Episode 1

279 19 13
                                    

N/N: 


Omygooood!  Sa mga hindi nakakaalam, super friends kami ni  dorshylover (may he rest in the arms of God) and ngayon... ilalabas na ang book niya via PopFic which is Ang Kapitbahay Ko (AKK) ang iconic na story ni Darren at Gab.  Kahit na matagal nang wala si dorshy lagi naming pinagtatalunan kung sino ang nauna sa aming magsulat pero alam ko siya talaga HAHAHA (MISS KO NA HIS HUSBAND ERA KO).    Thank you guys sa patuloy na pagbabasa nitong kwento na ito kahit papano mag-expect kayo ng mas mabilis na update dahil wala na akong work aside sa master's thesis ko.  Hahahah life update lang. 


Dedicated ang chapter na ito kay thefakeprotagonist, thank you sa supporta and mga votes na binigay mo sa kwentong 'to.  Nakaka-trauma ang pagkikita ni Miguel at William 'no?  Super red flag kasi charot hahahaha 


Episode 1


"Puso'y nagmamadaling lambingin at suyuin ka."


WILLIAM:


Natapos ang hapunan namin dahil niyaya kami nung boyfriend nung Jericho na si Dan na kumain rin. Ngayon ay nakatayo na kami sa labas ng karinderya at mukhang hindi mapirmi ang mga tindera sa likod namin dahil panay ang bulungan nila.


Sobrang ironic lang dahil magkasintahan rin ang natagpuan naming dalawa. I almost went crazy simula noong nawala si Miguel at hindi ko siya makita bago matapos ang school year. Hindi niya na yata rin alam na sinubukan kong linisin ang mga nangyari at naglabas ako ng mga post sa social media kung ano ang totoong nangyari, in short I took the blame.


Ngayon na nakita ko siya ulit na may kasamang ibang lalaki ay muntik talagang magtuyo ang dugo ko pero mabuti na lang at kapitbahay lang siya.


"Uuwi na ba kayo?" Tanong ni Miguel kay Jericho at umiling ang dalawang mag-syota. "Baka mag-stay ako kila Dan. Iiwanan ko na lang sa inyo yung motor na dala ko para may sakyan kayo pabalik." Ani Jericho at sumingkit ang mga mata ni Miguel na parang sinasabi na ayaw niya akong makasama.


Tumawa ako at inakbayan si Miguel, "Ako nang bahala sayo, love? Parang hindi ka naman sanay." Umiling na lang ang dalawang magjowang kasama namin at binato sa akin ni Jericho ang susi ng motor. Mabuti na lang at kahit papano marunong akong mag-motor!


Pumara na ng tricycle si Jericho at si Dan at kami naman ni Miguel ay tahimik na naglakad kung saan naka-park ang motor. Sinuot ni Miguel ang helmet ng hindi ako tumulong kaya nadismaya ako. Umangkas ito agad at sinadya ko na muntikan kaming matumba at expected nga na bigla itong humawak sa bewang ko nang mahigpit.


"Ayan ganyan, hahawak ka sa'kin nang mahigpit o kaya mahulog ka na lang... pero sa'kin." Banat ko rito at natawa siya ng malala.


"Gago, nasaktan na ako nung nahulog ako sa'yo alangan namang doblehin ko pa?" Balik nito sa akin at natawa kaming dalawa.


Pinaandar ko na ang motor at sinabi ko kay Miguel na ituro sa akin ang daan pabalik sa kanila. Hindi naman rin pala ganoon kalayuan ang kinainan namin at wala ring traffic dahil nga sobrang dilim na rin at wala naman masyadong nagta-travel sa area.

Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy/BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon