Episode 8

365 26 18
                                    

N/N: 

Holabells!  Pasensya sa matagal na paramdam jusko super busy lang rin ako last week kahit na medyo matagal na akong may draft for this chapter; dagdag mo pa na medyo nabubuo ko na ang plot for this story kaya shookth!  SPOILER ALERT!  Alam niyo ba na totoong tao si William hahahaha no comment na ako sa story and all pero he's a real person kaya lagi kong sinasabi sa message board ko na ang saya ko na #3 tayo sa cheater category para malaman ni William na cheater siya (though alam niya naman talaga gusto ko lang ipamukha ulit, charot!).  


Thank you so much sa pagsubaybay sa kwentong ito  minsan hindi ko pa rin nai-internalize na nagsusulat na ulit ako.  Yay!  Dedicated ang chapter na ito kay JayCarloIndino thank you sa mga votes! <3 


Episode 8:


"Sabihin mo na, nilalaman ng puso mo."


WILLIAM:


Univ Chismisan!

Ehem! May pogi na naman sa University natin at 'yon ay si Yuan Garcia ang dating Mr. University! Pero sobrang juicy ng balita dahil bago pa magawa ang Univ Chismisan ay super kalat sa university ang WillYu ship... meaning may jowa ang poging ito at 'yon ay walang iba kung hindi ang papable ng Archi na si William. Grabe super saya ni Admin Joy sa balitang ito. Stay tuned for updates.


Tangina! Ito na nga ba ang sinasabi ko at na-feature na naman ako dito sa bwisit na account na 'to. Alam kong mabubuhay na naman ang iilang mga shipper ng love team namin ni Yuan at magkakalat na naman sila sa social media. Hindi man lang nasagot ni Miguel ang tanong ko kanina pero alam ko he's going to risk it with me.


"Bakit kayo lang dalawa ni Miguel sa sulok?" Tanong ni Yuan matapos naming makasakay sa dala kong kotse. I was about to ask Miguel kanina pero itong pagdating ni Yuan ay talagang surpresa.


"Nagre-review lang kami, babe. Kumusta, bakit mo ko sinundo sa univ?" Balik kong tanong dito at parang galit itong sumagot sa akin.


"Bakit kung hindi kita susunduin ano ang gagawin niyo nung Miguel?"


Tinignan ko ito at kita sa singkit nitong mga mata ang galit, "Anong kinakainis mo? As if I am always meeting you, I need to socialize din naman."


Umayos ako ng upo at akmang sisimulan na ang pagmamaneho pero biglang nagsalita ulit si Yuan. Mahina lang ang boses nito pero napatingin pa rin ako, "I understand that pero nakikita ko yung mga tingin mo kay Miguel, ganon mo ko tignan dati William. Alam ko I told you before na papakawalan kita pero mahal kita William at hindi kita isusuko."


Sasagot pa sana ako pero bigla nitong hinila ang batok ko papalapit sa mukha niya at hinalikan ako. Magaan ang paghalik ni Yuan at unti-unti nitong pinapasok ang dila niya sa bibig ko. Gumanti na rin ako ng halik dahil ito ang labi na nakasanayan ko. May natitira pa rin akong pagmamahal kay Yuan at alam kong masasaktan siya sa gagawin ko kapag sinugal ko na ang lahat kay Miguel.


Iniisip ko noon na kami na forever ni Yuan; sabi rin sa akin ni nung isa sa kaibigan ko nung high school na matatawag ko na totoo ang pagmamahal kapag kaya ko isugal ang lahat at naniniwala ako ron. Winning Yuan was easy dahil alam ko na gusto niya rin ako pero ngayon na lahat kaya kong ibigay kay Miguel, nakukumbinse na ako sa nararamdaman ko.

Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy/BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon