrang lakas mayayanig na yata ang lahat ng mga classrooms at makakadurog na sila ng salamin. Habang pinapakinggan ko ang kanta, ito yata yung bago ni Taylor Swfit pero bakit parang hindi ko siya alam?


"'Cause you could be the one that I love

I could be the one that you dream of

Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy/BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon